Chapter 3

6 1 0
                                    

Nakarating na kami sa mall. Hindi niya ako iniimikan.

Magkasabay kaming naglalakad, sa food court kami nagpunta dahil puno na sa mga fast food restaurant. Nagkwekwentuhan kami habang kumakain. Busy kami sa pagkain ng may maingay na grupo ang dumating.

Boses palang niya alam ko na. Bumilis ang tibok ng puso ko,kinakabahan. Sa likuran ko nanggagaling ang ingay.

Nagtama ang aming mga mata ni Lance, kita ko sa kanyang mga mata ang paga-alala. Pinakita ko sa kanya na okay lang ako. Paano ko sila maiiwasan?

"Lance!" sigaw niya.

Iniisip ko palang kung paano sila maiiwasan eh! Hays! Mapaglaro talaga ang tadhana!

Tumigil sila sa likuran ko...

Napatayo si Lance sa upuan niya at lumapit sa grupo nina Peter.

"Pre sinong kasama mo?" mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Peter.

I know that they'll judge me.

"Ahh si a-ano-" nauutal na sabi ni Lance.

Nakakapag dalawang isip... tatayo ba ako at magpapakilala o hindi? Tatayo ba ako o hindi?

"Babe tara doon oh! Bili mo ako ng teddy bear!" natigilan ako sa boses na yun.

Tumayo ako at hinarap ko sila.

"Florence?" nagulat ang aking kaibigan at tinanggal niya ang pagka kabig ng kanyang braso sa braso ni Peter.

"A-ah Rianne anong ginagawa mo dito?" hindi niya ako matingnan sa mata.

Hindi ko siya sinagot, kinuha ko ang bag ko sa upuan at lumayo sa kanila. Ramdam kong sinundan ako ni Lance. 

Lumabas ako ng mall.

"Rianne" hingal na tawag sa akin ni Lance hawak hawak ang aking kaliwang braso.

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Dahil sa selos? No and maybe somehow may parte na nakakapagselos. Bakit hindi sinabi sa akin ni Florence? Tatanggapin ko naman eh! Yun lang naman ang problema, hindi siya nag open up sa akin! Kaibigan niya ako! At magkaibigan kami matagal na ang pinagsamahan namin! Bakit hindi niya sinabi?! Anong gusto niya? Surprise?!

"Please gusto ko na umalis dito." sabi ko at nagpupumiglas ako sa kanya. Kaso ang higpit ng hawak niya sa akin. Di ko matanggal ang kamay niya.

Dumating si Florence na luhaan ang mata "Rianne stay with me, listen to me please!"

Imbis na makinig ako sa sasabihin niya ay sinampal ko siya. "Ang sakit ah," sabi ko habang nakatingin sa palad kong namumula.

"Kasi ang kapal talaga ng mukha mo."  pahabol ko.

"I need space." binitawan ako ni Lance at hinayaang makaalis. Pero hinabol parin ako ni Florence at hinigit niya ako paharap sa kanya.

"Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil sa lalake!"  kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Nagawa mo na." tipid kong sagot sa kanya at sumakay na ng tricycle. Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. I'm not jealous, ang sa akin lang naman ay bakit kailangan niyang mag lihim? We've been friends for 4 years tapos ganto ang gagawin niya sakin? Paglilihiman niya ako at tungkol pa sa taong sinaktan ako!

Umuwi na ako ng bahay, hindi ko kayang makita o makasama si Lance sa classroom.

Matagal na bang alam ni Lance na may relasyon sina Florence at Peter? Naiinis ako...

Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto ko. Hindi naman malalaman nina mama na andito ako sa bahay dahil nasa trabaho sila. Wala rin namang pake ang adviser naming mataray sa amin.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatulog. Dahil sa pagod kakaiyak.

Naalimpungatan ako dahil sa sunod sunod na pag vibrate ng cellphone ko. Mahigit ilang oras din akong nakatulog.

I checked the time on my phone. 4:23 pm na ng hapon.

'5 messages from Laboratory 2'

Bakit ba nag tetext pa to?

Nga pala, ako ang naunang manggulo sa buhay niya.

I open the message from that guy.

× × ×

From:Laboratory 2

Hey

× × ×

× × ×

From:Laboratory 2

Reply ka naman.

× × ×

× × ×

From:Laboratory 2

Huuuuuy

× × ×

× × ×

From:Laboratory 2

Hindi ka daw pumasok kanina.

× × ×

× × ×

From:Laboratory 2

Alam ko na kung sino ka.

× × ×

Agad akong nagreply dahil sa huling text niya.

× × ×

To :Laboratory 2

Sino ka ba talaga? At paano mo nalaman na absent ako kanina? Kilala ba kita?

× × ×

Habang hinihintay ko ang reply niya ay bigla akong nauhaw. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Wala pa sina mama kaya nag saing muna ako. Si mama ang magluluto mamaya.

Kumuha ako ng baso sa cabinet at pitsel sa ref.

Nagvibrate ang cp ko. Binasa ko ang text message habang umiinom.

× × ×

From:Laboratory 2

Taga section 4 nga ako, varsity player and I have my own ways on knowing who you are.

× × ×

Nasamid ako dahil sa huling sinabi niya. Pakingshet! Kilala niya ako! Imbis na siya ang pagtripan ko ay ako pa ang napagtripan niya! Pakingshet talaga!!!!!

Nagvibrate ulit.

× × ×

From:Laboratory 2

Did you know that you're so beautiful in person?

× × ×

Why does he makes me feel so precious?

"Bakit biglang uminit dito sa kusina?! " sigaw ko.

"Anak palagi ka nalang sumisigaw ah!" suway sa akin ni mama.

"Eh ma kasi naman!" natatawa kong sabi sa kanya na hindi ko maituloy kung anong sasahihin ko.

"Oh eh ano?" tanong sa akin ni mama.

"Tsaka may nanliligaw na ba ulit sayo? Namumula yang pisngi mo anak!" pahabol ni mama.

"Oh sino na naman ang nanliligaw sayo anak kong maganda?" dumating na si papa. Mukhang narinig niya ang sinabi ni mama.

"Wala po pa!" wala naman talaga ehh..

"Weehh? Ikaw anak ha.. ayaw kong nakikita kang nasasaktan. Tulad ng ginawa sayo ni Peter anak ha... saka ka na mag paligaw kapag tapos ka na mag aral."paliwanag sa akin ni papa.

My parents where there, through my tough and hard times.

I smiled at my father "Yes pa."




~*~

-MapaladCMaria



Phone Number {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon