ALYANA P.O.v
Kakaiba talaga pala ang mundo ng mga tao kumpara sa mundo namin. Biruin ninyo ang laki ng mga tirahan dito at may mga bagay sila na wala sa mundo namin
"Miss"tawag ni ash. Kaya lumingon ako"bakit"magalang na sagot ko sa kanya
"Tara! Doon tayo sa kwarto ko baka mamaya may makakita sa iyo"
Kaya sumama ako sa kanya
"Miss ano ba pangalan mo?"
"Alyana"
"Saan ka ba galing talaga?"
"Sa angel world"
"Pffft hahahaha seryoso doon ka galing"
"Oo! Mukha ba akong nag bibiro"
"Oo"
"Di ako nag bibiro ash. Doon talaga ako nakatira"
"So ibig sabihin isa kang anghel"
"Ganon na nga"
"Hahahahaha tawa niya"bakit ba siya tumatawa "ikaw anghel di nga"
"Oo isa akong anghel na naparusahan"
"Bwahahahaha. Itulog mo na lng yan yana."sabay gulo sa buhok ko"ikaw anghel sinong lokuhin mo"sabi niya sabay alis
"Isa nga pala wag na wag kang aalis sa kwarto ko kahit anong mangyari ah. Maliwanag sa sikat ng araw huh"pahabol niya bago isara yung pinto
Bahala nga siya kung ayaw niyang maniwala sa mga sinisabi ko
Teka lang bakit ako iniwan ni ash dito? Ano naman ang gagawin ko at isa pa di naman ako naantok eh
Nilibot ko tong kwarto niya at sobra akong namangha dahil sobrang laki at ang ganda.
Ilang minuto pa ang nag tagal at wala parin si ash kaya nag pasya akong bumaba para libutin tong bahay nila. Pero teka saan ako mag sisimula eh ang laki nito at isa pa kanina pa ako nagugutom alam ko na sa kusina ako
Unang pupunta para makakain ako.Paikot ikot lng ako dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito nahihilo na nga ako eh. Ang laki kase nito
Lakad pakaliwa
Diretcho
Lakad pakanan
Diretcho
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan aishhhh napapagod na ako ah
Habang nag lalakad ako ay napahinto ako dahil sa aking narinig ang ganda ng boses niya nakakaakit
"Sometimes I Lay, Under the moon and thank God Im breathing
Then I pray, Don't take me soon couse I am here for a reason
Sometimes in my tears I drown
But i never let it get me down
So when negativity sorrounds"Agad kung sinundan yung boses at huminto ito sa isang malaking pinto kaya nagpasiyahan kong tignan kung sino ang nagmamayari ng boses na narinig ko. Dahan dahan kung binuksan ang pinto at sumilip ako mas lalo akong namangha dahil sa mga nakikita ko.
"Nakakabighani naman ang iyong boses"masayang saad ko. Huminto siya sa pag kanta at lumingon sa akin
Nanlaki yung mga mata niya nong nakita ako
"Teka?! Natatandaan kita ah"saad niya
Tama siya yung lalaking humila sa akin
"Cass"sambit ko
Tumayo siya at lumapit sa akin" anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Sabay bitbit niya sa akin palabas ng kwarto
"Teka lng nasasaktan ako"pagpapapiglas ko
"Wala akong pake kung masaktan ka basta umalis ka dito. Ano ba kaseng ginagawa mo rito at pano mo nalaman na dito ako nakatira ah?" Naiinis niyang saad
"Bitawan mo ako"saad ko ulit
"Cass!! What are you doing?"tanong nong lalake kakadating lng
Napatingin ako sa lalaking nag salita at nong tinignan ko siya ay may kakaiba akong naramdaman
"Skylar"
"Who's that girl?" Tanong nong skylar
"Siya yung babaeng kinukwento ko na parang may tililing"cass
Tililing? Ano yun?
"Bat ba ang ingay ninyo ah"saad pa ng isang lalakeng kakarating lng
"Zion" tawag ni cass
Tumingin sa akin si zion.
"Sino ka?"tanong niya sa akin
Sasagot sana ako kaso biglang may nag salita
"Girlfriend ko. Bakit angal kayo" napatingin ako kay ash. Dali dali akong tumakbo at nag tago sa
Likod ni ash"Girlfriend mo?"tanong ni cass
"Oo" nagulat ako dahil hinatak ako ni ash at inakbayan"simula sa araw na toh dito na siya titira"ash
"What?"cass
"Bahay mo toh at mag
Papatira ka ng isang babae?"skylar"tsss!"zion
Ngumiti lng si ash"bye" paalam niya at hinatak niya
Ako papunta kung saan
YOU ARE READING
Im your guardian angel
AdventureWhat happens when a guardian angel fall in love with the person she is supposed to protect?