Part 2

215 9 6
                                    


"Step one, check. Step two, check. Step three, check. Next ay Step 4... Nutritional Status!" nakangiti kong saad at nilingon si Ritz na nasa tabi ko na, "Naku, marsh, sino kaya ang mas mabigat sa atin?" tudyo ko sa kanya.
"Heh! Porket, pumayat eh."
"Hindi ah." Pagpapa-kipot kong saad. "Ganyan talaga ang magaganda-hep! Period. No erase." mabilis kong dugtong para hindi na siya makapag-react.
"Sige na lang. Ako na ang ma-u-una ah?" pag papaalam niya at pumila na sa harapan ko.
"May sakit ka po ba? Asthma? Sakit sa puso? Sa mata? Wala? Good."
Ano iyon? Ang lalim naman ng boses... lalaking-lalaki. Yung pang-Elvis Presley ang dating. Maganda ang boses malamang gwapo rin 'to.
"Next!"
"Oh, marsh, ako na pala."
"Hindi... gusto mo ako na lang?" nakataas-kilay kong tanong. Tingnan mo nga naman, gandumber nga.
"'Yoko nga!" Binelatan pa ako ng bruha. Hahablutin ko sana ang buhok niya pero mabilis siyang naka-iwas sa akin precious na kamay.
"Pakitanggal lang po lahat ng gamit niyo sa bulsa at ng bag para sa weighing."
Ang ganda talaga ng boses niya kaso hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito. Hindi ko maiwasang tingnan at basahin ang nakasulat sa likod ng suot-suot niyang polo-shirt, President pala siya at ang pangalan ay Ice. Wow! Bagay kami, Tubig at Yelo. Napakunot ang noo ko, coincedence ba ito?
"Hola, Dora!" Nilingon ko ang nagsalita. Si Steven lang pala, isang SG din at isa sa mga ka-close ko, "Hola, Boots!" at binelatan ko siya. "Akala mo, ikaw lang?" Hindi ko pa naman kamukha si Dora, hanggang kili-kili yung haba ng buhok ko at may bangs ako na katulad kay Dora pero hindi ko pa kamukha si Dora.
"Miss, ikaw na po ang susunod." Nilingon ko yung pinanggalingan ng malalim na boses. Pagkalingon ko... narinig ko kaagad ang tunog ng slot machine na naka-jackpot. Napahigit ako ng hininga ng pinag-aralan ko ang features ng kanyang mukha. Maitim na tsokolateng mga mata, mahahabang pilik-mata na talo pa ang sa babae, may pagka-mapulang mga labi, maitim na buhok at higit sa lahat may pagkamatangos na ilong. Sa nakikita ko, walang halong ibang lahi sa kanya dahil halatang Pilipino talaga.
Hindi ko namalayang tinatawag niya pala ako, "Miss, okay ka lang?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at sinusuri kong may problema ba sa akin. Actually, yung puso ko... ang bilis ng pagtibok. Hashtag, landipamore.
"H-huh? Ah, okay lang po. Ano po ba yung susuno- Ah!" wala sa oras na napatili ako na nakapikit habang hinihintay ang pagtama ng pang-upo ko sa sahig. Ikaw ba namang madulas pagtapak mo sa Weighing Scale, may pagkatanga rin ako ngayon.
Bumilang ako ng 2 seconds, 4 and a half seconds, 5 seconds pero wala akong nararamdamang sakit sa aking likuran, matigas na mabango, oo. Iminulat ko na ang aking mga mata at nakitang nakayakap siya sa akin, h'wag feeler sinalo lang pala niya ako.
"Okay ka lang, Miss?" bakas sa pagmumukha niya ang pag-aalala.
Namumulang tumayo ako at inayos ang sarili, mabuti na lang at walang nakapansin sa nangyari. "S-Salamat."
Tumango lang siya at mabilis kaagad akong pumatong sa weighing scale. "40 kg po."
Hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin, "Ang gaan ko pala." I shrugged and I heard him chuckled. Sumandal na kaagad ako sa pader na may measuring tape na nakadikit para sa Height.
"148 meters po, Miss."
Napabusangot ako sa resulta, "Hindi man lang akong tumangkad?" tanong ko sa aking sarili.
"Tatangkad ka rin." Sagot niya sa tanong ko. "May sakit ka po ba? Asthma? Sa puso? Mata?"
"Sakit? Wala po pero ngayon, meron na." Nakangiti kong sagot sa kanya. Paminsan-minsan lang naman 'to. Hindi naman siguro kami magiging kaklase.
"Ha?" nalilito niyang tanong.
"Sa puso, kasi ang bilis ng tibok nito nang nakita kita at sa mata dahil na-crush at first sight yata ako sa'yo." pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis kong kinuha yung form at tumakbo na papuntang Section 5. Sana naman ay hindi ko na siya ulit makita. Pero malabo iyon, sa liit ba naman ng mundo.
Walang lingon-lingong tinakbo ko ang Section 5 na kung saan ay Sectioning Area. Nakita ko kaagad si Ritz na naghihintay sa akin.
"Marsh, tagal mo ah?" nagtatakang tanong niya sa akin ng nakalapit na ako sa kanya.
"Basta! Kwento ko sa'yo mamaya." nakangiti kong sagot sa tanong niya.
"Okay." Pumila na kami hangga't natapos na namin ang ke haba-habang pila.

"Ano section mo, marsh?" tanong ko sa kanya habang umaalis sa nag-g-gitgitang mga estyudante. P-n-ost na kasi yung mga seksyon na kung saan kami ilalagay at sana hindi ko magiging kaklase si Ice.
"Nasa Benin ako. Ikaw?"
Napasimangot ako sa sagot niya, "Hindi tayo classmate, marsh. Nasa Botswana ako eh!" pagmamaktol ko. Ayoko sa lahat ay iyong nahihiwalay kami, sino na ang aasarin ko pag tinotopak ako ng pang-aasar?
"'Yaan mo na... classmate ko si James!" kinikilig na saad niya habang nakatingin sa itaas na parang may iniisip.
"Wow... hindi halatang masaya ka ah? Happy, marsh? Happy?"
Itinigil niya muna ang kanyang ginagawa ang nakabusangot na nakatingin sa akin, "Hay naku... h'wag ka ngang bitter. Malay mo, kaklase mo si Yelo, yung Ice Ice baby. Oh, 'di ba, pag na-i-init-an ang mga kaklase mo, i-combine niyo lang ang pangalan niyo, then boom! May malamig na silang tubig!" Saad niya at malakas na tumatawang nakatingin sa akin. Muntik ko ng damputin ang suot-suot kong sandal at ibato sa kanya, mabuti na lang at napigilan ko pa. "At hoy... hindi mo pa ki-nu-kwento sa akin, hanggang pangalan ka lang eh."
"Hindi halatang masaya ka masyado at excited, marsh. Mamaya nga, i-kwe-kwento ko sa iyo."
Tumigil na siya sa kakatawa at tumingin sa akin, "Ano ba ang pinag-da-drama mo diyan?"
Napanguso ako sa tanong niya, "Sino na lang ang aasarin ko? Magkakahiwalay na tayo, marsh eh."
"Oh, iyak ka na, ito ang tissue." inabit niya sa akin ang tissue na ginamit na niya.
"Isa!"
"Dalawa!" She mocked.
"Marsh, naman eh!"
Napagbuntong-hininga na lang siya, "Ang dumb mo naman, marsh. Try mo kayang alamin ang room natin. Hello? Magkatabi lang ang rooms natin, pader lang ang pagitan. Kung hindi pa iyan sapat sa iyo,magkalapit lang ang mga pintuan natin."
"Ang dumb mo rin!"
"Ikaw ang mas dumb!"
"Ikaw!"
"Ikaw!"
"Oh, ano, ano ang gusto mo, away o gulo?"
"Wala. Tigil-tigilan mo ako, marsh."
Napagbuntong-hininga na lang ako, "Pa'no naman ako? Wala akong kakilala at kasama." Nakanguso kong sagot.
"Don't worry... I'm here. Hindi ba may sakit ka, gusto mo, gamutin ko?"
Hindi ko na nilingon yung nagsalita dahil alam ko na kung sino iyon. Napangiwi akong nakatingin kay Ritz na nakatingin sa taong nasa likuran ko.
"Oh, ayan naman pala, may kakilala ka pala tapos hindi mo man lang sinasabi sa akin." nagtatampong saad niya sa akin.
"Sabi ko naman sa iyo 'di ba na mamaya ko i-kwe-kwento."
Napatango-tango siyang nakatingin sa akin, "Okay, mamaya ha? H'wag mong kalimutan." pagbabanta niya sa akin habang pinagtitirikan ako ng mga mata.
Hinarap ko ang tao na nasa aking likuran at alanganing ngumiti. "H-Hi..." Muntik ko bg idugtong ang pangalan niya, mabuti na lang at napigilan ko. Baka pag nabanggit ko ang pangalan niya, baka akalain na stalker ako. Kakaibang feeling naman iyon, ni hindi pa nga kami friends sa facebook.
"Ako pala si Ice Drake De Leon." pagpapakilala nito habang inilahad ang kanang kamay.
Marahan akong siniko ni Ritz na nasa gilid ko nang makita niyang nakatunganga lang ako, "I-I'm Aqua." tinanggap ko kaagad ang nakalahad niyang kamay at agad itong binitawan.
"Aqua. Nice name... nice to meet you, Aqua." nakangiting saad nito.
"The pleasure is mine, I-Ice." hindi ko alam kung bakit ako nauutal.
Inalis ko ang atensiyon kay Ice nang maramdaman ko ang marahang tapik mula sa aking tagiliran, "Ipakilala mo naman ako, marsh." mahinang bulong sa akin ni Ritz.
"Sorry, nakalimutan ko." ganting-bulong ko sa kanya at ibinalik ang tuon ko kay Ice, "Ice, si Ritz pala, my gandumber bestfriend." Napahagikhik ako ng nakita ko ang mukha ni Ritz nang pinakilala ko siya kay Ice.
Napailing na lang si Ice sa sinabi ko, "I'm Ice." ginaya niya lang ang ginawa niya sa akin kanina.
"I'm Ritz, pronounce as Riz, silent T."
"Okay..." ngumiti lang siya at ilang saglit din bago niya binasag ang katahimikan, "So pwede ba kitang makatabi sa pasukan? Kung okay lang naman sa iyo, hindi naman ako namimilit kung gusto mong sa iba ka tumabi. Sa gitna kasi ako pu-me-pwesto baka hindi mo gusto roon at sa harapan mo gustong umupo, pwede naman ako lumipat. Kasi maganda pag nasa gitna ka, nandoon naka-pwesto minsan ang ceiling fan, baka ma-init-an ka sa gitna ng klase kaya iyon ang suhestiyon ko." he rambled on. Napanganga na lang kami ni Ritz sa sinabi niya. Ngayon lang ako nakasalamuha ng lalaking dada ng dada, meron naman akong kakilalang lalaki na madaldal, katulad ni Jayzel pero hindi katulad niya na patuloy lang sa pagsasalita.
"Sagutin mo ako ng totoo, nag-t-tounge twister ka, ano?" muntik ko ng mabatukan si Ritz ng tinanong niya ang bagay na iyon.
Nahihiyang napakamot na lang si Ice ng batok, "Oo eh."
"Ikaw ba yung champion last year sa contest na Let's do the tounge twister?"
"Opo."
"Kaya pala eh, halatang-hala-" hindi ko na hinayaang matapos ang sasabihin ni Ritz at tinakpan ko na ang bibig niya.
"Well... congrats pala roon, Ice," Ningitian ko siya at inalis ko na ang kamay ko sa kakatakip ng bibig ni Ritz, "Sure, payag ako. Mas gusto ko rin sa gitna naka-upo eh."
Nang sinabi ko iyon ay lumiwanag ang kanyang mukha, "Really? Well, that's nice. See you na lang pasukan."
"Sige," ngumiti lang ako sa kanya, "Aalis na kami, bye."
"Bye, ingat kayo." Ginantihan din niya kami ng ngiti. Hindi na ako nagsalita pa at hinila ko na si Ritz papunta sa Exit.
"Naks, naman, marsh. May lovelife ka na, lakas maka-high school life ah." panunuksosa akin ni Ritz habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
"Ano ka ba, hanggang crush lang ito, ano."
"Talaga lang ha?" nakangiti pa rin itong nakatingin sa akin. Napilining na lang ako sa kakulitan namin.
"Well, let's see."

DONE! Vote and Comment po. Add me on Facebook tapos PM nyo ko na reader ko kayo. Di kasi ako nag-a-add eh kasi Real Account ko yun\, not a dummy one. :)

Gusto nyo bang gawan ko 'tong ng sequel? Just comment YES or NO and WHY. ^.^

FOLLOW me!

13vienna

PS: Marami po akong completed na, na stories. Just go to my profile. :) Godbless! :*

FYI: This is a real story. At yang lalaki nay an ay napaka-bitter sa akin. Kahit sa group ng section namin di ako in-add kahit friends kami. -_- Kakaathar naman. At kung mababasa man nya ito, wala akong pake! -_- 

Puppy Love (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon