Hindi parin ako makapaniwala na sila na talaga. Tama na nga tong pag cocomplain ko para akong ewan.
Nandito kami sa canteen at syempre mag kasama ung 'lovers' este sina Basti at Cassey. Lahat ata ng babae dito sa school ay gusto ng patayin si Cassey at ako lang ata ang walang pake.
"Huy lovers este Cassey, Basti kumain na nga kayo kanina pa kayo naghaharutan. Pwede nyo namang ituloy yan mamaya at isa pa GET A ROOM. tsk." Sabi ko habang sila naman ay walang pake. Siguro kung may sunog na, hindi pa rin nila marirealize. Hayys.
---------
Kakatapos lang namin kumain at syempre dumiretso na ako sa classroom habang sila nag haharutan pa rin.
Nakaupo nako at saka palang dumating ang aming prof.
"Good afternoon class!" Sabi ni Sir Pastin. "Good afternoon sir!" Sabi naman namin ng sabay sabay at saka umupo."Okay class. So ididiscuss natin ngayon is about family. Ano nga ba ang kahalagahan ng pamilya? Para sainyo? Ano ang halaga ng pamilya?" Sabi ni sir habang naghihintay na may magtaas ng kamay pero ni isa ay walang nagtaas. "Oh sige. Ako nalang ang mamimili ng sasagot." Sabi niya at saka naghanap kung sino man ang natitipuhan nyang sumagot. "Okay. Ms. Questa. For you, what is the value of family?" Sabi ni sir habang ako naman ay gulat na gulat.
"Uhhmm...for me family is the most valuable of all things etc. because if you dont have family your life will be miserable." Sabi ko at lahat sila ay nagpalakpakan. "Well said Ms. Questa." To be honest, habang nagsasalita ako ay pinipigilan ko lnag na umiyak, sa tuwing pinag uusapan ang 'Family' lagi kong naaalala sina mama at papa. Oo wala na sila ngayon, they are dead.
Natandaan ko pa noon, sabi ni lola mahal na mahal daw nila ako kahit na nasa sinapupunan pa ako ni mama. Nakakalungkot lang dahil pati si lola, pumakabilang buhay na din. Masakit isipin na hindi ko manlang nayakap o nakita ng personal ang mga magulang ko.
Habang nakatingin ako sa malayo, hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. "Ms. Questa. Are you okay?" Sabi ni Sir. "Yes sir I'm totally fine." Sabi ko at saka pinunasan ang mga luha na punong puno ng sakit. Pagkatapos non hindi na ako nakapagconcentrate buong klase.
------
"Naku cassey, tigil-tigilan mo 'ko sa kahaharot mo ah at pati ako dinadamay mo." Sabi ko habang nagcoconcentrate magbasa ng libro.
"Sige na kasi, please? Kawawa naman si Basti 'don, naghihintay." Sabi nya habang nakahawak sa braso ko na animo'y batang nanghihingi ng gatas.
"Eh bakit hindi mo nalang i-text na hindi ka makakapunta? Hindi yung ako pa yung papapuntahin mo doon. Eh date nyo yun, pinaglololoko mo ba ko?"
Kanina pa nya akong pinipilit papuntahin sa date nila, eh ayaw ko nga gagawin nya akong substitute ganon? Kung may sakit sya, ako papalit? Tsk.
"Please? Kailangan mo din kasing ibigay 'tong regalo ko. Sige na, Zy. Pleaseeeeeee?" At nagpuppy eyes pa ang lukaret.
Inirapan ko nalang sya at tumayo na. "Fine, fine. Wag kang magpacute dyan mukha kang ulupong na gunggong."
"Yey! Love you best friend ko!" Niyakap nya ako at nagtatatalon.
Pasalamat sya at para ko na syang kapatid at mahal ko sya kahit ang tanga pagdating sa pag-ibig.
Ano ba kasing meron sa Basti na yon? Di naman sya attractive....well para saken. "Asan na ba kasi yun? Sabi ni Cassey nandito siya sa park...bayann.."
Makalipas ang ilang minuto at dumating narin si Basti. "Hi Cass-- Zy??..asan si Cassey?" Sabi niya habang ang muka niya ay may bahid ng pagtataka.
"Kung curious ka kung bakit ako ang nandito..wag mo kong tanungin dahil kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ako nandito." Sabi ko habang naka poker face lang ang mukha ko.
"Ahhhh okay? So ano gagawin naten ngayon?" Sabi niya. "Ewan ko siguro uuwi nalang ako. Sabihin mo nlng kay Cassey na kumain tayo, bahala ka basta wag mong sabihin na umuwi agad ako..okay? Geh bye." Sabi ko at saka naglakad na ako papalayo sa kanya.
Habang naglalakad ako papalayo naalala ko na may pinapaabot nga pala si Cassey na regalo para kay Basti. "Basti!" Sabi ko habang tumatakbo papalapit sakanya. "Oh bakit? Nagbago na isip mo? Kung ganon..tara kain tayo gutom nako~" Hihilahin niya na sana ako pero syempre di ako sasama. "Ano ba hindi ako sasama sayo. Uuwi na nga ako diba." Sabi ko at saka umirap. "Eh bakit ka bumalik?" Sabi niya habang iniintay ang sagot ko. "May pinabibigay kasi si Cassey para sayo. Buti nalang at naalala ko. Ohh itoo~" Sabi ko at binigay na ung maliit na box. "Okaayyy bye naaa!" Sabi ko at tuluyan na akong umalis.
-------
Sana di malaman ni Cassey na umuwe agad ako. Nakoo pag nalaman niya...Goodbye World!
Isang oras na ang nakalipas simula nung nakauwe ako pero wala parin si Cassey. "Asan na yun? Gumagabi na ahh.." Sabi ko sa akong sarili habang nakatingin sa gate. Ilang minuto na at biglang bumukas ang gate...tinignan ko kung sino at si Cassey na nga.
"Cassey. San ka galing?..dapat nakauwi kana kanina palang. Tignan mo nauna pa akong umuwe sayo." Sabi ko nang may pag aalala sa aking boses.
"Im okay Zy! See i'm here now. Wag ka nang mag alala okay?" Sabi niya at saka sinara yung gate at pumasok na at ako naman, iniwan niya akong magisa sa labas.
Pag kapasok ko..."So kamusta naman si Basti?" Sabi niya habang kumakain ng apple. Patay. Act cool Zy! Act. Cool.
"Uhhmm okay lang naman. Hehe." Sabi ko. Sana hindi niya nahalata yung pagkanerbyos ko. "Ahhh okayy!" Sabi niya agad tumayo sakanyang kinauupuan at lumapit sa akin. "Btw Zy, Thank you!" Sabi niya at niyakap ako. "Hehe welcome Cassey." Sabi ko at niyakap ko din siya."Wohh muntikan na ako dun ahh. Buti nalang talaga. Hayyss." Sabi ko habang nakatitig ako sa salamin ng cr namin, kinakausap ang sarili ko.
Sana kasama ko si Cassey lagi. Siya nalang ang meron ako. Siya nalang yung taong kaya kong takbuhan pag may problema ako. Siya nalang.
"I think kailangan ko ng ituloy yung plano ko. Gustong gusto na kitang pahirapan, pero kaya ko pa namang magtiis. Just wait. Hahahaha (Devil's laugh)
A/N : Chap 2 Done!! Hahaha sana nagustuhan niyo. Dont forget to vote and just leave a comment kung may sasabihin kayo or kung ano man. ( magcoconfess?😂) Thank you! ✨
BINABASA MO ANG
Truth Hurts
General FictionAno nga ba ang Love? Ano nga ba ang dapat sundin...ang puso o ang isip... Malalaman mo kung ano ba ang dapat sundin kung babasahin mo ito. ;) - - - - - - Do not copy or distribute, please obtain permission. Any resemblance to any other fanfics are...