26: Ninja Competition

35 5 0
                                    

KHAIRA'S POV

" khaira."   huh?

" khaira."   anu ba yun?!


" i love you."   whuttt??



" gising na, i love you." sino ba yun?



" i love you din~" dinilat ko yung mata ko.



PAK!



Napa upo ako mula sa pagkakahiga.
" shit! di ko sinasadya!" pano ba naman kasi, may malapit na muka sakin pagka dilat ng mata ko. Nasa sahig sya ngayun.



" Ang lakas mo pa ring sumuntok."



Nang ma-realize ko kung sino yun, agad kong kinuha ang unan at pinagbabato ko sya.



" Eh loko ka eh! Pano ka nakapasok ha?! ang aga-aga muka ng impakto makikita ko!"  Baki ba kasi andito si Raven?!



" Ayaw mo nun, future husband unang makikita mo sa umag~"  binato ko ulit sya nang unan bago pa nya matapos ang sinasabi nya.



" bwusit ka!"  wait hindi kaya…… agad kong tinakpan ng kumot ang sarili ko.   " Anung ginawa mo?!"



" uhmm, sinigurado ko lang naman na ako magiging asawa mo." tas nag smirk sya.



Tinignan ko sya ng masama.



" Joke lang, eto naman di pa mabiro."



" hindi kasi nakakatawa."



" Wala akong ginawa sayo, kakapasok ko pa lang para gisingin ka." sabi nya.



Nagsalubong ang kilay ko. " Eh pano ka nakapasok?" tanung ko.



" Sa ka shongahan mo. Hindi mo naman ni-lock eh."



Hindi ba? ang alam ko binillion check ko yun kung nakasara o hindi ah!!  Tinignan ko ulit sya ng masama.



" eh bakit ka naman nandito?"



" andami mong tanung, ginising kita kasi mahal ki~   ( binato ko sya nang unan.)    aray! biro lang, ginising kita kasi magsisimula na yung Ninja Competition, para mapa nuod mo ako.......



........pero mahal talaga kita." tas nag smile sya.     " Bilisan mo na, hihintayin kita." sabay kindat at umalis na sya.



Sarap sipain sa muka.

-----------------------------------------------------------
CHELSEA'S POV



Ang galing, ang galing, ang galing!



* flashback *



Nabuksan ko na sa pagkakalock yung pinto sa kwarto namin ni Khaira nang may humawak sa bibig ko at dinakip ako. Nilagyan din ako nang piring.



" Hmmmm!! hhmmmm!'' sigaw ko pero natatakpan ang bibig ko kaya walang lumalabas na salita.



May nagtangal nang piring ko. Naka tali ako sa upuan.



Ang gwapu nang nagtanggal ng piring!!!!



Ngumiti sya sakin pero inirapan ko lang sya. Syempre pakipot muna.



Techno AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon