Para Kay Juanito Alfonso

23 1 0
                                    


Para kay Juanito Alfonso



Kaya mo pa ba?
O Susuko ka na?
Napakagulo diba?
Pero kailangan bang mawalan ng pagasa?
Sana ay muli kang makasama.

Juanito Alfonso
paulit ulit sa isipan ko
Ikaw lamang ang isinisigaw ng puso
Muli sanang masulat ang ating kuwento
Sana Ay makita kita sa mundo ko

Sana maging katotohanan
Lahat ng nabuong imahe sa aking isipan
Ang alaala na pinanghahawakan
Ipinta mo ang kagandahan
Ng ating pagmamahalan

Sa lahat ng pagmamalasakit
At aral na nakamit
Iibigin kita ng paulit ulit
Panalangin ko'y mahagkan ka ng mahigpit
Kahit muli kang maglaho at muling makadama ng sakit

Basta' t pangako mong ikay mabubuhay
Manatili ka at ang puso ko Ay iaalay
Juanito, Saan ba dapat ilagay?
Ang obra mong Kay husay
Dito lamang ako sa dating tagpuan, naghihintay.

Nagpapakamakata,
                Carmela Isabella















Ok. Kung may magbasa man nito bahala kayo hahahaha Ingat! Sana nagustuhan niyo ❤️ okay Lang kahit hindi lakompake hahahah charot!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Kay Juanito AlfonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon