Chapter 8

24 2 0
                                    

Khaycee Pov's

Nasa kotse ako ngayon with kuya dahil hinahatid niya ako papasok sa school magprapractice lang naman kami .Half day nga lang kami dahil papasukat na kami ng damit .Nung una guato nina mommy na magpatahi ako dahil first time ko daw sumali ng mga ganon activity sa school namin ang sabi ko magrenta na lang dahil isang beses lang naman namin gagamitin nung una ayaw ni mommy pero napilit ko nman.

Si papa  nagdradrama  keso may boyfriend na daw ang unica hija nila  na keso malapit na mag asawa iiwan ko na daw sila.Sinabi ko naman na wala akong boyfriend .Eto namang si kuya sinasabing meron kausap na lalaki lagi sa may gate .Habang hinihintay siya kaya lalong nag drama si papa ang sabi ko naman na kaibigan ko lang yun.Pero si papa wala pa rin drama pa rin kaya natatawa na lang ako sa kanya pati si kuya nakikitawa.

Si kyron naman ang sabi papatayin niya daw yung boyfriend ko kuno na si Raynel nga pag kinuha ako natawa naman ako kasi daw wala na daw siyang ate nuh .Ang sweet talaga nuh .Ang sabi ko pa nga ang sweet ng baby boy namin pero ang sabi kasi wala na daw siyang ateng unggoy .Napailing na lang ako si kuya,mama,at papa naman natawa kausasp namin sila sa skype lang alam niyo naman busy yun.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng school kaya dali dali akong bumaba .Pero bago ako bumaba hinalikan ko sa pisngi si kuya sabay nagwave at nagbabye dito.

Nakadress lang ako na kulay puti at nakadoll shoes .Pumasok nako sa gate ng school .Habang naglalakad ako parang may nakasunod sakin.Lumingon naman ako ngunit wala naman .Umiling na lang ako sabay punta sa may likod ng school bago ako pumunta ng court .Ngunit biglang may nag takip sa bibig at ilong ko nagpumiglas ako ngunit ang lakas ng may hawak sakin tinitignan ko kung may tao bang malapit samin ngunit wala tinignan ko ang guard ngunit wala ito sa pwesto niya at mukhang walang bantay nuh.

Nagpumiglas ako ng nagpumiglas ng marasmdamasn kong nahihilo nako.Hindi nagtagal napapapikit nako bago ako pumikit nakita ko ang mukha ni Raynel na nakatitig lang sakin.

(A/N:Kyaaaah Third pov's muna 😂😂)

Third Pov's

Binuhat ng isang lalaki ang walang malay na si Khaycee meron itong kasama na isa pa at si Raynel .

Habang naglalakad sila kita sa mukha ni Raynel na naguguilty siya ngunit kailangan niyang gawin yun.

Sumakay sila sa gray na sasakyan ni Raynel.Yung isang lalaki pumasok sa likuran habang buhat si Khaycee.Umupo naman sa passenger seat ang isa at ang nagdrive si Raynel.

Bumalik ang walang emosyon ni Raynel dahil ayaw niyang ipakita na naguguilty siya sa ginawa niya.

Tumingin si Raynel sa May mirror at napangiti ito ng mapait ng nakita ang walang malay na si Khaycee.

Hindi niya alam na mapapadali pala mangyayari ang kinakatakutan niya .Ngunit wala siyang magagawa kundi sundin ang utos sa kanya.

Nagdrive lang siya hanggang makapunta sila sa isang abandonadong bahay at binuhat ulit ng kasama niya si Khaycee at pinasok sa loob nito.

(A/N:Luh ano nanyare kaya ? Syempre itutuloy ko 😂😂 dito rin sa chapter na to para matapos na ang tagal eh)

-

Khaycee Pov's

Bigla ako napadilat ng may malamig na tubig na bumuhos sakin.

Napatingin ako sa paligid.Nasan ako? Anong nanyare sakin?

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa inaalala ko ang mga nanyare.

May nagtakip sa bibig at ilong ko pero bago ako mawalan ng malay nakita ko si Raynel na nakatitig sakin.

"Buti naman at gumising ka na ."Sabi ng  lalaki sa harap ko.

Napatingin naman ako sa kanya na nagtatakang napangisi ito ng nakaskaloko.

"Masarap ba ang mabuhusan ng tubig na malamig?"sabi nito sabay tawa.

Nakitawa na rin  ang iba netong kasamahan.

"Bakit ako nandito ? Anong kasalanasn ko sa inyo?!"takang sigaw ko dito.

Bigla akong sinampal ng lalaking nagbuhos ng malamig na tubig sakin .Sabay sabunot sa buhok .Napasigaw naman ako sa sakit.

"May nag-utos samin kilala mo!"Sigaw niya sabay sampal ulit sakin.

Biglang may lalaking pumasok sa kwarto kung saan nandun ako at ang tatlong lalaki na nasa harapan ko.

Nakajeans na blue siya at Gray na t-shirts .Agad ko tong nakilala .

"Raynel tulungan moko!"sigaw ko dito at nabigyan ako ng pag asa.

Tinignan lang ako neto at nakapamulsang lumapit sakin.Wala itong emosyon habang lumalapit.Biglang sumikip ang dibdib ko at nanunubig na ang aking mga mata.

Umalis ang lalaki sa harap ko at hinawakan ni Raynel ang mukha ko .Tumulo ang luha kanina ko pa pinipigilan.

Tinignan niya lang ako .Ngunit hindi ko inaasahan na bigla niya akong sinampal ng malakas tumunog ito sa buong kwarto.

Napatulala ako sabay pagbuhos lalo ng luha sa mata ko.Sinampal niya ulit at gumawa rin ito ng ingay sa kwarto.

Narinig ko nagtawanan ang mga tatlong lalaki.Tinignan ko si Raynel at wala pa rin itong emosyon.

"B-bakit R-Raynel?"Sabi ko habang nahihirapan na sa pagsasalita at pumipiyok ang aking boses.

Sasampalin niya sanay ulit ako ng bigla nagsalita yung nagbuhos ng malamig na tubig sakin.

"Hahahaha punyeta hahaha ang uto uto mo naniwala ka sa kanya hahaha nabihag ka niya sa patibong niya ang tanga mo hahaha puro kasinungalingan ang nakita mo sa kanya gago! Hahahaha"sabi nito na tatawa tawa.

Nakitawa naman ang kanyang mga kaibigan.

Binaba ni Raynel ang kamay niya sabay labas sa kwarto.Kasama ng talong lalaki na tinatawanan ang katangahan ko.Narinig ko ang pag sara ng pinto.

Lalong hindi ko na napingilan ang pag iyak ko .

Bakit mo ginawa sakin ito ? Anong kasalanan ko? Bakit moko ginawang tanga? Akala ko ba ikaw yung hero ko? Diba magkaibigan tayo? Sabi mo kaibigan mo nako.Bakit raynel bakit niloko moko ?

Napahangulngol nako sa sakit na nadarama ko.Feeling ko nasa imperno ako ang sakit isiping nagtiwala ako sa kanya .Hindi ko maalalang gumawa ako ng masasma sa kanya.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ulit ako dahil sa aking pag iyak.

All My PainWhere stories live. Discover now