11

555 10 1
                                    

Kahit bumaba na sila ng baguio ay nanatili pa ring malaki ang distansya nilang mag-asawa. Sa mga nagdaang araw hindi na takot ang nararmdaman nya dito kundi pagkairita. Mas ginusto pa nitong matulog sa papag kaysa tabihan sya sa kama.At hindi man lang ito nagbubukas ng topic na pwede nilang pag usapan.

Kumusta ang honeymoon? tanong sa kanya ni kyungsoo sa text message nito nang binalita nya ritong bababa na sila ng baguio.Kunwari naman tutok na tutok sya sa kanyang cellphone pero ang gilid ng kanyang mga mata ay na kay chanyeol.

Ang mga mata nito ay nakatutok sa daan na dapat naman talaga ngunit halata sa mukha nito ang galit.Salubong ang mga kilay nito.obvious ang pagka irita nito sa ginagawa nyang pagtetext.

Pagkatapos niyang pagmasdan ang itsura nito ay ibinaling nya sa keypad ang atensyon. kung ayaw mo akong kausapin, eh di wag! nanggigigil nyang naisaloob.

terrific ! sagot nya rito

Hindi naman sya ganun katanga para sabihin dito ang tunay na nangyari. Besides, ang mga ganoong bagay ay dapat manatiling pribado na lamang.

"gusto mo bang kumain muna?"

Napatingin sya rito.Sa wakas ay nagsalita din ito.

"sige kumain na muna tayo" malamig nyang sagot dito.

Hindi na ito kumibo ulit.Ibinaling nalang nito ang sasakyan sa malapit na fast food outlet.

_________________________________________________________________________________________________

Bagot na bagot sya sa malaking bahay ng mga Park sa Pasig. Bigla ay na-miss nya ang kanyang mga magulang, pati na ang kanilang mga katulong na parang machine gun ang bunganga kapag nagsama sama.

Nasaan ba ang kanyang asawa? Tumayo sya mula sa kama at tinungo ang connecting door ng kwartong tinutulugan nito. Bumigat ang pakiramdam nya nang maisip ang sitwasyon nila ng kanyang asawa. Mag asawa sila pero magkahiwalay ang kanilang tulugan.After what happened in Baguio, Hindi na naulit ang pag iisa nila.Tuloy hindi nya malaman kung matutuwa, magagalit, o mapapahiya sya.

Nasisiraan na yata sya ng ulo, dahil hindi na nya malaman kung ano talaga ang gusto nya. Ayaw na nyang maulit ang sakit na naramdaman nya noong honeymoon nila pero ngayon ay nagagalit siya sa kanyang asawa dahil hindi na ito muling nag-attempt na gawin nila iyon at gusto nyang mapahiya dahil feeling nya okay lang dito kahit walang nangyayari sa kanilang mag asawa.

"baek ?.."

Nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid.Bigla nyang isinara ang connecting door ng makita ang kanyang biyenang babae palapit. Ayaw nya ipaalam dito ang kanilang sitwasyon mag asawa.

Sa ngayon ay kasama nila ang magulang nito sa bahay. Ngunit 2weeks from now ay masosolo na nilang mag asawa ang mansiyon dahil babalik na ang mga ito sa states.

"ma .."

"hindi ka ba naiinip na nakakulong lang dito ?"

Isang ngiti ang kanyang isinagot.

"si chanyeol po?"

"Huwag mong sabihing hindi sya nagpaalam sayo?"

Napailing sya." ah. kagigising ko lang po kasi."

"ahhh. siguro naman , alam mong may trabaho na ang asawa mo?"

"oho, " nagulat man sya sa sinabi ng byenan hindi nya pinahalata dito.Sa totoo lang kasi wala naman binabanggit sa kanya ang asawa.Ni ayaw nga syang kausapin nito.Hindi nalang nya tinanong kung ano ang trabaho ng asawa baka ano pa isipin ng byenan.

Paano nga ba matatakasan ang pag-ibig ? (Baekyeol)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon