Chapter 3
Mae's PoV
Sabado ngayon kaya andito lang ako sa kwarto and hapon na rin kaya tinatamad akong gumala. Nag-open na lang ako ng facebook at ayun eksakto open siya.
ChocoLatte: Hello?
JellyAce: Everybody home?
ChocoLatte: lols.
JellyAce: How's your day?
ChocoLatte: Boring.
JellyAce: Ahh so natanggap mo na ba?
ChocoLatte: Ang alin?
JellyAce: So di mo na natatanggap?
ChocoLatte: Ang alin nga?
*Tok~tok~tok*
"Anak may nagpadeliver ng flowers at chocolates para sayo. Ito oh iiiwan ko na lang dito sa study table mo ok?" Sabi ni mama habang ipinapatong sa study table yung package.
"Ok po thanks mom." Sagot ko saka siya hinalikan sa cheeks.
"Tatawagin na lang kita kapag handa na ang dinner ok?" I just nodded in response.
Lumabas na si mama. Tiningnan ko yung flower and chocolates kung may card or notes or something. Hindi naman ako nagkamali meron nga.
'Hi I hope you receive this flowers at gaya nga ng sabi ko sayo liligawan kita.
-your suitor'
Pagkatapos kung ilapag yung card kumuha ako ng vase at dun nilagay ang red roses na binigay niya tapos saka ko kinuha yung chocolates at kinain habang papunta sa PC at saka binalikan yung convo namin ni Mr. JellyAce.
ChocoLatte: Ikaw ba ung nagpadala ng flowers 'n chocolates?
JellyAce: Narecieve mo na?
ChocoLatte: Yep, btw thanks ha.
JellyAce: Always welcome cara mia.
ChocoLatte: Nga pala pano mo nalaman na mahilig ako sa chocolates?
JellyAce: I have many sources honey and I'm not gonna tell you who are they.
ChocoLatte: Hang gara! English time ba?
JellyAce: Wag ka na kasing matanong.
ChocoLatte: Idiscribe mo nga features mo.
JellyAce: Ayoko anyways magkikita rin naman tayo for real. Malapit na kaya wag kang aatakihin sa puso. 😊😉😉😉
ChocoLatte: Kelan naman yun ha?
JellyAce: Kapag cnagot mo na q.
ChocoLatte: Psh... Ewan ko sayo. 😏😏😏😏
JellyAce: Aminin nakikilig na yan... Hahahahahaha!!
ChocoLatte: Lels.
JellyAce: Swag!
"ANAK KAKAIN NA!!!"
ChocoLatte: Sige na babye na tinatawag na ko ni mom.
JellyAce: Same sige na babye. Sleep well and dream of me. 😉😉😉
"ANAK ANO BA KAKAIN NA!!"
"ANDIYAN NA PO!!!"
×××××××××××××
~After 2 months~
Patuloy pa rin si Mr. JellyAce sa panliligaw sakin. Si John naman medyo nagkakalapit na yung loob namin. Mabait naman pala siya eh sobra pa nga eh.
"Mae bilisan mo naman! Maiiwan na tayo nila Jane!" Sigaw ni John habang hilahila ako.
Gagala kasi kami ngayon nila Jane. Nauna na sila Jane sa parking lot naiwan kami ni John kasi may nakalimutan ako sa locker ko at eto nga kami ngayon tumatakbo.
"Phew... Nakarating din." Sabi ni John bago sumandal sa sasakyan niya.
"Buti nakarating kayo akala namin hindi tayo matutuloy sa mall eh." Sabi ni Jane na biglang sumulpot sa harap namin kasama si Mark na naka-akbay.
+++++++++
John's PoV
Guys may aaminin ako pero wag kau maingay ha?😉😉😉 Ang laging kachat ni may na si JellyAce ay ako talaga. Matagal na kong may gusto sa kanya kaya lang hindi ko alam kung paano magpapansin kaya lagi ko siyang inaaway.
Then hanggang sa sinuggest ni Jane yung tungkol sa chatbox nga pero kasi naman nakakailang ah basta! Tapos si Jane ginawang JellyAce yung nickname ko kaya ayun! Ngayon nama ka chat ko si ChocoLatte or Mae. Tapos nililigawan ko na rin siya.
ChocoLatte: Huy! Galit ka? Sorry na...
JellyAce: Huh? Sorry I'm too preoccupied.
ChocoLatte: Ahhh kala ko galit ka eh.
JellyAce: Kelan mo ba ko sasagutin? Almost three months na kong nanliligaw eh.
ChocoLatte: Ngayon na sana.
JellyAce: Ahh ngayon.
Ngayon????!!! Napatingin ulit ako sa sinabi niya.
JellyAce: NGAYON?! SO TAYO NA?!
ChocoLatte: Ayaw mo?
JellyAce: Hindi gusto!!!
ChocoLatte: Sige log out na ko pinapatulog na ko ni mama.
JellyAce: Ok bye baby.
~ChocoLatte has log out~
"HOOOO!! YESSSS! SINAGOT NIYA NA KOOO!!"
"SON! STOP SHOUNTING!!"
Oopss.
++++++++++
[Note: Ok mamadaliin ko na po ang story kaya ang bilis! Geh hye sleepy po ako.]