Chapter 2

22 1 0
                                        

Schanley's POV

Lumipas ang tatlong buwan na ganun ang set up namin ni Niel. Masaya naman ako kasi at least nakakapag-usap pa rin kami. Pero alam mo yung feeling na gusto mo siyang bakuran para di siya landiin ng iba? Hays.

From Niel Ma'loves:
Beh, wala nga lang yun. Di ko naman gusto si Hazel o si Monica. Ikaw lang ang gusto ko. Okay? Wag ka ng magselos.

To Niel Ma'loves:
Masisisi mo ba ako? Eh buti sila nalalapitan ka nila. Nakakausap. Tapos nginingitian mo pa sila. Samantalang ako halos ayaw mong madikit sakit pag nagsasalubong tayo.

From Niel Ma'Loves:
Hay nako beh. Kahit naman hindi tayo magkasama ikaw naman ang nasa puso ko. Trust me when I say I love you because I do. 2 months nalang beh. Nahihirapan na rin naman ako eh. Pero tinitiis ko para sayo kasi mahal kita.

Sheez. Maiiyak pa ata ako. Bakit kasi ganito ang sitwasyon namin? I can't show other people na we're together kasi makakaabot ito sa ate niya. At ayaw ko namang magalit ang papa niya sa kanya. Hays.

To Niel Ma'loves:
Oo na. Sorry beh. Iloveyoutoo. Wag mo akong ipagpapalit ha?

From Nile Ma'loves:
Oo naman beh. Bakit ko pa ipagpapalit ang babaeng mahal na mahal ako at iniintindi ako? Sige beh mamaya ulit ha? Magpractice na kami. Dumating na si Coach eh. Call you later, beh. Loveyou.

Kasali sa basketball team ng school namin si Niel kahit na Grade 7 palang kami. Magaling naman kasi siya at nakitaan siya ng potential ni Coach Teek, ang coach ng basketball team, kaya natanggap agad siya sa unang try-out palang niya.

Dahil may klase pa kami ng 4:00-5:00 pm nagpasya akong pumunta na sa classroom. Vacant kasi namin ng 3:00-4:00 kaya pumunta muna ako sa garden ng school.

Madadaanan ko ang covered court papunta sa room namin kaya medyo binagalan ko ang lakad ko para pagmasdan ang mga players na naglalaro. Puspusan ang pag-eensayo nila dahil malapit na ang annual provincial meet sa aming lalawigan.

Nakita ko si Niel na nagwa-warm up para sa practice game nila. Nagtama ang aming mga mata nang dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ko kaya naman nginitian ko siya. Laking gulat ko ng nginitian niya ako at kinindatan kaya't napatakbo ako ng di-oras dahil unang beses ginawa ni Niel yun sa school!

Nang makarating ako sa classroom ay para akong hinabol ng sampung kabayo sa sobrang hingal ko. Pumunta naman ako agad sa upuan ko at nagpahinga. Nakakahingal ha, in fairness.

"Hoy Schanley Morene Bae! Bakit parang hinabol ka ng pitumpu't pitong puting tupa sa sobrang hingal mo ha? Saan ka na naman ba galing?" Sabi ni Scarlette Brooklyn, ang aking over chismosang bff.

"A-ah ano, akala ko kasi late na ako kaya tumakbo ako hehe." Pagpapalusot ko na mukhang pinaniwalaan naman niya. Phew. Akala ko mabubuking na ako eh.

"Hay nako ses, halika na nga  at maupo na tayo. Ayy teka tawagin ko si Ella." Iginala niya ang mata sa buong paligid ng classroom at nang mamataan si Ella ay tinawag niya ito. "Estrella Batumbakal! Come here! Dito ka sa tabi namin ni Ley."

Lumingon si Ella at nagtungo na papunta sa kinaroroonan namin ni Letlet(Scarlette).

"Anong meron?" Tanong ni Ella.

"Tabi-tabi tayong tatlo." Sagot ni Letlet sa kanya at umupo na sa gitna.

"Okay. Para may kadaldalan din ako." At umupo na nga si Ella sa tabi ni Letlet, meaning nasa tabi ako ng bintana nakapwesto facing the hallway.

Hay. Nangalumbaba ako at hinayaang lumipad ang utak ko sa mga what if's na naiisip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rainbow In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon