Part 1

365 9 15
  • Dedicated kay Kc Legaspi
                                    

N Nandito naman kami sa school at hindi na ako magtataka na mahaba na naman ang pila sa kadahilanang ngayon ang enrollement. Malapit ng matapos ang bakasyon at alam kong maraming lumulubo ngayong bakasyon, in other word, tumataba. Napahagikhik ako sa aking iniisip, mabuti pa ako, sexy pa rin. Well, wala ng magagawa pa, nasa vocabulary ko ang self-support. Itinuon ko na lang ang aking pansin sa paligid, mabuti na lang kabisado ko na ang mga pasikot-sikot dito, 'di katulad noon na nagtatanong pa ako. Transferee kasi ako last year kaya halatang wala akong alam sa paaralan na ito.
Tiningnan ko ang folder na hawak-hawak, may kalakip na pangalan ang folder na ito,  Aquamarine Blue C. Tres, hindi uno, dos o quatro kun'di ay Tres. Hindi lupa, apoy o hangin kun'di tubig, Aqua. Hindi Yellow, White, Red kun'di Blue. Labing-anim na taong gulang, NO BOYFRIEND SINCE BIRTH pero may CRUSH SINCE GRADE ONE, naninirahan sa Barangay 177, Cielito Homes, Caloocan City at mag-fo-fourth year student, ang pinakahihintay ng lahat.
"Tubig!" Nilingon ko ang isa sa mga matalik kong kaibigan na tumatawag sa akin at nag-iisang tumatawag sa akin ng Tubig. Itatago na lang natin siya sa pangalang Ritz, in her word, pronounce as Riz daw, silent T. Siya rin iyong tipo na hindi gaanong malapit sa mga tao kaya noong unang pagkakilala namin, hindi ko alam kung paano pero nagsimula iyon sa pag-pa-pa-bluetooth ng kantang Heartattack. Siya rin yung tipo ng babae na masungit, sensitive at mataray pero pag nakilala siya ng lubusan, siya yung bestfriend na mapagmahal, mapag-aruga, in short kapatid ko na, hindi man sa dugo pero sa puso namin, magkapatid kami. Ang hindi alam ng mga tao sa paligid namin, may kabaliwan din kaming nalalaman.
I flip my hair and face my gandumber bestfriend este bestfriend lang pala, ako kasi yung gandumb, ganda at dumb. "Wow, ha? Ang ganda-ganda ng pangalang Aquamarine tapos tatawagin mo lang ako ng Tubig? Nasaan ang hustisya!" Irap ko sa kanya.
"Ay sus! May nalalaman ka pang ganyan ah." saad nito habang tumatawa. Inirapan ko lang ulit siya kahit sumasakit na ang leeg ko sa kaka-irap, wala na akong magagawa, c-n-areer ko na ang pag-iirap, "Oh, ano? May 1x1 pictures ka na ba?"
"Meron na!" pasigaw kong sagot at humarap na ako sa kanya, sa isang taong pagiging kaibigan namin, sanay na siya sa kabaliwan ko dahil siya ang pumapangalawa at ako ang nangunguna, "Oh my Gee... ang taba-taba mo na, marsh!"
"Che! Eh, pa'no ba? Masarap kumain eh tsaka hindi iyon mapipigilan lalo na't maraming pagkaing nakahain sa bahay." Pagtatanggol niya sa kanyang sarili.
Napa-ismid na lqng ako sa sagot niya, "Sabihin mo, matakaw ka lang talaga. Don't worry, marsh, truth hurts naman kasi... kaya pag sinasabihan akong maganda, nasasaktan ako kasi truth hurts nga, 'di ba?"
"Ow? Kumain ka ba ng umagahan, marsh?" nakataas-kilay niyang tanong.
"Oo, kaso konti lang. Bakit, ililibre mo ba ako?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
Alam na natin na sa panahon ngayon, mas gusto pa nating marinig ang salitang Ililibre kita kaysa salitang Mahal kita? Sa kadahilanang, pag sinabihan mo ang isang tao ng Mahal kita, madali lang sabihin iyan, panloloko kumbaga ng mga manloloko pero yung salitang Ililibre kita, walang manloloko dahil pag ikaw ay nanloko at ginamit mo ang salitang Ililibre Kita 'di ka talaga tatantanan niyan hangga't hindi mo siya nalilibre. Oh, ano, Ililibre kita o Mahal kita? Iyang Mahal kita para sa akin ay sa mga magulang, mga kapatid, sa aking pamilya at mga kaibigan, hindi magka-ibigan. May tamang oras para sabihin ang salitang Mahal kita sa isang tao.
"Hindi, asa ka... kaya ka pala ganyan kasi gutom ka na, i-kain na lang natin iyan mamaya ha? Halika na, pumila na tayo at kumuha ng ERF." Saad nito at hinila ako sa pumipilang estudyante. Hindi na ako makapag-react dahil may kalakasan din itong babae na ito sa paghila.
"Ano yung ERF?" Tanong ko habang nilalabas sa bag ang original na card ko at dalawang xerox no'n.
"ERF? Ah... hindi ko alam eh." Napakamot siya sa ulong nakatingin sa akin.
Napakunot-noo akong nakatingin sa itaas, nagbabasakaling masagot ang katanungan na nasa isip ko, "ERF... dapat english. Hmm, Education?"
"Rights?"
"Form! ERF." Hindi namin maiwasang matawa sa tinuran namin, "Nakaka-athar naman iyon, hindi natin alam." isang tugon ng mabuting kaibigan, hayun, tinawanan niya lang ako.
"Eh, h'wag mo nang alamin sakit sa ulo lang iyon."
"Tama! Sige na, itulak mo iyang nasa harapan mo para matapos na tayo dito- Aray!" Pinalo ba naman ako ng magaling na babaeng 'to.
"Ang bad-bad mo talaga!"
"Gano'n? So ako lang? Tapos ikaw, good-good?" Hinampas lang ako ng hawak niyang folder at binilatan.
"Rowena ng Rhodora X ang peg? Tutal, bagay sa'yo... joke!" Agad niya itong binawi ng pinang-ningkitan ko siya ng mga mata. "Che! Pasalamat- Oh my Gee! Tubig este Aqua, ang gwapo no'ng SG na iyon oh!"
"Saan?" Tanong ko habang tinitingnan din ang tinitingnan niya pero lahat ng lalaking officer ay nakatalikod kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Si Jayzel? Siya na ba ang gwapo sa paningin mo ngayon? Akala ko ba, ang mga korean ang gwapo sa mga mata mo?" nakakunot-noo kong tanong.
"Hindi! Ayun oh! Yung may pangalan na James sa likod, 4th year representative siya. 'Kita mo na?" nakangiti niyang tanong. Isang himala ang nangyayari ngayon, buong buhay niyan, sa mga koreano iyan nababaliw, siya ang nangunguna, ako ang pumapangalawa.
Napatango-tango lang ako, "Okay lang din, may mukha." Nagkibit-balikat lang akong nakatunghay sa kanya.
"Ito naman, gwapo naman siya ah? Tsaka malay mo, may makita pa tayong gwapo na SG. Sila kasi yung nag-le-lead ng mga mag-e-enroll."
"Aba ang tindi naman! Daming nating alam ah?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang marahan ko siyang tinulak gamit ang aking bewang.
"Well, bestfriend ko na kasi si Facebook kaya hayun binigyan niya ako ng information." Natatawang saad niya.
"Naks! Eh ako nga, mag-o-one month na akong hindi nag-f-facebook. Masarap kasing matulog eh."
"Eh 'di matulog ka na lang, h'wag ka ng gumising. Joke!" Naka-peace sign pa siya. Nakalimutan kong may saltik pala ito sa ulo, note sarcasm here. Hindi ko alam kung nag-j-joke ba 'tong babae na 'to. Bago pa kasi kami naging magkaibigan, seryoso siya masyado sa buhay at ngayon lang siya nagkaroon ng kabaliwan sa buhay nang makilala niya ako. Sino ba naman ang hindi mahawa sa kabaliwan ko... araw-araw ba naman kaming magkasama.
"Sige na lang. Oh, ikaw na ang susunod." saad ko at mahina siya tinulak.


#AbaMatinde no? xD Malalaman nyo pa kung ano ang mga kalandian nya. :D 

VOTE and COMMENT! 

Puppy Love (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon