17- Ang Bawal Na Pag-ibig

3.1K 46 0
                                    

Hingal na hingal at pawis na pawis si Señorita Elena nang marating niya ang nag-iisang puno ng manga sa ituktok ng burol. Ayun na ang pinakadulong bahagi ng Hasyenda Magdalena. Malayo narin iyon sa mismong mansyon ngunit ayun ang palaging punupuntahan niya sa tuwing tinakatakasan niya si Yaya Martha. Paboritong lugar iyon ni Elena dahil doon ang naging lihim na tagpuan nila ni Fidel. Mataas ang nasabing lugar kaya naman kitang kita mula roon ang mga malilit na bahay sa bayan ng Camarines-sur.

"Fidel!?.....Fidel!?.... asan ka?" tumingin-tingin si Elena sa buong paligid. Inikot na niya ang puno ng manga roon ngunit hindi niya mahagilap si Fidel. Unti-unting nalungkot ang kanyang mukha. Napaupo nalamang ang Señorita sa paanan ng puno

Tumingala si Bagani. "AWW! AW! AW! AW!" malakas na tahol nito nang makita ng aso kung sino ba ang nasa itaas ng puno. Si Fidel.

Tinataguan lamang pala ng binata si Elena.

Winawasiwas pa ng aso ang kanyang bundot nang makita si Fidel na nakaupo pa sa malaking sanga.

Tumawa si Fidel at mula sa mataas na puno ay lumundag ito mula sa harapan ng dalaga. Hindi tulad ng pananamit ni Elena ay mahahalatang madumi at gusgusin lamang ang kanyang damit. Maghapun kasi sya sa bukid para magtrabaho. Mapapansin ito sa kulay ng kanyang balat na nababad sa init ng arawan. Dahil lumaki ito sa trabaho, naging batak na ang kanyang matipunong pangangatawan gawa na nagpadagdag ng kanyang kagisigan at kagwapohan.

Doon ay nagkaroon na ng ngiti sa mga labi ni Elena nang makaharap na niya ang lalakeng kanyang inaasam. Sa sobrang kasabikan ng dalaga ay mahigpit niyang niyakap si Fidel. Kulang nalang ay umiyal ito dahil sa sobrang kaligayahan. Halos tatlong linggo narin noong huli silang magkita.

"Masaya ako, sa wakas ay nakita na kita. Mababaliw ako sa mansyon pag hindi kita makita." Nginginig na wika ni Elena. Mahigpit parin ang kanyang pagkakayakap.

Natigilan si Fidel. Tinignan niya ang mga mata ni Elena na nang mga sandaling iyon ay tila handa nang maglabas ng luha. Niyakap narin niya ng mahigpit ang dalaga bilang ganti.

#

Kababata ni Señorita Elena si Fidel. Matagal na silang magkakilala. Simula mga musmus palamang ay madalas na silang makasama. Si Fidel lang ang palaging kalaro ni Elena noong mga bata palamang sila. Noon palang ay gawain na ng Señorita ang tumakas sa kanilang mansyon upang makipag laro kay Fidel. Kilalang-kilala halos nila ang isat-isa. si Fidel lamang ang nakaka-usap ni Elena. Para kay Elena, nababawasan ang kanyang lungkot dahil sa Fidel.

Dumating ang maraming taon nagdalaga at nagbinata sila. Dito ay mas naging malalim ang kanilang pagkakaibigan. Hindi nila naiwasang magkaruon ng espesyal na damdamin. Hindi lang sa pagiging matalik na magkaibigan, kundi sa hindi na nila sinasadya na magmahalan.

Sa madaling salita ay naging magkasintahan sila Fidel at Elena. Masaya na sana ang naging samahan nila ngunit hindi lahat ng nagmamahalan ay binibigyan ng tamang pagkakataon. May humahadlang sa pag-iibigan nila ni Fidel.

Hindi naging sang-ayon ang mga magulang ni Elena tungkol sa kanilang relasyon. Tutol dito sila Don Alfredo at si Doña Cristina. Kaya noong magdalaga si Elena ay mas lalong naging mahigpit si Don Alfredo. Halos ikulong na nito ang sariling anak sa malawak at napakagandang mansyon. Huwag lamang magkita ang dalawa. Para kasi kay Don Alfredo ay hindi siya makakapayag na mapunta lamang si Elena sa walang pinag-aralan at dukha na tulad lamang ni Fidel.

Hanggat maari ay kailangan nilang ilihim ito.

Galing sa mahirap na pamilya si Fidel. Sila ang manggagawa lamang doon mismo sa Hasyenda Magdalena. Ang malawak na lupain ng mga Hernandez.

#

Nagtungo ang makasintahan sa isang liblib na lugar sa gubat kung saan ay sila lamang ang mismong tao at walang makakakita sa kanila. Naging masukal ang lugar na iyon dahil sa mga malalagong halaman at nagtataasang mga puno. Doon ay may maingay na talon na umaagos at nagbibigay ng buhay sa ilog kaya naman naging malamig ang hangin sa lugar na iyon. Tanging ingay lamang mula sa mataas na talon ang maririnig sa lugar.

In loving Memory Of Maria Elena GarchitorenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon