Lumipas ang ilang araw. Nagkaayos na kami ng aking mga kaibigan. Mamayang lunch time ay sabay kaming lalabas at magcecelebrate ng aming friendsary.
Hindi parin ako makapaniwala na hiniwalayan niya si Peter. Nalaman ko rin na alam nina JA at Kristine ang tungkol sa dalawa. Ako lang talaga ang walang alam. At first nainis ako, pero hinayaan ko nalang. I don't want any arguments again. Nagkwekwento sakin si Florence kung paano sila naging malapit ni Peter at kung paano siya niligawan.
They are perfect for each other. Hindi tulad ng relasyon namin dati na puro problema at sakit lang ng ulo.
Break time namin ngayon.
Nilapitan ko si Lance ng nakangiti. Nagawa ko na ang misyon kong magkaayos kami ng aking mga matatalik na kaibigan. And now, its time for me to be friemds again with Lance.
"Hi." sabi ko sa kanya.
Medyo natense siya sa akin.
"Hi din." sabi niya. Iniiwasan niya na magtama ang aming mga mata.
Umupo ako sa kanyang tabi. Bakante naman kaya okay lang.
"Bakit ka andito?" tanong niya sa akin.
"Para makipag ayos sayo." sabi ko.
"Bakit?" pabulong niyang tanong sa akin. "Nasaktan kita, dapat iniiwasan at nilalayuan mo ako. Pinaglihiman ka naming lahat, dapat hindi mo na ako kinakausap" dagdag niya.
"Why should I? You and I are friends right? At ayaw kong mawalan ako ng kaibigan. You've been here by my side when he tear me apart, when he's with another girl and when..." tumigil ako sandali.
"He left me." dagdag ko.
"I can't lose you. You are precious to me. Ako ba? Naging mahalaga ba ako sayo?" tanong ko sa kanya. Nagkatitigan kami sandali. Ang kanyang mata na punong puno ng ekspresyon.
"Yes. You're the most wonderful person God had given me. I'm sorry Rianne" hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. I felt nervous.
My heart beating so fast.
I can't explain what I'm feeling right now.
Am I inlove with him?
Nagvibrate ang phone ko sa kalagitnaan ng aming paguusap ni Lance.
× × ×
From:Laboratory 2
I'll meet you with your friends at lunch at the mall. See you. I'll reveal myself to you.
× × ×
Mali ba ang hinala ko? Akala ko si Lance ang nasasabihan ko ng aking mga problema? Akala ko kay Lance ang number na ito? I've been noticing that he was my textmate after all this time. Pero hindi, kanina pa siyang walang hawak na cellphone.
"Sino ang nagtext?" tanong sa akin ni Lance.
"A-alam mo ba kung kaninong number ito?" Inerase ko muna ang name at pinakita ko lang ang numero.
Hinihintay ko kung magugulat siya o hindi. Pero wala, walang kaba akong naramdaman mula sa kanya.
Hindi nga si Lance ito...
I thought that it was him. I'm hoping that it was him.
Tiningnan ko si Lance sa kanyang mga mata.
Mga matang nagaalala.
Bakit kailangan niyang mag alala para sa akin.
"Huwag na kaya kayong pumunta sa mall? Baka kung sino yang nagtetext sayo. Wag kang magtiwala dyan."sabi niya. Nakapagtataka naman...

BINABASA MO ANG
Phone Number {COMPLETED}
Teen FictionIt was you all the time. -Rianne Cantos A short story by MapaladCMaria