07

587 12 3
                                    

Nang matapos sila kumain, pumunta na agad sila sa kwarto ng ama.Paglabas nila ng elevator may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

“Baek ..”

Napatingin sya kay chanyeol na lumingon sa likuran nya. Naaninag nya dito na para bang nagdilim ang mukha nito.

“Kamusta ka na?” Tanong ulit sa kanya ng tinig.

Noon lamang sya lumingon sa kanyang likuran.Nakita nya ang may-ari ng pamilyar ng boses.

“Sehun !” nanlaki ang mga mata nya.Lumapit sya dito at sabi “Mabuti naman, ikaw kamusta ka na?” naeexcite nyang sagot.

Nang mga oras na iyon, hindi ex-boyfriend ang tingin nya dito, kundi isang kaibigan matagal ng nawala.Nawala na din ang galit nya sa panloloko sa kanya nito.Sa totoo lang hindi naman totoong minahal niya ang lalaki kaya siguro napakadali nyang limutin  ang lahat. Napansin nyang biglang lumungkot ang mukha nito.

“May problema ba,Sehun?”

“I’m sorry,” Sabi nito sa kanya

Ngumiti sya. “Forgiven.”

Tumingin ito sa kanya .” Alam mo na?”

“ Na ano? Na may pamilya ka na? Yes.”

Matagal sya nito tinitigan at maya maya pa ay nakita nyang ngumiti rin ito sa kanya.

“Is he the man?” tanong nito.

Nawala ang ngiti nya sa tanong na iyon.Nilingon nya ang kinatatayuan ng lalaki ngunit wala na doon. Siguro ay nauna na pumunta sa kwarto ng papa nya.

“Yes and No.”Sagot nya kay Sehun. “No, dahil wala naman kami relasyon as lovers, and yes, because he’s the only man whom I love.”

Ngumiti ito sa sinabi nya.” Masaya ako at narinig ko yan sayo, atleast ngayon magaan na ang loob ko.Nung sinabi mo sa akin nung araw na iyon na may boyfriend ka nang bago,hindi galit ang naramdaman ko kundi kasiyahan dahil hindi na ako mahihirapan ipagtapat sa iyo na may pamilya na ako.”

“gagawin mo iyon?”

“sana, nung araw na iyon.Kaya nga pagkatapos noon hindi na kita ginulo.”

Pagkatapos ng mahaba nilang kwentuhan, nagpaalam na sila sa isat isa.Ang sabi nito, naka confine ang anak nito kaya nandoon ito.

___________________________________________________________________________________

“Anong ginagawa ng lalaking iyon dito?” tanong ng lalaki sa kanya pagbalik nya sa kwarto ng ama.Natigilan sya sa tanong nito. Pagkuwan, tumingin sya sa mukha nito na tila mangangain ng tao.

“Andito kasi ang anak --- “

“Sya ba ang katext mo kanina?”

“no.” sagot nya dito

“Mahal mo ba talaga ang papa mo?” tanong sa kanya nito

“of course!”

“Kung ganun, hindi mo naman siguro hahayaang may mangyaring hindi maganda kapag nalaman nyang may communication pa kayo ng Sehun na iyon.”

Gusto sana nyang sabihin na matagal nang hindi sila nagkikita ni sehun at nung araw lang iyon nang muli silang nagkita ngumit narinig nya ang boses ng kanyang ama.

“Baekhyun.. “

Napatingin sya dito. Mabilis nya ito nilapitan.Si Chanyeol naman ay lumabas ng ng kwarto para bigyan ng oras ang mag ama na mag usap ng sila lamang.

“Pa.,”

Mabilis nya ito niyakap.Hindi na nya napigilan ang lumuha.

“Nararamdaman ko nang .. malapit na ako – “

“no papa. Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo.matagal ka pang mabubuhay.” Putol nya dito

“Are you telling me na pumapayag ka na magpakasal kay Chanyeol?”

Hindi sya nakasagot sa tanong ng ama. Paano ba nya sasabihing OO kung hindi naman sya sigurado sa nararamdaman ng lalaki sa kanya.

Ano kaya kung akitin nya ito hanggang sa mapaamin nya ito sa tunay na nararamdaman nito sa kanya.?

 

 

Author’s Note :  short update muna guyssss ! :D  at mukhang matatagalan ako muli bago makapag update. /SORRY//SORRY/ .

Ohhhhh ! Paano kaya aakitin ni Baekhyun si Chanyeol ?? hmmmm ? OMO ! yung naiisip ko is …. D_____O SMUT ?  No no no !!!! :3

Paano nga ba matatakasan ang pag-ibig ? (Baekyeol)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon