Sa isang madilim na kagubatan ay naroon ang isang magandang babae bitbit ang isang sanggol , sanggol na maaaring magligtas sa nanganganib nilang mundo . Kapansin-pansin rin ang maamo nitong mukha, at ang mga mata nitong kulay lila .
"Kailangang mailayo ko ang sanggol , nanganganib na sya dito" - nangangambang wika nito sa sarili . Gumawa nang lagusan ang babae , lagusang magdadala sa sanggol papunta sa mundo ng mga ' crusia' , mundo kung saan ibang iba ang pamumuhay mga normal na tao ang naninirahan .
Handa na syang pumasok sa lagusan nang biglang may tumawag sa kanya . Nakita nya ang mag-asawang salamangkero na sa tingin niya'y tatakas na sa kaguluhang meron sa kanilang mundo .
" Binibini , maaari bang sumabay na kami nang aking asawa papunta sa mundo ng mga mortal? , Ako nga pala si Nemis at ito naman ang aking asawang si Lucia"- wika ng lalaki , samantalang nagulat ang babaeng estranghero dahil hindi sya nakilala ng mag asawa ' paanong di nila ako nakilala? Pero mabuti na rin iyon' ang nasa isip nang babaeng may bitbit na sanggol.
" Maaari kayong sumabay ,ngunit ako'y nakikiusap na kung maaari ay kayo na ang tunayong magulang sa sanggol na ito ,palakihin nyo syang may takot sa dyos at panatilihing malinis ang kalooban .Sa pagtungtung nya nang wastong edad ay kailangan nyo syang pag-aralin sa Luminous Enerya Elementum High "- Nagbabakasakaling wika nang babae ,samantalang tahimik lang sa isang tabi si Lucia . Hindi sya makapagsalita sa kadahilanang isa sya sa isinumpang babae na ipinanganak na walang dila . Napansin ito nang babae kaya naman nilabanan nya ang sumpa sa pamamagitan ng paghawak sa noo at pagbigkas nang pangontra
" Excerum Crutum Yve Craosia "- pagkatapos nyang bigkasin ang pangontra ay nakaramdam ng panghihina ang babae , bukod sa malakas na kapangyarihan ang nagamit nya ay pagod narin sya sa halos tatlong oras nyang pakikipaglaban .
" Ayos ka lang ba binibibi? Maraming salamat at ako'y nakakapag salita na , ano ang iyong ngalan ? Anak mo ba ang magandang sanggol na ito?" - sunod sunod na tanong ni Lucia
" Ako si Olga , isa ako sa labing dalawang dyosa .Ikalawa sa malakas bago isinilang ang isang supling , maaari na kayong pumasok sa lagusan . Bilang pasasalamat ay bibigyan ko kayo ng panibagong kakayahan ,ang kakayahang gumawa ng pananggalang . Kayo rin ay bibigyan ko nang talas na isip at talino upang malaman nyo at matutunan ang pamumuhay ng mga 'crusia' . Magkakaron kayo ng kayaman na magagamit nyo sa kabutihan , paalam" - wika ni Olga ,pag katapos nun ay bigla nalang syang naglaho . Gulat na gulat parin ang mag asawa sa kanilang nalaman ,Ngunit di rin nagtagal ay pumasok na sila sa lagusan .
Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa mag asawang may bitbit na sanggol .Tumambad sa kanila ang malaking mansion na ngayon ay kanila nang pag - aari . Isa isang nagsulputan sa kanilang isip ang mga imahe na wari'y pinapaalam kung anong nangyari .
"Ashana , yan ang pangalan nya magmula ngayon Lucia "- wika ni Nemis sa kanyang asawa .
------------------------------------
So sana may magbasa nito , tatapusin ko to di tulad ng story ko sa iba kong account. Thank you kung may magbabasa ^_^
BINABASA MO ANG
Facing The Darkness
FantasyAng kwentong ito ay base sa pabago- bagong takbo ng aking utak , asahan nyo na ang mga mali kase baguhan lang naman ako hihihi. Tatapusin ko na to pwamis so sana may magbasa labyu!💋