I don't know mejo emo ahaha:) Sa wakas nakapag Update din. Sana po magustuhan niyo! :)
——————————————————————————————————————————————————
Sa bilis ng panahon, hindi ko na namalayan na buhay pa din ako araw-araw. Sa totoo lang nabubuhay nga ako pero parang nararamdaman kong mamamatay na ako. Hindi naman ako sa natatakot pero hindi pa talaga ako handa para mamatay.
Kinabukasan pasukan na... Parang isip bata mang isipin pero excited ako. Gusto ko talaga makatapos eh, kaya gagawin ko lahat ang makakaya ko upang makatapos ako ng highschool. Hinanda ko na ang mga gamit ko pati na din yung polo at pantalon ko. Nilinis ko na din yung sapatos ko at nagpahinga na din pagkatapos. Sa totoo lang, hindi naman ako ganito dati, kung tutuusin nga sa palagay na pasukan bukas, wala pa din akong hinahanda na mga gamit. Pero ngayon, handang-handa na talaga ako. Napansin ko na ang laki na din pala talaga na ipinagbago ko simula noon.
~~~
5:45 AM
Inoff ko na yung alarm ko. Ready!! Naligo na ako tapos I dressed up. Sinuot ko na din yung sapatos ko and fixed my hair. I was about to open the door pero naunahan pa ako ng kapatid ko na buksan yun. "Kuya? Gising ka na pala?!" nagulat si Gene sa nakita niya. Mukha ba akong multo?!
"Yup. Do I look like a ghost? Ba't ganyan itsura mo?" tinawana ko lang siya.
"Huh?! Gab! You're awake and at the same time, nakabihis na?!" pati mom ko ngayon nagulat sa akin. Well, hindi naman kasi nila expected na ganito itsura ko agad ngayong first day, kasi dati talaga tamad ako.
"Kain na po ako." Bumaba na ako ng hagdan naming to eat. Yung dalawa gulat na gulat pa din. Can't help to laugh.
~~~
"Pahatid ka na anak." Sabi ni mom.
"Ma, lalakarin ko na lang po, malapit naman yung school eh.",pinagpipilitan niya talaga ako ihatid.
"Pero kasi, ayoko na mapagod ka."
"Ma, kaya ko 'to."
"Kuya, pahatid ka na. Sabay na tayo." Binuksan ni Gene yung door para sa akin.
"Hay nako, sige na nga." Wala eh, choiceless. Ang kulit nila. Nagbabay na si mom tapos pasundo na din daw ako mamaya. No... Bahala siya.
~~~
Pagdating ko sa school, maunti pa yung mga students. 6:30 AM palang naman kaya at first day, what to expect? Late students. Dumiretso agad ako sa guidance office para kausapin ako.
"Mr. Martinez?!" Gulat yung principal.
"Welcome back!" Lahat sila mukhang namiss ako. Hindi naman ako nagkarecord kaya hindi yun yung dahilan kung bakit kilala ako.
"Good Morning po!" tapos ayun, kung anu-ano na yung mga sinabi sa akin. Special greetings daw yung pagpapakilala sa akin sa current seniors. At si Ms. Cruz pa din yung adviser ko at masaya siya na nakita niya, same goes as me.
~~~
"We have new student." Rinig ko yung sabi ni maam. Nasa labas lang ako ng classroom. Kailangan ba talaga ganito?
"New student? Maam, 4th year na kami, may new student pa?" tanong nung isang student sa loob.
"Bumalik lang naman siya." Binuksan ni maam yung door at pumasok na ako at nagulat silang lahat.
"Gabriel Martinez? Siya yung nagkasakit." Yun mga sabi ng mga students.
"Umm... Ako si Gabriel Martinez. Thank you nga pala sa prayers niyo. Sana maging masaya ang taon na ito." I smiled at them.
"Ang cute niya pala talaga." Sabi ng mga madlang girls.
Umupo na lang ako sa vacant chair. Tapos pagkalingon ko sa side, kilala ko siya, siya yung babaeng may crush sa akin noon.
"Hi Kuya Gabriel, kumusta?" ngumiti siya.
"Teka. Ikaw si ano Ca-Catherine ba?" tanong ko.
"Karen kasi eh. Ha-ha." Tinawanan niya lang ako.
"Ay sorry. Ha-ha." Siya nga yung babaeng nagka crush sa akin. Yung kaibigan niya kasi biglang sinabi sa akin noong bumababa kami sa hagdan tapos nandun din siya, na crush daw ako nitong si Karen. Nag smile lang ako sa kanya noon at nag thank you. Ngumiti rin naman siya sa akin habang namumula. At ayun yung dahilan kung bakit ko siya kilala, Hindi na din naman kami nakapagusap nun.
~~~
Ano pa ba nangyari ngayon? As usual, nagpakilala lang tapos nakita ko ulit mga teachers ko dati at masaya daw sila na okay na ako. At ngayon magdidismissal na, mag se-seating arrangement pa daw muna. Tapos last ako napa-upo, as usual sa likod kasi matangkad naman ako.
Pagkaupo ko sa upuan, tinignan ko yung katabi ko, babae pala siya
Nagsusulat naman siya siguro ng mga reminders o announcements ni maam pero hindi pa niya pinapansin so I make a move.
"Hello." hindi lang siya umimik pero tumingin naman siya.
Para siyang shock or something. Nagtitigan lang kaming dalawa. Tapos bigla siya nag smile slightly pero humarap naman din agad siya sa board.
I find her weird pero hindi ko rin alam kung ano nga.
~~~
Marami ng lumabas ng classroom pero may mga natira pa din naman sa room kasama na yung katabi ko at si Karen. Friends pala sila. Nag-uusap kasi sila dito na parang ang saya-saya nilang dalawa.
Bigla kong naalala na may ipapasa pa pala ako. Kinuha ko sa bag yung activity sheet tapos nakita ko pumasok si maam sa room para may kunin.
"Hala bakit nandito pa kayo?" tanong ni maam. Halatang nagulat pa si maam eh.
"Maam, nakalimutan ko po ipasa yung output ko." Papunta na ako kay Maam dun sa may blackboard na biglang may bumangga sa akin sa may gilid.
"Sorry po..." she picked up the papers. Nagkauntugan pa kaming dalawa.
"Ayy. Aray." Sabay pa kami nagsalita. Yung katabi ko pala yung nakabangga sa akin.
"Hala Kuya Gabriel, pasensya na ah. Nagkukulitan kasi kaming dalawa." Sabi ni Karen habang natatawa pa siya.
"Sorry talaga. Si Karen kasi eh." Nag bow pa si seatmate.
"Ah, ay okay lang naman yun." I smiled at her.
"Sama neto. Nga pala siya si Annika." Pagpakilala ni Karen. As usual, ngumiti lang yung katabi ko sa akin.
"Siya ba yung kasama mo na kaibigan nung?—-?" bigla ako pinigilan ni Karen.
"Hindi ah. hindi siya yun." sabi ni Karen. Akala ko siya yung babaeng kasama niya nung nagsabing crush daw ako ni Karen. Ito namang si Annika walang reaksyon.
"Tahimik mo pala. Hanggang ngiti lang yung reply mo sa akin lagi." Sabi ko sa kay Annika.
"Sorry." Sabi niya. Puro sorry and smiles lang narinig ko from her.
After that incident, pinasa ko na din yung output ko, sabay pa nga kami ni Annika eh.
~~~
Lumabas na din ako ng room at nagpaalam na sa mga natira dun. Syempre tinignan ko yung gate kung may sundo ba ako. Pasalamat na din ako at wala kasi sa totoo lang gusto ko maglakad pauwi. Namiss ko din kasi 'tong paglalakad pauwi eh.
Habang naglalakad ako bigla kong naalala yung bago kong katabi.
Sa totoo lang ang weird niya talaga. Hindi ko siya magets. Mahiyain ba siya o mahinhin lang talaga or ganun lang talaga siya pagdating sa akin? Ngayon napapaisip ako na, magkasundo kaya kami neto? Gusto ko maging friends kami kasi alam kong dapat alagaan niya ako kasi ako katabi niya. Hindi joke lang hahaha. Paano kaya bukas? maging okay kaya kami?
Pero ang cute naman ng pangalan niya eh. Si Annika Jade.
BINABASA MO ANG
Keeping You Close (LizQuen)
Teen FictionWill keeping you close prevent me from getting hurt once more? Will keeping you close make me happier than before? Or, Will keeping you close make me feel the pain much more once again? Will keeping you close lead me all through sadness and vain? a...