6. Queen

35 0 0
                                    

CHAPTER 6

Isang linggo na simula ng maging miyembro ng L.O.D sila Kian. Sa isang linggong iyon ay muli ko silang pinasubaysabayan. Lagi din kaming nagkakasalubong sa Lestrade at Houssaye. Ngunit tuwing, nangyayari ang pagkakataon na yun ay nakalagay ang nagsisilbing takip sa aking mata o mukha. May minsan pa nga ng nasa Lestradre kami para mag practice ng mga bagong baril ay naroon din sila.

"Sino siya? Bakit siya laging nakasuot ng puting tela sa mukha?" rinig kong bulong ni James don sa isang babaeng kasama nila sa bench.

"Hindi mo siya kilala?  Panong nakapasok kayo ng hindi niyo siya nakikilala?" nagtatakang tanong nung babae. Tama siya, bago ka makapasok ay kailangan mo ko makilala ng personal pero namumukod tanging ang grupo nila ang hindi nakakakilala sa akin.

"Nakita namin siya noon ng unang beses kaming dinala dito. Doon sa may straydue. Pero hindi siya nagpakilala o nagtanggal ng tela sa mukha. Sino ba siya?" sabat naman ni Mark. Si Christian at Dave ay naki-usyoso na din.

"Nakakapagtaka naman.  Namumukod tanging grupo niyo lang ang hindi nakakakilala sa kanya. Pero sige sasabihin ko sa inyo kung sino siya. Siya si Queen. "

"Queen? As in reyna?" Hindi maintindihan na sagot ni James.

"Weh?"

"Wag mo nga kaming pinagloloko hahahaha"

Narinig kong hindi naniniwala ang mga hinayupak. Sa aking gilid ay nakikita kong parang walang pakealam si Jeremie at yung kambal.

"Hindi ko kayo pinagloloko. Siya si Queen.  Kung bakit Queen ang tawag namin sa kanya ay makinig kayong mabuti. Labag sa batas ng L. O. D na banggitin ang tunay niya na pangalan dahil isa yun sa pinatupad na batas ng unang founder nitong L. O. D na kanyang ama. Walong taong gulang siya ng unang beses siyang dinala dito ng kanyang mga magulang. Ang sabi noon ay biglaan lamang ang desisyon ng magulang niya na dalhin siya dito, dahil bata pa lamang siya ay pinagtatangkaan na ang buhay niya.  Kaya sa murang edad ay sinanay na siya sa ibat ibang estilo ng pakikipaglaban. Queen ang tinawag sa kanya dahil siya ang reyna ng L. O. D hahaha nakakatawa diba pero yun ang totoo.  Noon ay Fiercely Queen ang tawag sa kanya. " nagsimula ng magkwento ang babaeng miyembro din ng L. O. D

"Huh? Bakit naman Fiercely Queen? " batid ko sa boses ni Dave ang pagkagulo sa mga nalaman.

"Nung unang beses na lumaban ang L. O. D tapos si Queen ang mamumuno ay naging isang hindi makakalimutang pangyayari.  Nang busy ang lahat sa pakikipaglaban kaya hindi namin na pansin na napapasama na si Angel. Siya yung babaeng katabi ni Queen na may Pulang tela ding suot. Si Angel ang isa sa pinakamagaling pagdating sa paggamit ng Sniper. Silent Angel ang tinalaga niyang tawag sa kanya dahil bukod sa tahimik siya pag nasa tuktok siya mukha din siyang innocenteng angel na akala mo ay walang alam sa mga masasamang gawain. Hindi namin alam na sugatan na si Angel kung saan siya naka pwesto. Nang malaman yun ni Queen ay nagiba bigla ang aura na bumalot sa kanya. Agad niya noong pinuntahan si Angel para icheck kung okay lang ito nang matiyak niya ito ay agad niyang inutusan si Akheyn para matiyak na magagamot agad si Angel. Si Akheyn ay yung katabi ni Queen na nakaitim namang tela. Nang nailayo na si Angel ay siya ding simula ng tunay na laban ni Queen. Para siyang isang mabangis leon na gutom at handa nang atakihin ang ituturing niyang prey. Siguro hindi kaya maniniwala at pagtatawanan niyo pa pero ng maging ganun ang aura na nakita namin kay Queen ay siya ding pagubos niya sa mga natitirang kalaban. Nung panahon na yun ay doon siyang binansagan na Fiercely Queen. " mahabang kwento sa kanila nung babae.

Narinig ko pa ang pagkamangha at konting takot sa apat na nakikiusyoso. Pinabayaan ko nalamang sila doon at hindi na pinansin pa. Kahit nga nung pumunta din sila sa mga baril para magensayo ay hindi ko na sila muling binalingan pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Fiercely QueenWhere stories live. Discover now