( I am soooooooo so sorry....... Month ang inabot bago magkaroon ng panibagong update! Pero babawi ako promice. Sisihin nyo yung mga teacher ko sa mga quizzes nila!!!)
KHAIRA'S POV
Natamaan si Knight ng baseball bat sa likod ng tuhod. Nasundan pa yon ng hampas ng tubo sa tagiliran nya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumugod. Naalarma yung leader ng slayers at hindi malaman ang gagawin.
Sinipa ko ng pagkalakas-lakas yung isang lalakeng nanghampas ng tubo sa tagiliran at bumagsak sya sa isa pang lalake sa likod nya.
Hinawakan ko yung kahoy na ihahampas sana nung lalake sakin at tinignan sya ng diretso sa mata.
"Hindi ka dapat nananakit ng babae." Mahina kong sabi at kinindatan sya. Kumunot ang noo nya at binali ko ang kamay nya sa pamamagitan ng sipa.
Napa-aray sya sa sakit.........
KASI BABAE ANG MANANAKIT SAYO!!!
Umilag ako bago ako hampasin ng nasa likuran ko.
" Woah." Sabi ng ilang audience. Nanonood lang sila?!
Inapakan ko ng mariin ang paa nya kaya umaray sya. Mabilis kong inangat ang paa ko na tumama sa baba nya.
K.O. Thats what I call 'uppercut kick' !!!
Nagsisimula na akong matuwa nang malaman kong hindi pa rin makabangon si Knight. Punyemas! Prinotektahan ko sya kasabay ng pagdame nila. Mukang inutusan sila ng leader ng Skull Slayers. Ang natitira na lang na hindi lumalaban ay ang grupo ni Raven, ang Skull Slayers, at ang 4th rate, ang Dark Seekers.
Medyo mas magaling ang Slayers kaya mas lamang sila. Gumaan ang pakiramdam ko ng malamang nakabangon na si Knight.
" You'll gonna pay for it." Mahinang sabi nito. Nakita ko ang pagka demonyo ng mata nya. I smirk, galit na sya.
Halos paa lang ang ginagamit ko pero wala pa rin silang laban. Mabilis nasusuntok ni Knight yung iba at inis na sinampal yung isa.
O-O hahahaha. Naiinis na talaga sya. " Anong trip mo?" Sabi ko sakanya habang nakikipag laban.
" Nakakairita eh!" Sabi nya rin habang malakas na sinikmuraan yung isa pa.
May limang sabay-sabay na sumugod sakin. Hahampasin na nila ako ng sabay sabay nang umatras ako ng palikod kaya wala silang natamaan. Mabilis kong sinipa sa muka yung isa at agad napahawak ito sa kanyang ilong na dumudugo.
Hoy hindi ko nilakasan yon! Sensitive lang talaga ilong mo!
Sinipa ko naman yung isa sa tyan at sa leeg. Natumba sya kaya tatlo na lang. Agad akong dumapa at inikot ang aking paa sa sahig, dahilan para matalisod sila at mabagok sa sahig.
Hindi makapaniwala yung isang natitira sa harapan ko. Dahil natira ka eto sayo. Tumalon ako sa ere at inikot ang katawan ko habang naka taas yung isang paa ko dahilan para matamaan sya sa muka. Nahimatay agad sya sa sahig.
Bale ganon ang suntok sakin ^-^.
Tinignan ko si Knight na ngayon ay hawak hawak ng dalawang lalake.............
WAIT WHAT?! Knight naman! Sobra na katangahan mo for today!!
" Ano ginagawa mo dyan?" Sigaw ko sa kanya. Bakit di sya tumakas eh kaya naman nya yun! Ang mga katabi nya lang is Dark seekers. Wait asan yung dalawang grupo?!
Pinagpapawisan sya at parang may tinitignan sa gilid na likod ko. Tumingin muna ako sa kaliwang likod ko at nakita ang grupo ni Raven. Tumingin naman ako sa kaliwa ulit at nakita naman ang Skull Slayers........
BINABASA MO ANG
Techno Academy
Teen FictionHave you ever heard about a hidden school? Well, kung hindi pa sasabihin ko. Techno Academy, isang tagong school sa gitna ng mga ulap lang nakatago. Isang academy na proyekto ng NASA, mirrored ang ibaba kaya hindi madaling makita. But, the point is...