Chapter 4 : In my dreams

544 14 10
                                    

We all have our dreams.. pero minsan hindi natutupad yung mga dreams natin.. because most of the time those dreams are not meant to be fulfilled.. because maybe we exist not to fulfill our dreams but to make someone ele's dream come true.. 

----------------------------------------------------------------

"TALAGA NAG-KAUSAP KAYO NI JAMES REID???" 

Halos matulig ako sa lakas ng pagkakasigaw ni Joric sa tenga ko. Sinimangutan ko sya.

"oo nga! pauulit-ulit!??" asar kong sagot sa kanya. nakwenro ko na kase sa kanya yung nangyari nung isang gabing hinayaan nya akong umuwi ng dis-oras ng Gabi,

Wala sana akong balak ikwento yung pagkapahiyang dinanas ko sa harapan ng Frat Leader na yun pero gusto ko sana KONSENSYAHIN ang magaling na kaibigan kong ito, pero unfortunately, di sya nakonsensya, instead parang naiinggit pa syang napahiya ako sa harapan nung infamous na frat guy na yun... tssss... ang landeee talaga. =______="

"eeeh.. kaiinggit ka naman friend... ang pogeee kaya nya.. utaaaang na loob love ko na ata sya...!!!" sabi nya na parang  iniimagine pa yung itsura nung lalaki na yun.. feel ko lahat na lang ng gwapo dito inlove na sya..

ffffssshhhhhhhhhh..

kahit kelan talaga..

"inlove agad? agad?? ano toh? Peebeebee teens?? " pangbabara ko sa kanya.. wahahahahah

"tse!! feel mo ikaw si Vice?? ewan ko sayo! basta magagawan ko din ng paraan para makausap din yang si James reid!!" pagbabanta nya sa akin. pero d-uh!?? pake ko.. magsama sila.. si Robi lang naman ang mahalaga sa akin eh... 

Haaaaayyyy.. Robi.... my Robi.... Robi my lovess... My sweet Robi....  <3 <3 <3

"Good Morning!!"

"Good morning Sir Xian!" 

Napatigil ako sa pag dedaydream at sobrang thankful ako dahil tumigil na din sa kakadada itong katabi ko dahil dumating na ang ubod ng gwapo naming professor.. 

Oo.. nabanggit ko na ba na ubod ng hot lang nitong accounting professor namin?? as in parang pakiramdam ko hindi sya bagay sa loob ng classroom at mas bagay sya sa mga pages ng magazines at TV ads pero dahil swerte kame ay pinagkaloob sya ng may Kapal sa amin bilang maging magaling naming professor sa isa sa mga pinaka dreadful subjects na alam ko..

Siguro cinocompensate ng kgwapuhan nya ang hirap ng subject na tinuturo nya kaya naman kahit  mahirap at nakakatamad ang subject nya ay nagtitiyaga kaming lahat pumasok sa klase nya, infairness kahit mga boys napasok sa subject nya paano ba naman kase hindi lang sya gwapo at magaling magturo sobrang benta din ng mga jokes nya kaya kahit mga boys enjoy sa klase nya...

"O class our topic for this week is, short-term decision making.. so.... sub topics under this were: Accept or reject, make or buy, continue or shutdown and sell or process further." 

Hindi pa natatapos sa introduction ni SIr Xian sa lesson ay may isang maangas na lalaki na dire-diretsong pumasok sa classroom namin at walang sabi-sabing lumapit kay sir Xian at may binigay na papel. 

Akala ko kung anong mahalagang announcement yung binigay nya or kung sino sya dahil sobrang angas nya, pero nung makita ko ng tuluyan ang itsura nung lalaki na yun tsaka ko nagets ang lahat.

"Mr. Reid, don't you know that the adding and dropping of subjects are already past due 2 weeks ago?" tanong ni Sir Xian sa maangas na lalaki.

ngunit nagkibit lang ito ng balikat at saka nya tinignan ang kabuuuan ng buong classroom ng biglang magtama ang mata namin.  di ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang nakita kong nag-smirk sya ng makita ako.

The Misadventures of a Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon