4- Cool Off

6.1K 103 0
                                    

"Nakuuh! Sabi ko na nga ba. Talaga yung mga lalake na yan, mga manloloko talaga sila!" malakas na pagkakasabi ni Dianna sabay balibag ng hawak na libro sa mesa, dahilan para magkaroon ng ingay sa library. Hindi tuloy maiwasang tignan sila ng mga iba pang mga estudyanteng naruroon

"SHHHHHHHH!" suway ng Librarian kay Dianna.

Nasa library sina Kaycee, Ynah, at Dianna. Naghahanap sila ng pwedeng maging topic para sa kanilang magiging Research paper sa subject ni Sir. Raymond.

"Oh ayan, ang ingay mo kasi. Sinaway ka tuloy." Sabi ni Ynah.

"Pero mga Sis, ok nang malaman ko ng maaga keysa mas lalo akong masaktan." Malungkot na sabi ni Kaycee sa mga kaibigan.

"Kaya pala naging matamlay ka noong mga nakaraang araw. Hayaan mo na si Adrian. He does't deserve your love." – Ynah.

"Oo nga tama. Hindi karapat dapat ang lalakeng yun para sa iyo. Hindi tama na lokohin ka nalang nya ng harap-harapan. Naku Kaycee, kung ako sa iyo, hindi lang sampal ang inabot nya sakin. Lulunorin ko sya sa boobs ko nang mamatay na sya! Mmmmmmmm! Mga lalake talaga!"

Napatingin si Ynah sa dibdib ni Dianna. "Wow, nakakapatay din pala yan ah."

"Hahayaan ko nalang siya sa gusto nya. Oo masakit ang ginawa nya sakin. Nakakapang hinayang ang naging tatlong taon na relasyon namin," wika ni Kaycee habang nagbubuklat ng libro pero hindi sa binabasa nya ang kanyang iniisip.

"Oo Kaycee naiintindihan ka namin, mahirap nga rin yun. Ang mahalaga ay nalaman mo na ang pwede nyang gawin. Huwag mong hintayin na after 3 years and more, lokohin ka niya ulit. Isipin mo, ano pa kaya ang magagawa ni Adrian oras na maging mag-asawa na kayo, diba. Saka ang alam ko, hindi lang ito ang unang pagkakataon na niloko ka nya. Papayag ka ba na paulit-ulit nalang yang nararamdaman mo?" payo ni Ynah kay Kaycee.

"Kaya lam nyo, ganyan din ang nararamdaman ko noon. Sawa na ako mag-mahal sa mga lalake."

"So..... ngayon kapwa babae na ang naging karelasyon mo?" tanong ni Ynah.

"Eh wala naman masama dun. Saka close naman kami ni Katrina eh."

Inayus ni Ynah ang salamin sa mata. "Siguro nga Dianna, dahil all girls school ang iskwelahan natin. Kaya ngayon pumatol ka na sa kapwa mo babae.

Agad naman pinagtanggol ni Dianna ang kanyang sarili. "Eh bakit ikaw Ynah, hanggang ngayon wala ka paring love life. Napaka pihikan mo kasi at wala rin namang lalake ang nagkakagusto sa iyo." Sabay tumawa ng mahina.

"Wala akong panahon para sa mga pag-ibig na yan. Ok na saken kung magiging single ako forever. Saka uunahin ko muna ang pag-aaral kasi ayun naman talaga ang mas mahalaga. Saka nalang yang pag-boboyfriend. Baka maisturbo lamang ako nyan sa studies ko. Ang motto ko, study 1st than love" wika ni Ynah.

"Hahaha naku baka tumanda ka nga talaga ng dalaga dahil sa sobra mong subsob sa pag-aaral" – Dianna.

"Kaya Kaycee. Makinig ka sa motto ko... Study 1st before love." wika ni Ynah.

Huminga ng malalim si Kaycee. "Noon hindi naman ganun si Adrian. Nakakalungkot na maghihiwalay kami. Syempre kahit papaano ay nagkaroon kami ng mabuting pag sasama. Kahit na ganun na niloko niya ako."

"Sa bagay. Kasi naman may ichura rin si Adrian at ang gwapo-gwapo pa. Hay Kaycee, akin nalang kaya yung boyfriend mo. Wala naman na kayo diba."

"Uy Dianna, ano ka ba. Ang landi mo naman!" – Ynah.

Tumingin si Kaycee sa dalawa niyang kaibigan. "Pero may nararamdaman parin ako kay Adrian. Ano kaya kung papatawarin ko pa sya."

"WHAAAAAT!" pasigaw ni Ynah sabay balibag ng hawak na libro sa mesa, dahilan para magkaroon ng ingay sa buong paligid.

"SHHHHHHHHHHHHHH!" saway ulit ng Librarian. "Ano ba ang ingay nyo. Bawal mag-ingay rito. Nasa library kayo!"

"Hmmmmmmph!, ang taray naman ng matandang librarian natin," bulong ni Ynah.

"Hayaan nyo na, tumatanda na kasing dalaga kaya nagkaganyan. Hindi lang mataray, napaka sungit pa." – Dianna.

"Mabuti pa ay ipagpatuloy nalang natin ang paghahanap ng kwento para sa gagawin nating research." Sabi ni Kaycee.

Nagpatuloy ang tatlo sa pagbubuklat ng mga librio nang biglang........

"KKKKKKKKRRRRRRNG! KKKKKKKRRRRNG! KKKRNG!" malakas na tunog ng isang cellphone.

Nataranta si Dianna habang hinahanap ang kanyang cellphone. Nang mahanap nya ito ay agad nyang sinagot ang tawag............ "Hellow?....Ay Honey ko! Bakit ka bigla napatawag? Miss mo na ba ako?"

"ANO BAH!" sigaw ng galit na galit na Librarian sabay balibag ng hawak na libro sa mesa, dahilan para magkaroon ng ingay sa buong paligid.

Sabay naman napalingon ang tatlo.

"Kung Mag-iingay lang kayo rito, roon nalang kayo sa labas. Nakaka isturbo na talaga kayo rito."

#

MATUTULOG NA SANA SI KAYCEE SA KANYANG KWARTO. Kanina pa kasi tumutunog ang kanyang cellphone pero hindi nya ito sinasagot alam kasi niyang si Adrian ang tumatawag. Hindi na mabilang ang mga miss-calls. Pinapakinggan lang ni Kaycee ang ringtone na dating theme-song nila ni Adrian noong sila pa.

There's a lover's moon tonight

As I look back over my shoulder

All the stars are shining bright

Just like the nights when I used to hold her

She's out there somewhere under the lover's moon

Lover's moon, won't you shine on me?

I'm dancing with a memory

I wish I may, I wish I might.

Nagdadalawang isip sya kung sasagutin ba ang tawag. Mabilis na kinuha ni Kaycee ang kanyang cellphone ngunit nang mahawakan na nya ito ay huminto na ang tawag. Pero nag-iwan ito ng isang Text. Binasa ni Kaycee ang mahabang mensahe.

"Kaycee, sana mapatawad mo ako. Sorry if hindi ko agad nasabi sa iyo ang tungkol kay Sarah. Ang tungkol sa namamagitan saamin. Patawad ulit kung nasaktan kita. Sana maintindihan mo ako. Hindi na kita nakakausap at palagi ka nang abala sa school. Nalulungkot ako na hindi na kita nakaka-usap. Pakiramdam ko ay wala ka nang oras para sakin kaya nakilala ko si Sarah at naging kami. Pero ngayon Kaycee, wala na kami. Maniwala ka. Na realize ko, ikaw parin ang mahal ko. Di ko kaya na mawala ka saken. Sana mapatawad mo ako."

Pumatak ang masaganang luha ni Kaycee habang binabasa ang mensahe. Nag-reply din sya kay Adrian.......

"Adrian, kahit di mo sabihin ay matagal ko nang alam ang tungkol sa inyo ni Sarah. Wala akong idea para gawin mo saakin yun. Pero ang alam ko, wala akong naging pagkukulang sa iyo. Napakasakit ng ginawa mo. Hindi madali para saken ang patawarin kita kaagad. Pero aaminin ko, nanghihinayang ako para saating dalawa. Oo Adrian, may natitira pa akong pagmamahal sa iyo pero hindi ibig-sabihin nun ay maayus na ulit tayo. Hayaan mo ako. Hahayaan narin kita. Ngayon, cool off na muna tayong dalawa. Magkanya-kanya na muna tayo Adrian, para malaman natin kung tayo ba talaga sa isat-isa sana maging masaya ka."

Pagkatapus mag-text ni Kaycee ay agad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Ayaw na niyang mabasa pa ang susunod na sasabihin ni Adrian. Lumuha ng matagal ang dalaga. Luha na hanggang sa naging iyak. Pinangako ni Kaycee sa kanyang sarili na ayun na ang huli nyang pag-iyak.

Have one last chance to hold her tight

Waiting, I know she's waiting

I know she waits for me under the lover's moon.

There's a lover's moon tonight

Shining down on half of this world

So many souls are in it's light

But for me there is just one girl

And she's waiting, I know she's waiting

I know she waits for me under the lover's moon.

In loving Memory Of Maria Elena GarchitorenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon