*Jamella's POV*
Another normal day for a typical student.
Naglalakad ako ngayon mag-isa pabalik sa aming room. Kagagaling ko lang sa canteen para bumili ng makakain. Meron na lamang akong 8 minutes bago magsimula ang next period namin.
Habang palapit ako sa labas ng aming room, nakadinig ako ng jamming mula sa loob at sa pagpasok ko ay wala na sa mga hanay ng mga upuan at nakaporma na ang mga ito ng pabilog sa gitna kung saan halos lahat ng tao na nasa loob ay nagtipon at nagkakantahan. Sa may gitna ng bilog ng mga upuan naman makikitang naroon ang nag-iisang tumutugtog ng aqua blue na gitara kung saan nanggagaling ang musika, si Grey Morales, ang magaling na guitarist sa amin. Pero may iba ding hindi nakisali sa jam at nanatili sa kanilang mga upuan, gumagawa ng sarili nilang mga mundo.
*Playing, I'm Yours by Jason Mraz*
Pumasok ako at nakisali na rin sa kanilang kantahan, tutal alam ko naman ang kinakanta nila, at halos kabisado ko ang linya ng I'm Yours, at isa pa, pabotiro ko rin ito.
Umupo ako malapit kay Grey, marahil nandoon rin naman ang aking upuan, at magkaharap kami ngayon. Tuloy-tuloy lang siya sa pagstrum habang kami ng mga kaklase ko naman ang kumakanta. Sumabay na ako. Kahit na 'di kagandahan ang mga boses namin, tuloy parin ang pagkanta na para bang walang alintana at pake alam kahit na mabasag ang mga eardrums namin sa mga sarili naming boses. Kahit siguro dumugo pa tenga namin, bahala na basta tuloy lang ang jamming.
Tuluyang naputol lang ang jamming ng pumasok si Ma'am Lany at may iniwan lamang siyang gawain na supposedly to be our seatwork ngayon ngunit ipass na lang raw namin bukas. Panandaliang nagkagulo kami ng mga kaklase ko na isaayos ang aming mga upuan marahil sinabi ng aming guro. Terror teacher pa naman namin siya, ilang beses na kaming napagalitan at napagsabihan ng aming adviser dahil sa pagsusumbong niya. Matapos nun, lumabas na si Ma'am Lany at bumalik muli kami sa kanya-kanyang business na naputol. Umupo na ako sa aking upuan, kung saan katabi ko ang aking mga seatmates na si Dana na nasa may kanan at si Stacey naman sa kaliwa, pinapagitnaan nila ako.
Iidlip na sana ako nang may biglang nagpwesto ng upuan sa likuran namin na may bitbit na gitara kaya hinarap ni Dana at Stacey si Grey at nagrequest ng song na tutugtugin. Inikot ko na lang din ang aking upuan para makita ko kung paano tumugtog si Grey tutal gusto ko ring matutong mag guitar no, dream ko yun.
Tumugtog ng random songs si Grey ng biglang may isang kanta siyang tinugtog na pamilyar saakin.
"When you say nothing at all yan diba?" Tanong ko na may halong pagkabigla at pagkamangha sa musikang gawa ng gitara.
"Oo." Sagot niya ng may kakaunting ngiti na sumilay sa kanyang mga labi at binalik niya ang kanyang pokus sa pagstrum ng strings. Tutok na tutok lang ako sa mga kamay niya habang tinutugtog niya ang kantang yun nang nalingat ang aking atensyon sa kanyang mukha. The way he strum the strings, parang ang dali-dali lang nito tignan pero pag ikaw mismo ang sumubok, tiyak mahihirapan ka at malilito sa unang subok. Pero para sa kanya, para lamang itong isang madaling gawain na kayang-kaya niyang gawin kahit nakapikit siya, which is also a fact na kaya niyang gawin iyon marahil memoryado na niya ang chords nito at mga tunog na katumbas ng bawat strings.
Busy lang akong tinitignan siya sa pagtugtog ng may napansin ako. Pakiramdam ko may nag iba. Nanibago ako sa nafefeel ko sa kanya, parang ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya pala lalo na pagtumutugtog siya ng nakayuko sa kanyang gitara. Ang amo ng mukha niya at ang seryoso. Para bang biglang nawala ang mga tao sa paligid ko. At sinabayan pa ng kanta na tinutugtog niya, parang nagslow-mo sa moment na yun. It was like the song he plays was meant for me, so sincere. Yung parang may changes na nangyayari sa paligid ninyong dalawa . Sa ihip ng hangin, sa mga galaw, it was like something's different. Tuloy pa rin ang kanyang pagtugtog nang bigla niyang inangat ang kanyang ulo at nagtagpo ang aming mga mata for a few seconds, at iniwas ko din kaagad ang aking tingin at itinuon sa mga kamay niya at sa guitar. Sheeems! I feel so nervous and embarrassed at that moment of time. Naramdaman niya siguro na tumitingin ako sa kanya kaya ayun, bisto! Shoot feeling ko namumula ako. Ayoko ng ganitong feeling.
BINABASA MO ANG
Waiting for You
Krótkie OpowiadaniaA story of a student who made a guy wait for her 'yes'. Is she going to say it? Or is she going to make the guy wait forever? Is he going to wait? Or is he going to leave her? Jamella is the typical, happy go-lucky girl. She's a certified NBSB (No...