Resist #4

9 0 0
                                    

Loise's POV
Paggising ko nasa isang hindi pamilyar na silid ko natagpuan ang aking sarili. At ang sakit ng ulo ko sanhi ng matinding iyakang session na naganap sa gymnasium kaninang hapon.

Pagtingin ko sa bintana ng kwartong ito ang dilim na at kitang kita na ang liwanag ng buwan.

Dahan dahan kong hinanap ang switch ng lights at ng ma on ko na ito napalula ako sa lawak ng hindi pamilyar na kwartong ito. Sakto namang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang maid na may dalang tray na puno ng masasarap at katakam takam na mga pagkain

"Young Lady gising na po pala kayo heto na po ang inyong hapunan. Pindutin niyo nalamang po ang pulang button diyan sa gilid ng kama ninyo pag tapos na kayong kumain." Sabi niya at umalis na leaving me all alone once again in this huge room

Ohh well hindi ko kaugalian ang magsayang ng pagkain kaya nilasap ko ang mga masasarap na putaheng nakahanda sa harapan ko. And dang tama nga ako they tasted divine.

Pagkatapos kong kumain pinindot ko na ang pulang button na nasa kanan lamang ng uluhan nitong kama at ilang minuto lang ay pumasok na ang maid na naghatid sa akin ng pagkain. Maingat niya itong inilapag sa isang maliit na push cart.

"Miss kaninong kwarto po ito or rather kaninong bahay po ito?"

"Bahay po ito ng mga De Guzman, dinala po kayo dito ni Young Master Levi kanina kasi nawalan kayo ng malay at hindi ka na niya po naihatid sa bahay ninyo sapagkat napakalakas ng ulan kanina baka ma disgrasya pa po kayo sa daan"

"Nasaan po si Levi?"  Tanong ko, baka naabala ko na siya eh. Nakakahiya naman bakit pa kasi ako nawalan ng malay kanina

"May binili lang po sandali, babalik rin siya maya maya"

"Last question nalang po ito baka naiinip na kayo, pasensya po" sabi ko dang ang galang galang ko ngayon ah

"Wala hong problema anu po iyon??"

"Kanino pong kwarto ito?" Tanong ko sa kaniya na ikinangiti niya ng weird

"Kwarto po ito ni young master Levi" sabi niya at agad agad din na lumabas

Kwarto po ito ni young master Levi

Kwarto po ito ni young master Levi

Kwarto po ito ni young master Levi

Nakakahiyaaa waaaaahhhhhhhh!!!

Anu banaman tohh

Pero infairness ha ang linis ng kwarto niya parang hindi lalaki ang may ari nito. Lumabas agad siya pagkasabi niya nun.

Nilibang ko ang aking sarili at tiningnan ang mga picture frames sa gilid.

"Ang cute niya pala nung bata pa siya, sobrang chubby ng cheeks sarap kurutin" sabi ko at inilapag na ang isang picture frame

"Awwwww ang cutiee pattotiee niya talagaaa achu chu chu chuu aww baby baby sarap mong iuwi hihi"

"Naaliw kaba sa mga pictures ko Loise. Im sorry kasi lumaki na ang baby na yan" muntik ko ng mabitawan ang picture frame kaya dali dali ko itong inilapag at yumuko. Goshhhh nakakahiyaaa

Iniangat niya ang baba ko para mapatingin ako sa kanyaaa. Nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata na para bang aliw na aliw sya sa nakita niya kanina. Lupa lamunin mo na ako balik mo na lang ako mamaya pag wala na siya plssss...

"You look so cute when u baby talk Loise, very charming" sabi niya na ikinapula ko pa lalo

"H-heh!!!  Tumigil ka nga riyan!" Sabi ko at ang loko tinawanan pa ako lalo

"Ohh btw binilhan kita ng damit for you to change. Dadalhin ko nalang bukas sa school ang damit mo, ito na muna ang gamitin mo para maihatid na kita sa bahay niyo"

"Sige salamat Levi"

"No problem" sabi niya at in abot na sa akin ang damit na binili niya at iniwan na ako sa kwarto. Dumiretso agad ako sa banyo para makapagbihis

"Infairness may sense of style rin ang lalaking yun, alam na alam ang eksaktong size ko ah" sabi ko at dali daling nagbihis

Lumabas na ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakasandal sa gilid.

"Follow me" sabi niya kaya parang maamong aso akong nakasunod sa kanya.

Ilang liko, hakbang, liko, hakbang later narating na namin ang parking lot ng mansyon nilaa. Goshhh ang dali kong maligaw sa mansyon nila. Sa sobrang laki ba naman parang nasa maze ako

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagkatapos siya naman ang pumasok sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan niya patungo sa bahay namin

PAGDATING namin sa gate ng bahay ko nasa labas na nakabantay ang mukhang pwet kong step dad. Tskkk what is he up to this time?

Lumabas mula sa driver's seat si Levi at pinagbuksan niya ako ng pinto

"Salamat Levi"

"No problem, ummm gusto mo bang samahan kita sa loob para ma explain ko ang sitwasyon kung bakit ngayon kalang umuwi?? sabi niya.

"Wag na kaya ko na ito Levi, youve done so much for me today"

"Sure ka?? "

"Im sure"

"Sige aalis na ako baka mamaya mamatay pa ako sa sama ng titig ng tatay mo sakin, sayang panaman ang kagwapuhan ko"

"Sira! Sge na byeee" sabi ko, kumaway naman siya at pumasok na sa kanyang sasakyan tsaka ito pinaharurot paalis ng bahay

Tuloy tuloy lang akong pumasok at hindi na pinansin ang asungot na nakabantay sa labas ng gate namin. Kung tutuusin nga ang sarap i lock ng gate namin at hayaan siya sa labas.

"Bakit ngayon kalang ha?!! " pasigaw na bungad agad sakin ni mama kapapasok ko palang ng pintuan ng bahay namin

"Eh anu naman saiyo, tabi nga magpapahinga pa ako" sabi ko pero hinawakan niya ang braso ko saka ako pinaharap sa kanya

"Sino ang lalaking yun!  Nagpagapang kaba sa kanya. Is he your fuck buddy Loiseee?? . I cant believe it. No wonder kung bakit pagod na pagod ka nga. Your just like your dad, makakati" Parang huminto ang mundo ko at hindi ako makahinga ng sabihin sa akin ni mama ang mga salitang yun. Tinitigan ko siya ng walang emosyon, akala niya magpapaapekto ako sa sinabi niya pwes nagkakamali siya

"Isipin mo ang gusto mong isipin. Pero as my mother dapat alam mong hindi ko kayang gawin yun saiyo. I may have said some bad things about you pero nirerespeto kita bilang ina na nagluwal sa akin sa mundong ito. And this is how you harshly judge me? Ni hindi ko na nga pinakealamanan ang step dad ko kahit na naiinis na ako dyan eh! Hindi lang naman ikaw ang nasaktan ng iwan tayo ni dad ma eh. Ako rin since Im a daddy's girl, sobrang sakit ma. Pero hindi ako hahantong sa puntong magpapariwara ako. Yeah I may go clubbing at times pero hindi aabot sa puntong may gagawin akong kabalastugan. " sabi ko at umalis na sa harapan ng ina kong hindi makapagsalita

Nilock ko na agad ang pinto at nahiga na sa kama ko and I let my tears flow once again pero this time Im all alone.
***

Resisting DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon