Unknown: Nakita kitang umiiyak kanina?
Me: Sino 'to?
Unknown: Ang pangit mo palang umiyak
Me: WTF. 'sino nga to
Unknown: Tulo pa sipon mo e. HAHAHA
Me: ANO BA? SINO KA BA?
Unknown: Tapos habang umiiyak ka, may hawak kapang napkin. Para saan?
Me: Huwag mong pakialaman ang napkin ko!!! Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanang sayo? Sino ka ba at saan mo nakuha number ko?
Unknown: ako si.....
Me: sino nga??
Unknown: Ako ang konsensya mo. HAHAHA
Me: ha ha ha. Oh, tatlong tawa for you. So, sino ka nga?
Unknown: Ayyy. Tatlong tawa lang? Gawin kong apat para magpakilala na ako sayo ^_^
Me: are you even serious?
Unknown: Yes. I am. Bahala ka.
Me: ha ha ha ha. O, ayan, apat na yan .
Unknown: HAHAHAHAH! Iyakin ka nga nga, uto-uto ka pa.
Me: Hindi ka nakakatawa!
Unknown: Hindi naman kita pinapatawa eh. Hahahahha
Me: Sino ka nga kasi?
Unknown: Bakit ka nga umiiyak?
Me: It's none of your business.
Unknown: It's my business kasi nakakita ako ng umiiyak. I mean, pangit na umiiyak.
Me: My God! Nakakasira ka ng araw!
Unknown: Bakit kanga muna umiyak?
Me: Kapag ba sinabi ko sa'yo ang reason ng pagiyak ko, titigil ka na at mag papakilala ka?!
Unknown: Maybe.....
Me: Wow! Maybe ka diyan. E kung i-block kita?
Unknown: Sungit naman nito, oo na. Sasabihin ko na kung sino ako kapag sinabi mo amg reason nang pag-iyak mo.
Me: Nag break kami ng boyfriend ko! Nahuli ko syang niloloko ako. Sa mismong monthsary pa naming dalawa! Ang saya, 'diba?
Unknown: 'Yung boyfriend mo niloloko ka ba? Aba! Makakapal na rin talaga ang mukha ng mga pangit ngayon huh? Pati sila may tigas ng mukha para manloko.
Me: Grabe ka naman magsalita!
Unknown: Ay pinagtatanggol mo pa boyfriend mo kahit na niloloko kana? I mean, ex-boyfriend?
Me: Of course! Mahal ko yun eh.
Unknown: E ang tanong? Mahal ka ba? Kasi kung mahal ka, hindi ka nun lolokohin. :D
Me: Ang hard mo magsalita ah! Close ba tayo? Ha?
Unknown: Hindi tayo close. Open tayo. Hehehehe
Me: Mais.
Unknown: Wala kang humor kaya ka niloloko eh. HAHAHA. Pero seriously, hindi mo dapat iniiyakan yong ex mo . Hindi pa naman sya patay.
Me: 😂
Unknown: Ay napatawa kita.
Me: No! Wrong emoji yun. Dapat 😡😡 yun
Unknown: Wooh! In-denial. Kaya ka naloloko e. Hahahaha
Me: Pakyu
Unknown: Ayyy. Mapagmura :(
Me: Pake mo?
Unknown: Kapag ikaw....
Me: Kapag ako ano?!!!
Unknown: Kapag ikaw minahal ko :) Oh, kikiligin na 'yan. Huwag kang kiligin, baka lalo kang pumangit. Hahaha
Me: Iwwww! Bakit naman ako kikikigin?
Unknown: Iwwww? Saan yan?
Me: Para sa mukha mo! Iwwww!
Unknown: Maka-iww naman to. Bakit maganda ka ba?
Me: Hindi. Bakit ikaw?
Unknown: Hindi ako maganda dahil gwapo ako. Basta kapag nakita mo ako, maglalaway ka at malalag pa panty mo.
Me: Gwapo? Baka gago? Hay nako! Wala akong panty na malalaglag. Naka-brief ako.
Unknown: Gwapo ako no! Sabi ng nanay ko!
Me: Nanay mo lang pala eh! Hay ewan ko sayo. Iba-block na kita! Bye!
Unknown: Wait! Sasabihin ko na kung sino ako!
Me: Dalian mo! Ayokong pinagiintay ako!
Unknown: Bakit? Lalo ka bang pumapangit kapag naghihintay.
Me: Lul
Unknown: Ito na nga .
Me: Oh sino ka na?
Unknown: Ako....
Me: Ikaw??
Unknown: Ako si....
Me: Ikaw si????
Unknown: Ay mali.... ako ang
pala. HeheheheMe: Ikaw ang?
Unknown: Ako ang konsyensya mo. HAHAHAHAHAHAHA
Me: Pakyu!
Unknown: Same to you, Ryzayakin <3
__________
^_^
YOU ARE READING
I Love You The Way You Are
FanficBrokenhearted ka na nga dahil sa ex-boyfriend mong manloloko, tapos may epal at papansin pa na text nang text sa'yo. Kamusta naman 'yon?