Kabanata 1 : Math Camp

40.1K 541 18
                                    

"Good morning Ma'am!" sambit ko sa paborito kong guro na si Mrs Oligaya.

Ngumiti ito sa akin at nag patuloy sa pag titipa ng kanyang keyboard. Si Ma'am Oligaya ang teacher namin sa kauna-unahang klase, na wikang ingglés. Nagsidatingan naman kaagad ang aking mga kaibigan ko na sina, Hyacinth Valero, Kath Trinidad, Humi & Aya Nakano and at last Aubrey Kiano.

Ilan rin sa aming mga kaklase ang nag si-datingan na kaya nagsimula ng mag ingay. Tumigil naman si Ma'am sa kanyang ginagawa at agad na tumayo sa unahan upang mag simula na ang klase.

Hi! I'm Ash Nicole Concepcion, and I'm a grade 9 student. I'm about to tell you my story of how I met my first love, Vince Harold De Guzman. He's currently a grade 10 Student as of now.

I used to think na kami na forever, ganun pala kapag inlove! Kala mo forever na pero hindi ka pa-pala sure. Siguro nga masyadong sabik sa pag-ibig ang mga kabataan ngayon, katulad ko.

"Okay, for today. Mag kakaroon tayo ng activity, group yourselves into 6." Wika ni Mrs.Oligaya sa harapan.

At syempre kaming mag kakaibigan na ang nagsama-sama mag hihiwalay pa ba kami? Pare-pareho man kaming tamad, may natatapos at naipapasa naman kahit papaano.

"Excited na kayo?" si hyacinth habang nakaupo at nag susulat sa notebook.

"Saan?" tanong ni kath na mukhang seryosong seryoso.

"Sa English Camp!" exaggerate na pagkakasabi ni hyacinth.

"Wait! Ano? alaka ko ba Math camp tayo?" wika ni Aubrey sa kabilang dulo.

"Oo nga,Math camp kami nag sign up." singit ko ng hindi tumitigil sa pagsusulat.

"Girls at the Back, keep it down" si Mrs.Oligaya na naingayan ata saamin.

"Nag English camp kami ni Aya." batid ni Humi na patagong na gamit ng selpon.

"Osiya, sige ganto nalang. Mag kita-kita nalang tayo sa may gate bukas after ng mga activities natin. Okay?" sambit ko.

Tumango naman sila at halatang sang-ayon sa naging deal naming mag kakaibigan. Napagusapan na kasi namin tong anim na mag ma-math camp na kami, kaso nag tie kami na tigtatlo ang math at english kaya hindi na kami nag talo at pumili nalang ng gusto. Hirap kase samin ayaw naming mag kakahiwalay pero hindi naman mag kasundo sa mga decisions.

"That will be all class, see you tomorrow!" maligayang pagbati ni ma'am na iindang aalis na.

Next class was Filipino wala naman kaming masyadong ginawa at nagsulat lang tapos disscussion. Then math class tapos recess, nagsolve lang kami ng equation medjo mahirap pero kinaya naman. Patapos na ang klase at palabas na sana kami ng pinapasok kami muli ng teacher namin na si Sir Alcantara.

"So, Class sino ang sumali dito sa math camp?" tanong nito na may hawak na maliliit na papel na kulay green.

Agad naman nagsi-taasan ng kamay ang lahat ng lumahok sa math camp. Nagsimula ipamigay ni sir ang papel sa mga sumali, na bigyan din ako at may nakatatak lamang doon na math camp sa taas nito ay ang logo ng school namin may number din ito sa may bandang gilid 205 ang akin.

"So, Class ayang pinamigay ko sa inyo ay ang magiging lunch ticket niyo sa math camp, huwag na huwag niyo tong iwawala kundi bahala kayo magutom" pabirong wika ni Sir.

"That's all you may take your recess." dagdag pa nito.

Sa totoo lang english camp talaga dapat ang sasalihan ko, I mean gusto ko rin naman sa mga activities ng math club kaya lang naman talaga kase nag math camp na ako kase nandoon sumali yung crush ko. Taga ibang section siya same year as me, pero never niya ako na notice.

Nag patuloy ang araw ko sa mga classes na meron pa kami, medjo ginabi na rin ako ng uwi dahil sa nag gala-gala pa kami nila Humi sa mall kundi pa nga tumawag si kuya baka di pa ako umuwi. Ang gala ko noh? Next thing I know, umaga na ulit at ang nakakarinding tunog ng alarm clock ni kuya ang gumising sa akin.

Katabing kwarto ko lang kasi siya.

Nag madali akong bumangon at naligo na agad ako. Nag bukas ng telepono para makita ang mga mensaheng ipinadala sa akin ng mga kaibigan ko. Na basa ko na nandoon na daw sila Humi at Aya pati na rin si Hyacinth at kath. Kaming dalawa nalang ni Aubrey ang iniintay nila. Pag katapos ko kumain ay nag paalam na ako na aalis. Kinuha ko ang ID ko kung San naka isiningit roon ang ticket na ibinahagi kahapon sa amin ni Sir.

"Ash! Bilisan mo nag sisimula na sila pumila." may pag kaway pang tawag sa akin ni Kath.

Medjo marami pa rin namang mga students sa labas. Pag pasok namin ay punong-puno ang gym ng mga students na nakapila. Nag katinginan kami mag kakaibigan at nag simula nang mag hiwa-hiwalay upang hanapin ang kanilang sinalihang camp. Kasama ko si Kath at Aubrey pare-pareho kasi kaming math camp.

"Ayun ata yung pila" turo ni aubery sa may unahan.

"Sure ka ba? baka mamaya mali ulit tayo ang hirap makipag siksikan." Si kath na binabanas na sa sobrang init.

"Oh, chill lang kayo mahahanap natin yan. Wait mag tatanong na ako." ani ko.

Nag tanong ako sa isang babaeng sa tingin ko'y isa sa mga facilitator dito sa school. Agad naman niya kaming inintindi at sinabing sundan siya kaya nakarating kami sa pila namin.

"Ito yung pili ng math camp, Goodluck!" aniya sabay ngiti.

"Thank you po." sambit ko at tumango naman ito at umalis.

Habang nakapila kami ay may nag gagaslawan na mga grupo ng lalaki sa unahan. Nang napasobra ang tulak ng isa sa kanila ay na danggil ako at natapakan ng lalaki sa unahan ko ang puti at bagong laba kong sapatos.

"Ay, sorry po" aniya ng naging seryoso at humihingi ng paumanhin. Hindi ako nagsalita dahil nainis talaga ako kase bago ko pa malabhan tatapakan niya lang!?

"Sorry po, lipatan nalang po tayo ng pila para di na kayo madamay sa kaguluhan ng mga kasama ko pasensya na ulit." aniya at nag lipatan kami ng pwesto, sila na ngayon ang nasa likod namin.

"Atleast nauna na tayo sa kanila. Salamat sa saptos mong puti." Asar na batid ni Kath.

"Ewan ko sayo." umirap lamang ako na ikinatawa nilang dalawa.

Maraming pa activities ang math club meron pangang basaan mabuti nalang at may extra akong damit. Siguro mga 4 na palaro yung nagawa namin bago kami nag lunch at syempre pila nanaman, sa dami ba naman ng students dito sa school bago ka makakuha ng lunch magiintay at paghihirapan mo talaga muna.

After namin makuha yung lunch namin ay kumain na kami at naupo sa isa sa mga bleachers. Tapos biglang may lumapit sa aking, lalaki at tinanong yung pangalan ko sa facebook. Medyo nagaalinlangan akong ibigay kasi hindi ko naman siya kilala.

Mukha namang mabait kaya binigay ko nalang, actually mali pa nga yung spell nang name ko pero ayos lang, I don't mind it naman. After math camp umuwi na rin agad kami kase pagod kami at hindi rin natuloy yung planong gala namin after sana nito, pero ang mahalaga nagenjoy naman kami at sulit yung naging araw namin.

Facebook Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon