Hi! Ako si Zoraida Deloslapida.
Pangalan pa lang matatakot ka na. Pero sa totoo, mas nakakatakot pa ang hitsura ko sa personal. Haha..Inunahan ko na kayo kasi alam ko naman na iyan din ang iniisip niyo. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako nagagalit o nasasaktan. Sanay naman ako sa mga reaksyong ganyan.
Nag-aaral ako sa Princeton University. 3rd year college na ako and i'm taking up Fine Arts. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling talaga akong gumuhit. Magaganda ang mga paintings at artworks ko. Pero kung gaano kaganda ang mga likha ko, ay siya namang ikina-pangit ng mukha ko. Sobra ako makapanglait ano? Kasi naman po araw-araw na lang, ipinamumukha sa akin ang kapangitan ng hitsura kom Araw-araw na lang puro iyan ang lumalabas sa bibig ng mga nakakakilala sa akin. Naririndi at nabibingi na ako eh. Pero wala na akong magagawa diyan. Pinanganak akong ganito, mamatay akong ganito- Panget
Siguro curious kayo kung gaano kasaklap ng hitsura ko ano?
Well, simple lang ako. Kung anong depinisyon ng panget ang tumatakbo sa utak niyo, eh yan ako. Makapal kilay, tadtad ng taghiyawat ang mukha, makapal ang buhok at naka-glasses palagi. Lumabo kasi paningin ko simula nung 3rd year high school ako dahil sa kababasa ng komiks. Opo mahilig po akong magbasa ng komiks at ang paborito kong genre ay zombie apocalypse series 🤣 may tawa pa sa huli. But seriously na adik talaga ako sa kababasa ng komiks kaya eto 20/300 ang vision ko. Ibig sabihin ang nakikita ng normal na tao 300 ft away,