Chapter 2

5.4K 170 2
                                    

They arrive at the condo but Cas is still quiet. Hindi na ito nag salita pa sa sinabi niya. Hindi niya na rin ito ginulo kanina dahil nakatulog na ito at pagod na pagod.

Pagkagising naman niya dito. Umiiwas ito ng tingin sa kanya pero ng tanungin niya naman kung ok lang ito. Maikling sagot lang na pagod daw ito sa praktis ang sinabi sa kanya.

Pero kanina lang ang sigla pa nito. Natulog lang bigla na lang napagod. Ganun talaga siguro dahil nag p praktis pa ito. Baka nga pagod.

Nag saing din naman ito at nag hain sa lamesa. Sabay silang kumain. At kahit na masarap ang luto nito di niya iyon malasahan dahil parang may nagbago sa mood nito and it was taking her attention away from the food to the girl infront of her.

"Cas. Kailan ba uuwi ang kuya mo?"

Nag angat ito ng tingin mula sa kinakain. Alam niyang out of the blue ang tanong niya. Ayaw niya kasing tanungin kung bakit biglang nagbago ang mood nito. Baka hindi siya nito sagutin.

"Hindi ba sinabi ni kuya sayo?"

"H-Hindi eh." napangiwi pa siya. Madalas na gawin sa kanya ni Castiel yun. Malalaman na lang niya naka alis na ito ng ibang bansa. Pero ni ha ni ho. Hindi man lang ito mag text. Gasino lang naman mag sent ng text message. Pag tinatanong naman niya ito. Nakalimutan lang daw nito. Yun ang madalas nilang pag awayan. At isa pa ang parang hindi nito pag hingi ng opinion niya sa ibang bagay.

"Uh...ate Momo. Kasi po. Dun daw po muna si Kuya for the next 6 months. Hindi niya po siguro sinabi sainyo dahil alam niyang pipigilan niyo siya o kaya naman ay baka hindi niyo daw po siya paalisin. I-I'm sorry ate Momo."

"Salamat Cas ha?"

Nanahimik na ito. At ganun din siya. Pagkatapos nilang kumain siya na din ang nag ligpit at nag hugas ng pinag kainan. Saglit siyang pumasok sa kwarto ni Castiel at kinuha ang cellphone niya sa bag.

Dinial niya ang number ni Castiel. Walang problema sa kanya kung mahal ang pag tawag sa ibang bansa basta gusto niya lang itong kausapin. Hindi niya mapigilang ikuyom ang kamao niya habang nag hihintay na sagutin nito ang tawag.

Ilang ring pa. Sinagot na din nito iyon.

"Momo....."

"Kailan mo sasabihin na anim na buwan ka pala diyan?!"

"This is why I didn't told you. Ganyan ang magiging reaksiyon mo."

"You don't even value my opinion! My God Castiel! Sana hiningi mo man lang ang opinion ko. Ano ba tong relasyon natin? Ikaw lang ang nag d desisyon!"

"Please mag usap na lang tayo sa ibang araw. Kapag hindi na mainit yang ulo mo. Hon. Calm down ok?"

Lalo lang ata nag init ang ulo niya sa sinabi nito. "Anong calm down?! Hindi mo man lang naisip na walang kasama si Cassidy dito. Baka mapahamak ang kapatid mo. My Goodness Castiel!"

"Kaya nga. Yan din sana ang ipapakiusap ko sayo. Pwede bang diyan ka na muna tumira sa condo para may kasama si Bunso?" malambing na ang boses na turan nito.

"Yan diyan ka magaling ang maglambing para mapagbigyan." huminahon na ang boses niya. "Sige na I'll tell her na dito muna ako for 6 months. Tutal mas masarap namang mag luto si Cas kesa sa luto sa canteen atleast makakatipid pa ako sa gastusin."

Natawa ito sa kabilang linya. "That's my baby sis. Maswerte ang taong mamahalin niya balang araw."

"Maswerte nga."

Saglit pa silang nag kwentuhan ni Castiel bago ito nag paalam sa kanya. Napabuntonghininga naman siya.

Kailangan niyang makausap si Cassidy. Bago siya lumipat bukas.

Naglakad siya patungo sa kwarto nito. Saka marahang kumatok doon. Pero walang sumasagot kaya naman itinulak niya iyon.

"Cassidy?"

Inilibot niya ang paligid sa kwarto nito. Wala ito sa higaan nito. Kaya naman pumihit na siya para sana lumabas. Pero napahinto siya ng marinig na tinawag siya nito.

"Ate? May kailangan ka po?"

"Gusto ko lang sana na----" her breath caught in her throat ng makitang nakatapis lang ito ng tuwalya.

Agad niyang iniwas ang tingin sa kabuuan nito. Siya ang nahihiya samantalang ito ang nakatapis lang ng tuwalya.

"Gusto sanang? Ano ate Momo?"

"Gusto ko sanang sabihin sayo na pinapalipat ako ng kuya mo dito. Sasamahan kita." hindi siya lumilingon dito. And she heard Cassidy giggle.

"Ate Momo. Ano ka ba? Parehas tayong babae. So wala namang malisya di ba?"

"W-Wala nga pero hindi ka ba nahihiya bunso? Kahit babae tayo parehas dapat hindi mo binabandera ang katawan mo ng ganyan."

Feeling niya tuloy pinag papawisan siya sa nakikita niya. Umiling siya ng mariin. No. Hindi na siya kagaya ng dati.

Si Castiel lang ang mahal ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko Momo. Mahina niyang bulong.

Hindi na nga talaga bata itong si Cassy. She had the curves in the right places now. At hindi maiwasan ng parte ng pagkatao niya na humanga sa taglay nitong ganda.

"Ate Momo?"

"W-What?"

"Harap ka na po nakabihis na ako."

Napabuntonghininga siya. Saka humarap dito. Nakasuot na ito ngayon ng pink shirt at pajama.

"Uh....Sabi ng kuya mo. Samahan daw kita dito sa condo. Kaya bukas na bukas din uuwi na ako dito. Ok lang ba?"

"Syempre naman ate Momo. Meron na akong guinea pig." humagikgik pa ito sa huling sinabi.

Napangiti naman siya habang tinititigan ito. Napakainosente ng pag kakangiti nito. At mas lalo itong gumaganda.

"Siguro marami nang nanliligaw sayo sa school no?" may himig panunukso na bulalas niya.

Umiwas ito ng tingin. At saglit na may kinuha sa loob ng bag nito. "H-Hindi pa po ako handa sa mga relasyon." inangat nito ang hawak hawak na magazine. And she was surprised when it was about a food cooking mag.

"Ah ate Momo. Please tell me what you want to eat in this mag. Para po maluto ko bukas."

Napanganga na lang siya dito. Bahagya pa siyang napailing. Kapag ayaw ni Cas ng topic mabilis itong nag papalit ng topic. Magaling ito doon dahil madalas nitong ipang palit ng topic ang bagay na gustong pag usapan ng ibang tao. At sa kaso niya. She likes to talk about food though hindi siya gaanong tumataba dahil nag g gym siya kada sabado at linggo. Minsan nga sinasama niya pa ito.

"Ikaw ha?" she wiggled her eyebrows." I know what you did there."

Tumawa lang ito sa sinabi niya. And they chatted the entire night hanggang sa magpaalam siya dito.

Please Momosyne De Silva - Completed DreameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon