Resist #2

12 0 0
                                    

Loise POV

"Loise gumising ka diyan!!!" Tawag saken ni mama. Kinuha ko nalang ang unan ko at pinatong iyon sa ulo ko plus nagtalukbong pa ako ng kumot

"Loise!!" Tawag ulit ni mama tsk ang ingay ke aga aga ang bunganga niya tsk tsk

Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko f*ck it

"F*ck natutulog yung tao eh lumayas nga kayo!!"  Sigaw ko nakarinig naman ako ng pagsirado ng pinto. Hayy makakatulog naren sa wakas. Tsk istorbo

Nagulat nalang ako ng may biglang kumuha ng kumot at unan kaya napa mulat naman ang mga mata ko. Handa ko na sanang singhalan ang taong nambulabog sa maganda kong tulog ng napagtanto ko kung sino ito

"Rise and shine bessy wap" sabi ni bessy ko

" Bessy naman eh alam mo namang natutulog yung tao" sabi ko sakanya at pumikit ulit

" Nakalimutan mo rin siguro na may klase pa tayo noh" sabi niya. Tsk kainis naman oh

"Anong oras naba?" Tanong ko sakanya

"7 am na bessy may 30 minutes nalang tayo kanina kapa ginigising ni tita hindi ka nakikinig tulog mantika kapa rin namuyat kana naman kagab-" talak ni bessy tsk. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng dumiretso na agad ako sa banyo at naligo na

"Bessy nasa kama mo na ang uniform mo pakibilisan lang ha thank you!!" Sabi niya at nakarinig ako ng pagsara ng pinto

Pagkatapos kong maligo ng 5 minutes ang pinakamabilis kong paligo sa tanang buhay ko  dali dali ko namang isinuot ang uniform ko hindi ko na blinow dry ang buhok ko dahil tutuyo rin naman toh papunta sa school,  naglagay lang ako ng powder tsaka lip gloss blush on and a little bit of eyeshadow and im done kinuha ko na ang bag ko at dali daling lumabas ng kwarto,  jusme muntik pa akong matipalok at mahulog sa hagdan

Buti naman at hindi na nila ako inayang kumain i dedecline ko rin naman.Lumabas na ako ng mansyon at sumakay na sa sasakyan ni bessy ko binigay niya sa akin ang tinakeout niya sa starbucks at dali dali niyang pinaharurot ang sasakyan niya papuntang V.A

Pagdating ko sa V.A 7:15 na may 15 minutes pa ako bago mag start ang klase namen kaya dumiretso muna kami sa canteen at duon ko na kinaen ang tinakeout saken ni bessy sa Starbucks. Habang kumakain ako sa kamalas malasan nakita ko naman ang mga hinayupak na naglalakad ng bigla silang tumigil sa harapan ko 

"Look who's here the losers of V.A" sabi ni Vivianne tumawa naman ang mga kasama nila at kasama na duon si Yael. Tiningnan ko lang sila at kumain na ulit

"Loser kami eh ikaw hmm.... Slut??" sabi ni bessy at napatawa muntik na akong mabulunan pinapigilan ko lang na tumawa. Nakita ko naman ang itsura ni Vivianne na parang sasabog na sa inis

"This isn't over yet" sabi niya at tinalikuran na kami tsaka umalis na sa kung saang impyerno mn sila pumunta tsk

"Nakakagigil talaga ang Vivianne na yon, bessy okay kalang?" tanong niya saken tumango nalang ako at tinapon na ang pinagkainan ko tsaka pumunta na kami sa room namin dahil malapit ng mag time. 

Pagdating namen sa room nanduon na si transferee guy at ang mga hinayupak na nag bubulong bulungan habang nakatingin sa amin tsk tsk anu sila mga bubuyog ayyy Queen Bee pala ang leader nila so i presume mga bubuyog din sila maka bulong ang ingay

Hindi nalang namin sila pinansin at dumiretso na si bessy sa upuan niya at ako naman eh sa tabi ni transferee guy, naisipan ko nalamang magbasa ng libro

Habang nagbabasa ako ng libro may biglang naglapag ng libro sa desk ko ang libro ko sa mathematics 

"Naiwan mo sa sasakyan ko" sabi ni transferee guy at umidlip. Seryoso naman ng isang toh parang galit sa mundo eh

Tinago ko na ang dalawang libro sa bag ko haist ang bigat naman. Kaya ayaw kong magdala ng libro eh nakakabigat sa bag buti nalang at may locker kami dito kundi ma didislocate na ang mga balikat ko

"Goodmorning class" sabi ni prof. binati rin naman namen siya at umupo na ulit. Nagdidiscuss si prof. tungkol sa Cell division at Genetic recombination ang galing lang talaga kaya hindi ako inaantok ngayon cause our topic is very interesting

Hayyy salamat natapos din ang klase namin at break time na. Niligpit ko na ang gamit ko at binitbit ang dalawang libro para mailagay ko na sa locker ko.

"Here let me help" sabi ni transferee guy

"No need, I can manage" pero parang bingi ang isang toh, dire diretso lang ang lakad. Wala naman akong may magagawa kaya sinundan ko na lamang sya papunta sa locker area

"Where is your locker? "

"No. 34" inaccess ko muna ang locker para mabuksan ito tsaka niya inilagay ang mga libro ko

"Thanks transferee guy"

"Transferee guy? " tanong niya with a hint of amusement to it

"Sorry I forgot your name, I suck at it" sabi ko habang namumula ang aking mga pisngi. Embarassment huhu

"Ohh it's Levi"

"Sorry Levi, I will try harder to remember it."

Umalis na ako at tinungo ang garden dito sa V. A. parang trip ko kasi ngayong mag sketch and the garden of V. A is the perfect place for me to do it.

Napagdesisyunan kong i sketch ang flower na nasa ilalim ng puno idadgdad mo na ang skies. So peaceful so unlikely my life.

"Beautiful" biglang sambit ng isang nilalang na ikinagulat ko

"Who is he? " He??  Ano ba ang tinutukoy nya eh puno at bulaklak naman ang iginuguhit ko

Parang nakuha niya naman ang ikinanuot ng nuo ko dahil itinuro niya ang sketch pad ko

At duon ako mas lalong nagulat at the same time ay nabighani sapagkat may isang bulaklak na nasa ilalim ng puno at may nakaluhod na lalaking may hawak na espada na parang ibinaon niya ito sa lupa.

This guy reminds me of.......... Levi???

"I can see the similarity of that guy and me"

"What??  You??  U-mmm... No parang trip ko lang na lagyan niyan. To add more drama"

"So you prefer drama over a peaceful one. It could've been peaceful kapag puno at bulaklak lamang ang nandiyan pero No. May lalake sa gitna na parang nagluluksa"

"I better get going malapit ng mag start ang next period. Dont want to be late same as you,  you should get going na din" sabi ko at dali daling umalis papunta sa next period ko

Umupo agad ako sa desk ko at tiningnan ako ni bessy na nagtataka

"Saan kaba pumunta kanina pa kita hinahanap"

"Sa garden lang naisipang mag sketch"

"Hayyy hindi pa talaga nawawala ang pagkahilig mo sa pagguguhit despite na-"

"Haystt don't bring up that topic again"

"So you still like drawing,  Loise" sambit ni Yael habang akbay akbay si Vivianne

"Still can't move on?? " pangugutya niya

"I've already moved on Yael kaya nga ginagawa ko ang mga kinahiligan kong gawin nung kasama pa kita without shedding a tear" sabi ko sakanya

"Reasons" sambit niya

"This is a factual reason, plus gagawin ko ulit ito with a different muse to draw with" sabi ko na ikinagulat niya kaya umalis na lamang ito at umupo sa seat niya. Anung akala niya magpapatalo ako sa kanya??  No way in hell will that happen

Once is enough na katangahan hindi na iyon mauulit pa

"Different muse??  I wonder who it is??" Sabi ni Levi habang nakangisi. Ughhhh can this day get any worse

***

Resisting DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon