Chapter 1
Kasalukuyang nagliligpit si Laura ng pinagkainan ng kanyang mga kapatid. Simula ng namatay ang kinikilala niyang magulang ay hindi na siya pinasabay ng mga ito sa pagkain. Kumakain lamang siya pagkatapos ng mga ito. Para siyang isang katulong.
“Ate Laura gusto mo tulungan na kita ?” tanong sa kanya ni Ana. Si Ana lamang ang mabait sa mga kinikilala niyang mga kapatid.
“Nako bunso ako na lang kaya ko naman ito.” sagot niya sa kapatid habang patuloy sa pagliligpit ng pinagkainan.
Umupo si Ana sa katapat niya. “Ate please.. kahit pispisin ko lang itong mga pinagkainan.”
Umiling siya bago sumagot. “Hindi na Ana matulog ka na. May pasok ka pa bukas.”
“Ate naman ehhhh…”
“Sige na ayos lang ako dito.”
Narinig niyang bumuntong hininga ang kapatid.
“Sigurado ka ate ?”
“Oo naman atsaka matatapos na din ako oh.. tatapusin ko na lang itong paghuhugas ng pinggan.”
Naisip niyang umakyat na sa itaas ang kapatid dahil wala na siyang narinig na sagot mula rito. Tinuloy na lamang niya nag paghuhugas ng pinggan. Naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod.
“Ate Laura promise.. mag-aaral ako ng mabuti at magpapayaman. Pagmayaman na ako aalis tayo dito. Iiwan natin sila kuya pati na rin ang asawa niyang baliw.”
Humarap siya rito.
“Oo tama ‘yan mag-aaral ka ng mabuti. Huwag mo akong gayahin na high school lamang ang natapos.”
“Eh ate naman eh ! Ikaw kaya ang role model ko atsaka hindi naman ako makakapag-aral kung hindi dahil sayo. Dapat ikaw itong nag-aaral eh.” Naka ngusong sabi nito.
“Ano ka naman. Lahat gagawin ni ate para kay bunso.” Hinawakan niya ang mukha ng kapatid.
“Basta ate ikaw naman ang pag-aaralin ko pag nakatapos na ako pati aalis talaga tayo dito. Iiwan natin ‘yang mga asungot na ‘yan.”
“Ikaw talaga.. O siya matulog kana.”
“Opo ate.” Humalik ito sa kanyang pisngi. “Good night ate.”
“Goodnight bunso.”
Pinagpatuloy niya ang paghuhugas ng pinggan. Muntik na niyan itong mabitawan dahil sa gulat ng may magsalita.
BINABASA MO ANG
Loving Laura. [On Hold]
General FictionSome scenes are not suitable for young readers. Please be OPEN MINDED. **************************************************** Larissahmae