Chapter 1 - Meet Ashana Seulji Clydes

13 3 0
                                    

"Ashana's Pov"

Hindi ko alam kung bakit ako nandito , basta ang alam ko lang ,ako'y nasa kwarto nakahiga sa aking kama habang nag-iisip nang malalim .Hangggang sa hinila ako sa kawalan , kawalang hindi ko alam kung matatapos .Paikot-ikot nakakahilo ,hindi ko alam kong ano ba ang nagawa ko? Bat ako nandito . Sa tingin ko hanggang dito nalang ako . Ayaw ko na pagod na ako . Hanggang sa mahulog ako sa isang magandang lugar  ,lugar na hindi ko akalaing totoo . Mga taong gumagamit ng mahika,kung tao nga ba sila? ."maligayang pagbabalik prinsesa" puro ganyang salita lang ang aking narinig sa halos isang oras kong pananatili dito . Bigla nalang sumulpot ang isang babae , may makinis na kutis ,mapulang labi ,mahabang pilik mata. Sa makatuwid ,Dyosa

"Maligayang pagbabalik Ashana . Ako si Rica , isa sa labindalawang Dyosa . Taglay ko ang kapangyarihan ng Apoy at karunungan " - pagpapakilala saken ng Rica daw? Lol sino niloko nya dyosa daw? Pft!

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Saka nasan ako? Ang alam ko nasa kwarto lang ako kanina ah? Kidnapper ka no? Myembro ka ba ng gang? Assassin ka ba na pinadala para patayin ako? Huh! Payt me nalang oha oha" - pagyayabang ko bwahaha aba! malay ko ba kung sino sya?

"Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako?"- seryosong sambit ni Rica hmp! Aba . " ho--.." Mag sasalita pa sana ako nang biglang umikot ang aking paningin

"Nasa ang kailangan nila Ashana, kahit anong mangyari wag na wag kang magtitiwala ng basta basta! ,wag mo ibibigay ang kwentas .Ikaw nalang pag asa nang mundo nyo ,ikaw ang nawaw....."-

Bogshh!

Ugh kainis namam , nahulog na naman ako sa kama ko . Pero yung panaginip ko talaga ! Half of it is true and the other half is a lie hmp! . Alam ko na naman kase yung tinutukoy nila eh saka kilala ko na ang iba sa kanila.

" Ash anak gising ka na ba? Mag ayos ka na may pasok ka pa " - sabi ni mommy, pero ano daw may pasok? Ay oo nga pala .Pumunta ako nang Cr para gawin ang morning rituals ko ,hindi ko na sasabihin kung anong ginawa ko dahil di naman yun mahalaga haha . Oh muntik ko nang malimutan di pa pala ako nakakapagpakilala hihi , my beautiful name is " Ashana Ash Seulji Clydes"17 years old, may itim na buhok na may highlight nang gold oh diba? Matangos ilong ko , mahaba ang pilikmata ,makinis at maputing kutis at ang pinaka weird sa lahat ay ang violent eyes ko . Well di ko naman ito tinatago kase maganda naman ako " flip hair" . Pagkatapos ko ay nagbihis na akong uniform at pumunta sa dining hall. Doon ko naabutan sina Mommy at Daddy ,nagpapasalamat akk dahil kahit hindi nila ako tunay na anak ay inalagaan parin nila ako . 10 years old palang ako nung sinabi nilang ampon ako , may nagbigay lang daw sa kanilang babae pero hindi din daw yun ang magulang ko patawa diba? Pero ayos lang masuwerte parin ako kase may kumupkop saken , siguro may dahilan naman sila kung bakit mas pinili nilang malayo ako sa kanila. Sabi naman nila malalaman ko rin pagdumating na ang itinakdang oras oh diba ?

"Anak kumain ka na muna bago pumasok ,medyo maagap pa naman "- nakangiting sambit nang aking ina

" Oo nga naman anak kumain ka muna para tumaba ka naman , payat mo na e "- biro sa akin nang aking ama

" Grabe ka saken dad di kaya ako payat sexy ko kaya 'pout' " - sabi ko namam " At saka sa canteen nalang ako kakain mom ,magpapahatid nalang ako kay manong Edong .Bye Mom and Dad " -dagdag ko pa

"Ikaw bahala , ingat sa school nak bye"- mom
" bye nak"- sabi ni dad na kumaway pa bago ako tuluyang lumabas na mansion at nagpahatid kay mang Edong

Nakasakay na ako sa kotse ,habang nagbabasa ng wattpad ang binabasa ko ngayon ay The Reaper ang totoo nyan trilogy sya the keeper , the seeker , the reaper , ang masasabi ko lang ay magaling syang gumawa nang story wahh idol kita iamrurumonster

"Ash iha , nandito na tayo sa school mo" - biglaang pagsingit ni Manong Edong .Parang ambilis? Bahala na nga

"Ah salamat po manong ,ingat po kayo sa byahe"- sabi ko naman kay manong hmm mabait si manong kaya sya nagtagal sa trabaho nya , parang pamilya na ang turing namin sa kanya sa totoo lang sa amin sya nakatira kase mag isa lang naman sya sa buhay.Bumaba na ako nang sasakyan .

" Salamat din iha , sige alis na ako"-sabi ni manong Edong saka kumaway at pinaandar na ang kotse .
 
Pumasok sa ako sa gate ng paaralan Clydes Academy  yan ang pangalan ng school at kung mapapansin nyo apilyido namin ang pangalan nang paaralan yun ay dahil sa amin ito.

"Andyan na si Ash , idol ko talaga sya "- Girl1
" Mabait pa sya "-Girl2
" Sinabi mo pa"- Girl3

"Tol ang ganda ni Ash "-boy1
" Liligawan ko yan pare" - aba gago to ah? Sino to?
"Gago ! Di ka pa nanliligaw patay kana , ang lakas manuntok nyan pero idol ko parin sya "- wow? Idol nya talaga ako ang galing hihi pero what the fudge? Naalala ko na naman yung nangyari nun,may nanliligaw kase sakin tas binusted ko kase manyak kaso ang kulit lagi akong sinusundan tas pinagbantaan pa ako?sino tinakot nya? Kaya ang resulta ayun tulog ! Sinuntok ko kasi eh .Dumating na ako sa classroom pero may biglang pukasok na imahe sa aking magandang isipan. Maraming taong nagkakasiyahan ,kung saan saan nangagkalat ang mga tao. Ngunit bigla.. Bogsh ! Maraming namatay madaming dugo .........

" Ms. Clydes kanina ka pa nakatayo sa harap ng pinto baka gusto mo nang pumasok "- nakangiting saad sa akin ni Ms . Camia ,buti nalang mabait si mam hihihi .Pumasok na ako at umupo sa aking upuan . Katabi ko si Daisy Lee at si Angel Shin ,silang dalawa ang best friend ko since kinder. Si Daisy ay may brown hair at brown eyes habang si Angel naman ay may white hair and blue eyes , weird noh? Kaya kaibigan ko sila e  at nararamdaman ko ang inerhiyang bumabalot sa kanilang dalawa nararamdaman kong katulad ko rin sila.










................

1002words? Not bad ^_^

Facing The DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon