Memories Poem

64 15 6
                                    

Memories Poem

[Princess](Childhood Memories)

Na-aalala kupa noong tayo'y bata pa

Magkahawak ang kamay, magkadikit mga paa

Naglalaro tayo habang mga labi nati'y nakatawa

Na animo'y bakas ang walang kupas na saya

 .

 .

Dati rati'y may di inaasahang pangyayari

Naglalaro ng tinikling di mapakali

Isang aksidenteng nag-kadikit ang ating labi

At duon nabuo ang mga pangakong sinabi

 .

 .

Isang araw hindi ka pa nakikita

Di alam ang gagawin nakasilip sa bintana

Mga ilang saglit isang liham ang pinadala

Pinaparating na mangingibang bansa kana pala

 .

 .

Hinantay kita ng ilang taon

Na sana mag-karoon ng pagkakataon

Ang mga ala-ala na aking baon

Na isakatuparan ang pangako mo kahapon

 .

 .

Labinlimang taon non bago ka nagpakita

Hindi ko inaasahan ang aking nakita

Sapagkat ikaw ay may kasamang santa

Na lingid sa aking isipan na siya iyong sinisinta

 .

 .

Sobrang tagal kitang hinintay!

At ito ang aking pinapalagay

Pilit kong sinabi na ako ay masasanay

Na alisin ka sa puso ko wag nang pasaway

 .

 .

Ngunit isang araw hindi ko na kaya

Na ang ating ala-ala ay paulit-ulit parang sirang plaka

Ikaw ay nakita at sinabing di na ko kilala

Hindi ko na alam  non ang sasambiting kataga

 .

 .

Sa pangyayaring yon ako'y tumakbo

Papunta sa aking kwarto

Hindi alam ang gagawin, Sa isip ko'y may tumatakbo

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon