Chapter 4

4.8K 150 4
                                    

'Hintayin mo ako. Malapit na ako sa school niyo. 😥.'

Sent by: My girl crush

'Ok.' she texted back.

Napangiti siya sa text nito. Kahit parang tanga siya na pangitingiti habang tinatapik ang paperbag na may mga lamang pagkain na ginawa niya kanina. Hindi niya pa rin maiwasang kiligin.

"Is that ate Momo?" Tiffany asked her.

Nilingon niya ito. Saka siya marahang tumango. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi.

Nagkita silang dalawa kaninang paglabas niya ng cooking room. Palabas siya at ito naman ay papunta na din sa exit ng school. Malapit lang kasi ang cooking room sa gate. Tapos na rin naman ito sa lesson nito kasama ang mentor.

"Why do you like girls Cas?"

Out of the blue na tanong nito kaya naman saglit siyang natigilan.

"Because...." wala siyang makapang sagot sa sarili niya. But one thing is for sure. "I---I like girls since I was young. I learned about crushes and love but I know it wasn't normal to like the same gender. Ganun lang. Mula pa noon babae talaga. Tsaka it's the same way you like studying and cheering. Parang yun na yung nakasanayan ko."

Tumango tango ito. "I see...."

"Ah.. " bumwelo siya para ibahin ang topic dahil alam niyang nag iisip na naman si Tiffany. "I'm sorry sa sinabi ni Nics sayo. And she's very defensive about it too. Alam mo naman sigurong pinahihirapan siya sa bahay nila dahil nalaman ng magulang niya ang seksualidad niya. Mag usap kayo ha?"

"Alam ko. Thank you din Cas."

"Uhmm...maiba ako. Asan ang sundo mo?" nagpalinga linga pa siya sa paligid.

"Hmm...mamaya andito na yun si Manong Ed."

And as soon as Tiff said it. Dumating na ang isang black na kotse at huminto sa harap nila. Saglit itong nag paalam sa kanya saka siya hinalikan din sa pisngi. Kumaway pa ito bago lumayo ang sasakyan.

Sakto din naman na isang red na sasakyan ang papasok naman ngayon sa park entrance. Agad siyang tumayo para salubungin ang kotse.

"Was that Tiffany?" agad na tanong nito ng makalapit.

Tumango siya dito. At kagaya ng inaasahan niya. Napansin agad nito ang hawak hawak niyang paperbag.

Ngumiti ito ng malapad. "Is that food?"

"Yes po ate Momo."

                           .....................

"Hindi ka ba nahirapang lumipat ate momo?" tanong niya dito habang papasok sila sa loob ng unit.

Sinabi niya kasing sa sabado o linggo na lang ito lumipat para sana makatulong siya. Pero matigas ang ulo nito at gusto talagang ngayon na lumipat dahil wala daw siyang kasama. Kinikilig nga siya nung nalaman niyang nag aalala ito.

"Hindi mahirap dahil maraming tumulong." itinaas baba nito ang kilay. "Your kuya made sure na tutulong ang mga kabarkada nito sa pagbubuhat ng mga gamit ko. Mostly damit at ilang personal things lang naman ang dala ko."

"Isa pa yang kuya mo----" Tila static ang pagkakarinig niya sa iba pang sasabihin nito.

Umiwas din siya ng tingin dito. Ok na sana kaso ipinaalala na naman nito na boyfriend ito ng kuya niya.

Kailan kaya makikita ng ate Momo niya na pwede siyang mahalin din. Kung naging lalake lang sana siya. Kailan din kaya siya nito titigilang ituring bilang nakababatang kapatid. Bilang kababata lang nito?

Mula pa noon. Crush niya na ito. At ngayon ngang 19 years old na siya. She knows that this crush is slowly turning into love. Wala naman kasing crush na tumagal ng sampung taon.

"Ah ate Momo. Initin na lang po natin itong chicken curry. Mag bibihis lang po ako."

Pag iiba niya sa usapan.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok niya. "Good idea bunso. Magbibihis na din ako para makakain na tayo nitong masarap mong niluto."

'Bunso. Hanggang bunso lang talaga ang turing niya'

Napabuntonghininga siya. Saka ulit ito sinulyapan bago siya pumasok sa kwarto. Parang gusto niya ulit itong tuksuhin.

Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa labi niya. Sinadya niya talagang pagkatapos maligo na hindi muna mag bihis. Naka tuwalya lang siya na hanggang tuhod niya. Nakatalikod siya sa cabinet niya. Hinintay niya talaga na tawagin siya nito. Alam niyang susungaw ang mukha nito sa pintuan. Nakagawian na kasi nito iyon. Noon wala sa kanyang malisya dahil bata pa siya. Siya pa nga ang nahihiya minsan. Pero kung tumalab dito ang pan tutukso niya. Baka may pag asa siya.

Kagaya nga ng inaasahan niya. Sumungaw ito sa pinto. Nagkunwari naman siyang may kinukuha sa pinakailalim ng cabinet niya. Feel na feel niya ang pag tuwad.

"Sorry!"

Saka niya narinig ang nagmamadali nitong hakbang palabas ng kwarto niya. Napahagikgik siya. Kitang kita niya ang pamumula ng pisngi nito bago nito iyon takpan ng kamay.

Pumunta na siya sa labas nang makapagbihis. Hindi talaga maalis sa labi niya ang ngiti niya. Pero agad ding nawala iyon ng makitang ka video chat nito ang kuya niya. Tila tinusok ng kung ano ang dibdib niya. Gumuguhit doon ang kirot. Kaya naman kahit na naiinis siya. She tried to smile pero hindi ata nito nahalata na napipilitan lang siya.

"See here Castiel. Nag luto ng chicken curry si Cas. Mainggit ka ngayon." nilingon siya nito." Andito na si Cas o. Say hi to your kuya."

Ngiting ngiti ito. 

"H-Hi kuya."

"How's my favorite sister in the world?! Baka sa December pa ako makakauwi diyan. Little bunny. Mag ingat kayo ng ate Momo mo ha? Papakasalan ko pa yan."

"Baka papasakal ka sakin, Babe."

Tumalikod siya sa dalawa dahil feeling niya tutulo na ang luha niya. Bakit ganito kasakit? Bakit parang may kumukuha ng puso niya at unti unti iyong pinipiga?

"Bunso?" muling nag salita ang kuya niya.

Agad siyang tumingala para mapigilan ang luha niya. Saka siya humarap ulit sa laptop ng Ate Momo niya.

"Ah kuya kasi eh wag na nga yang lumang nickname na yan. Na m-miss ko tuloy sina mama."

Sa sinabi niya natahimik ito pati na din ang ate Momo niya.

Iyon kasi ang tawag sa kanya ng mga magulang niya. Little bunny dahil nung bata pa siya. Malalaki ang dalawang ngipin niya sa harap. At kahit na hindi na ganun ang mga ngipin niya nakasanayan na ng mga ito na tawagin siyang little bunny. Ngayon na lang ulit siya tinawag ng ganun ng kuya niya. Marahil nakalimutan nito o nakapag move on na ito sa pagkamatay ng magulang nila na kasalanan naman niya. Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin maiwasang sisihin ang sarili niya sa nangyari.

"Ah..sige Momo. Bukas na lang ulit tayo mag video chat. I love you"

Ang sakit ah. Bumaling ito sa kanya. "Little sis. Mag aral ka ng maigi ha?"

Ngumiti siya ng pilit dito. Hindi niya alam kung hindi nito napapansin ang mga efforts niya o sadyang manhid lang talaga ang ate Momo niya.

"I love you too Baby. Ingat ka diyan"

Tumalikod siya para pumunta na lang sa kusina. She felt like her heart had shattered. Those simple words really had an effect on her.

Please Momosyne De Silva - Completed DreameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon