Chapter 5

100 3 0
                                    

CHAPTER 5

Hindi ko magawang tawagin o lapitan ang natatanaw kong lalaki. Hindi ko alam para akong natatakot na baka siya nga si King at pag nakilala niya ako ay ipagtabuyan niya ako bigla.

Nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman kong pumapatak ng mga butil ng tubig dahil sa ulan. Muli kong tinanaw ang lalaki pero hindi ko na ito nakita. Palakas na ng palakas ang ulan kaya tumakbo na ako para makarating ako ng sasakyan ko. Pagpasok ko ay agad tumunog ang cellphone ko.

Allenaj baboy on phone.

"Ayos ka lang?"

"Yes, nabasa lang ako konti."

"Diba may extra towel at shirt ka dyan sa kotse mo? Magpunas at magpakit ka na din para hindi ka magkasakit." ramdam sa boses niya ang pagaalala sa akin.

"Oo meron nga ako. Wag kana magalala hindi naman ako magkakasakit dahil lang dito." Pampalubag loob ko sa kanya.

"Oh sige. Bilisan mo na para makauwi na tayo."

" Okay."

Pagkababa ng tawag ay agad ko ng kinuha ang extra towel at shirt ko sa duffel bag na laging nasa ilalim ng upuan ko. Tinted naman ang kotse ko kaya wala akong pagaalinlangan na hinubad ang blouse ko.

Hindi nagtagal ay umuwi na din kami. Nagpaalam at nagpasalamat pa muna ako kay Manong Roel bago kami tuluyang tumahak pauwi. Natanaw ko ang sasakyan ni Ghieb na lumiko na sa kabilang daan patungo sa subdivision na kanikang tinitirhan. Ako naman ay dumeretso na dahil malayo layo pa ng kaunti ang subdivision namin.

Hanggang sa makarating na ako sa bahay ay iniisip ko pa din yung lalaking nakita ko sa doon sa playground. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatagilid siya sa akin at medyo padilim na. Hindi ko alam kung si King ba iyon o sadyang nagu-guilty lang ako noon kaya napagkakamalan kuna na si King ang ibang tao. Mula noon hindi ko winaglit si King sa aking isipan dahil siya lang ang kaibigan na maituturing ko noon at gusto ko lang na makita siya muli para makahingi ng tawad dahil hindi na ako nakapunta sa playground na yun dahil lang sa nangyari sa akin.

"Oh? Callie, Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa pumasok?"

Natigil lang ako sa kakaisip ng marinig ako ang boses ni Manang Lucing na ngayon ay nasa harap ko na. Kanina pa pala ako nakatayo dito sa tapat ng aming pinto.

"Ahm wala naman po Manang, nagpapahangin lang ako saglit. Papasok na din po ako. Kayo po san kayo galing?" Pagpapaliwanag ko kay Manang Lucing.

"Ahh ganun ba. Halika na at pumasok madilim na at pauwi na din siguro ang mga magulang mo. Lumabas ako para tingnan ka dahil narinig ko ang sasakyan mo." Yun lang sinabi ni Manang at pumasok na kami.

Siya ay dumeretso sa kusina dahil naghahanda na daw siya ang aming hapunan at ako naman ay sa kwarto ko na dumeretso para makapagbihis na. Pagkatapos ko magbihis ay napagpasyahan ko na pumasok sa tinatawag naming "Java" . Ang pinto nito ay nasa likod ng mga nakahanger ko na damit sa isa sa cabinet sa aking walk in closet. Bago ako makapasok ay kailangan ng Eye Security na bukod tanging ang Mata ko lang ang madedetect. Bukod doon ay meron din itong passcode na finger print ko lang ang pwede. Pinasadya ito ng mga magulang ko para daw maprotektahan ako kung sakali.

Nang matapos ko na buksan ito gamit ng mga kailangan ay makikita sa loob ang mga libro na nasa kaliwang side ng kwarto at sa kanang parte ay ang mga nakadisplay na iba't ibang klase ng baril sa ding ding. Meron din ng mga desktop at ilang mga computer dito. May sarili itong sala at meron ding mini kitchen. May sarili din itong Comfort Room. Sa kabilang dako ng nito ng kwarto ay may isa pang pinto. Yun ang pinto na ginagamit ni Kuya Zhian para makapasok din dito. Ang pinto na yun ay nasa loob ng kwarto niya ngunit ang kanya ay nasa loob ng bathroom niya, ang likod salamin sa bathroom ay naroon ng lagayan para sa passcode at Eye Security. Hindi mahahalata ang pinto niya dahil para lang itong pader. Doon dumadaan minsan sila kuya at ang magulang ko.

A Fiercely QueenWhere stories live. Discover now