Chapter 1

11.1K 255 38
                                    

Momo POV

Napabuntonghininga si Momo. Ilang araw na silang hindi nag kikita ng boyfriend niyang si Castiel. Panay ang labas nito ng ibang bansa para sa branch ng company nito na naka base sa California. Kaya naman tutok ito doon.

Naiintindihan naman niya pero na mi-miss niya na kasi ito. They never done 'it' in 4 months. Not that she complains pero she had needs and sometimes the sexual frustrations gets to her. Lalo pa at parang hindi naman active sa sex life si Castiel.

Isang malalim na hugot ng hininga ang ginawa niya. Saka siya umikot sa swivel chair niya at hinarap ang kaibigan.

Nakita niya ang pag iling ni Grace sa kanya. "Momo. Kanina ko pa napapansin yang pag buntonghininga mo at pag hinga mo ng malalim. Kung ako sayo hiwalayan mo na kasi yang Castiel na yan."

Pinanlakihan niya ng mata si Grace. "Eh mahal ko eh. Tsaka pag hiniwalayan ko si Castiel kawawa naman si Cassy. Wala na ngang kilalang magulang yung bata tapos pa alis alis pa si Castiel. Walang mag g-guide dun. And gaya nga ng sabi ko mahal ko si Castiel"

"Sus ginawa ka pa ngayong caretaker ng kapatid niya. Sa susunod tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa lalakeng yan. Ginawa mo pang dahilan yung bata. Tsaka hello. 1st year collge na kaya yung kapatid ng mahal mo. So kaya niya na ang sarili niya."

Her eyebrow twitch. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Grace. Alam naman nitong mag kababata sila ni Castiel. Maging ito ay kababata nila. Grace also saw Cassidy grow up into the young lady she is now.

"Kung makapag salita ka parang wala kang pakialam dun sa bata."

"Ano ba Momo? Yung batang sinasabi mo. Baka may boyfriend na. At baka nga alam na pumunta ng mga bar. 19 years old na si Cassy. You don't need to baby sit her."

Iniwas niya na lang ang tingin kay Grace. Masyado itong close minded. Once na buo na ang desisyon nito sa ibang bagay. Yun na yun. Magkaiba sila sa aspeto na yun. She would embrace life as it goes. Pero yung mga bagay lang na pamilyar sa kanya. At ang hiwalayan si Castiel ay hindi kumportable para sa kanya. Besides Cassidy is one of the reason she don't want to let Castiel go. Parang kapatid niya na ito. Dito niya naranasan ang mag alaga ng kapatid dahil solo lang siyang anak.

Kaya nga pag nagka anak sila ni Castiel. Gusto niya mga tatlo para hindi malungkot ang magiging anak niya. Wala kasi siyang kalaro noon.

"Sige na aalis na ako. Baka mapagalitan tayo ni boss. Babush manager Momosyne. Ikamusta mo na lang ako kay Cassy."

Tumango lang siya dito.

Tumayo na ito ang lumabas ng office niya.

Napailing na lang siya. Minsan talaga di niya maintindihan si Grace. Mag sasalita ng ganun sa isang tao pero mag papakamusta naman.

And speaking of Cassy. Kailangan niya pa itong sunduin sa school nito mamaya.

Tiningnan niya ang orasan na nakapatong sa lamesa niya. 4 o clock na ng hapon. Hindi pa umaalis agad si Cassy kapag natapos na ang klase nito ng 5. May praktis pa kasi ito sa cheering at bukod dun. May extra class pa ito sa cooking. Kaya naman hindi niya alam kung paano nasasabi ni Grace na alam na ng batang yun ang mag bar. Wala na nga itong oras sa mga school activities at lalong lalo na sa lakwatsa.

Napangiti siya dahil doon. Hangang hanga siya sa kapatid ni Castiel. Marunong itong magluto. Marunong itong sumayaw. Matalino at maganda. Kung lalake lang ito. Papatulan niya ito kung sakaling man ligaw. Kaso masyadong bata ito para sa kanya. Cassy's eight years younger. It made her feel like she's stealing the cradle.

Magkaiba kasi ang magkapatid. Siguro dahil na rin sa lalake si Castiel kaya hindi ito marunong magluto. Yun pa naman ang ideal guy niya. Gusto niya rin yung marunong sumayaw parang si Cassy. Pero lahat yun opposite. Marunong nga lang kumanta si Castiel and that made her swoon sometimes.

Maswerte pa rin naman ang magiging anak nila dahil gwapo ang magiging ama ng mga ito.

Naipilig niya ang ulo dahil mukhang naglakbay na naman ang isip niya. Muli siyang napatingin sa relo. It was 4:20 PM. Malayo pa ang oras. Kaya naman tinuon niya na lang ang atensiyon sa ginagawang reports.

.....................

Napahikab si Momo. Saka siya napatingin sa labas ng bintana niya
Madilim na at ng tingnan niya ang relo. Napatayo siya. 'Shit. It's already 7.'

Agad niyang tinext si Cassy.

'Tapos ka na bang mag praktis? Hintayin mo ako diyan Cas. Parating na ako.'

She hit the send button habang sinusuot ang blazer. Naabutan niya pa sa labas si Grace na nasa station nito sa lobby.

"Aalis ka na Miss Caretaker slash nanny?" nanunukso ang mga ngiti nito.

She playfully give Grace a roll of her eyes.

Tawa naman ito ng tawa ng iwanan niya. Sanay na siya sa pagbibiro ng kaibigan.

' I'll wait.'

'Nope practice isn't finished."

Napangiti siya sa magkasunod na reply ni Cassy. Nakasakay na siya sa kotse at minamaniobra iyon palabas ng parking ng umilaw ang cellphone niya. At nakita niya nga ang text nito.

'Ok. Don't talk to strangers ha?'

Then sent. Pangiti ngiti siya habang bumibiyahe papunta sa school nito.

' Not a kid anymore. Geez.'

Napahagalpak siya ng tawa.

' Yes you are. I'm older remember. I just want to remind you. Maraming lokoloko diyan sa tabi. Kaya mag iingat ka bata.'

'I told you I'm not a kid. Pwede na nga akong mag boyfriend eh.'

Nakangiting napailing na lang siya. Mahaba na ang dalawang sentence nito ibig sabihin medyo pikon na sa kanya ang dalaga.

'Ok. You're not. But no boyfriend pa ha? Tapusin mo muna pag aaral mo dahil maraming lalake sa mundo kapag tapos ka na."

And when she saw the gate. She immediately texted Cassy.

' I'm at your gate now.'

Pumasok siya sa entrance ng parking and she saw Cassidy habang nakaupo sa bench ng waiting area para sa mga estudyante. May kipkip itong paperbag. Suot suot pa rin nito ang cheerleader uniform nito.

Napailing na lang siya. Saka siya bumusina sa harap nito. Bumaba siya ng kotse at sinalubong siya nito.

"Ate Momo!"

Nakangiting ginulo niya ang buhok nito pagkatapos ay niyakap niya ito. Pawis na pawis ito pero ang bango pa rin.

"Anong oras natapos ang praktis niyo?" nakangiting iginaya niya ito papasok sa sasakyan.

"7:25. Salamat sa pagsundo ate."

"You are always welcome Cas." pumunta siya sa driver's seat at pinaandar na iyon paalis. Binalingan niya saglit ang hawak nitong paper bag.

"Galing ba yan sa cooking class mo?"

Nag angat ito ng tingin saka tila nahihiyang tumango. Sa malamlam na ilaw sa loob ng kotse nakita niya din ang pamumula ng pisngi nito.

"Ano yan Cas? Ulam?"

"Kaldereta."

"Wow! Favorite ko yan ah?" Right on cue tumunog ang tiyan niya. Nagkatinginan sila ni Cassy at nagtawanan.

"Eh pano ba yan ate Momo hindi ito para sayo."

"Ouch naman. Akala ko para sa akin. Dapat hindi mo na lang sinabi na kaldereta yan." ngumiti siya saglit dito saka ibinaling ulit ang tingin sa daan. "Eh para kanino yan?"

"Nagbibiro lang ako ate Momo. Para satin tong dalawa. Kainin natin sa bahay."

"Naku ang bunso ko talagang kapatid. Kunyare pa. Salamat sa pagluto ng paborito ko, Bunso. Talo mo talaga si kuya mo sa ganyan."

Saglit niya itong nilingon. Pero ang hindi niya maintindihan ang nakitang lungkot sa mga mata nito bago nito ibinaling ang tingin sa labas.

Please Momosyne De Silva - Completed DreameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon