Kabanata 2

26.7K 656 6
                                    

Xyra POV:

Excited nako pumasok, at syempre gusto ko din makita at maranasan kung anong klaseng pamamalakad ang ginagawa nila sa University at kung anong klaseng istudyante ang meron sila.

Nakakailang naman to, bakit ba sila nakatingin sakin? Ganun na ba ako kaganda. Aigoooo! Hindi ko nalamang sila pinansin at dumiretso diretso na lang ako.

"OMG! Pano yan na punta dito"

"Akala ko ba mayayaman lang ang nag aaral dito"

"WTH! Kadiri siya"

"Nerd HAHAHA"

Ganyan ba talaga ang mga nag aaral dito. Hayss! Mga walang Class! Tsk! Diko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad.

Napahinto ako sa paglalakad ng mahagip ng paningin ko ang mga nagkukumpulan na mga estudyante, at dahil sa chismosa ako nakisingit din ako hehehehe.

"What the hell!" bulong ko ng makita ang lalaking duguang nakahandusay sa semento.

"L, ano nang gagawin natin dito?" napatingin ako sa lalaking may hawak ng baseball bat, hmmm!

"Kayo nang bahala dyan..." Napatingin naman ako dun sa L ng magsimula na ito maglakad papaalis.

Nabalik agad ang paningin ko sa lalaking may hawak ng baseball bat dahil ipapalo na niya iyon sa lalaking duguan kaya no choice, pinigilan ko iyon gamit ang kaliwang kamay ko at hinawakan ng mahigpit na dahilan para magcrack iyon ng konti. Ouch! Yung kuko ko nasira ata!

"Sino namang nerd na yan? ang lakas ng loob para makisali sa eksena..."

"Kawawang babae...."

"Siguradong malalagot siya kay L may loves.."

Napangisi ako ng makita ang gulat sa expression niya, well sa ganda kong to dapat lang na magulat ka BWHAHAHAHA Char.

Naagaw na namin ang buong atensyon ng lahat maging ang kaninang paalis ng si L ay napahinto dahil sa eksenang to! Nyeta, mapapaaway pa ata ako.

"Hindi mo ba kame kilala.." sigaw niya habang pilit na binabawi anh baseball bat sa pagkakahawak ko.

"Bakit? kailangan ba alam ko kung sina kayo..." Tinaasan ko lang siya ng kilay para pak ganern HAHAHAHA.

"Sino ka ba huh? Lakas ng loob mong makisali. Isa ka lang namang basurang walang binatbat" Nakangising sabi ni L.

Tsk! Ang yabang!

"Really! Kung tunay kayong matapang hindi kayo lalaban sa walang laban sainyo.." Taas kilay kong sabi.

Bigla na lamang itong sumugod sakin kaya binitiwan ko na ang baseball at hinintay ang paglapit niya. Mabilis niya akong kinuwelyuhan ng makalapit.

"Your Dead.." Bulong nito bago ako bitawan at maglakad na sila paalis. Sumunod naman sakanya ang mga nanonood dito kanina. Tinulungan kong tumayo ang lalaking binugbog nila kanina.

"Ayos ka lang?" Tanong ko at pinaupo siya sa malapit na bench.

"Salamat" Hindi na niya halos maidilat ang mata niya dahil sa sobrang bugbog na natamo.

Dinala ko na muna siya sa Clinic upang malunasan siya agad.

"Sa susunod lumaban ka para sa sarili mo" sambit ko

Hindi din ako nagtagal dahil may klase pa ako at nakakahiya naman kung malelate ako sa first day of class ko.

Kumatok muna ako bago pumasok. Sinalubong ako ng matamis na ngiti ng isang babaeng hindi nalalayo ang edad sakin.

"Welcome Young lady..." Nagbow pa siya. Tumango lamang ako at hindi na nag-abalang magsalita pa.

"I am Lara" tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sakin at ngumiti.

"Nice to meet you, Ms. Lara" Binigay na niya sakinang Schedula ko kaya naman nagpaalam nako na papasok na sa klase ko.

At dahil sa hindi ko alam kung saan ba ako papasok ay halos malibot ko na ang buong university bago mahanap ang Classroom ko. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto dahil naririnig kong may nagdidiscus na

"Ms. Salamat you are 15minutes late" Nakataas kilay na sabi ng Prof.

"I'm sorry Mrs. Colin! I was looking for this room po because I'm Tranferee" pagdadahilan ko.

"Okay! You can seat" pagkasabi niya nun ay naglakad nako papasok. Napaiwas ko ang ulo ko ng may lumipad na libro papunta sa way ko. Sinundan ko yung way kung saan nanggaling yung Book, napangisi ako ng makita kung kanino yun. Ngumiti ako ng napakatamis sakanya bago pulutin ang libro at naglakad papunta sa vacant seat.

"I think this is yours" Pabato ko din iyon ibinigay sakanya kaya lalong mukhang nagalit siya.

"How dare you!" Galit na sumugod siya sakin at kinwelyuhan ako.

"You Don't know me bitch!" What? Bitch? Sa ganda kong to magiging Bitch lang ako, huh!

"So! I don't have time to find out who you are.." Madiing sambit ko sa mismong mukha niya dahilan upang mas lalong lumiyab sa galit ang mata niya.

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko at mas lumapit pa sa kanya hanggang sa marating ko ang tenga niya.

'You don't know me too!" madiing bulong ko sakanya at lumayo ng may ngisi sa labi

Tumingin ako sa harapan kung nasaan ang nakanganga naming Prof, ngumiti ako ng napakatamis sakanya.

"Miss, Can I go out?" tango lamang ang sagot nito at nanatili ang mangha sa kanyang mukha maging sa mga classmate namin. Naglakad na ako papaalis ng hablutin ni L ang braso ko dahilan upang lingunin ko siya at mapahinto sa pag-alis.

"Who are you?!" Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka. Imbes na sagutin siya ay ngumisi lamang ako at hinawi ang kamay niyang nakahawak sakin bago magsimula ulit sa paglalakad palabas.

*beep*beep

Kinuha ko ang cellphone ko upang tignan kung sino ang nagtext sakin.

Demon? Anong meron? May problema ba?

Messange:

From: Demon

"Dark, alam na ng buong Japan na wala kana dito.."

To:Demon

"What? How?" Reply ko.

From: Demon

"May nakakita sa pag-alis mo. Alam mo namang bantay nilang lahat ang galaw natin pero hindi ko alam kung sino at paano niyang nalamang ikaw yun"

What the f***! Problema to.

Pagkadating ng mansyon ay dumiretso ako sa kwarto ni wala akong pinansin sa mga bumati sakin dahil sa pagmamadali ko.

Binuhay ko ang laptop ko at tinignan ang Acc ko as Dark at dun ko nga napatunayang alam na nilang wala ako sa Japan.

Picture ko ang kumakalat ngunit nakatalikod kaming lahat. Paano? Sino? Kailan pa?

Paano ako magbabagong buhay ngayon kung alam kong hahanapin ako ng lahat ng gang dito. Shit!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Dark?

May makakaalam ba nang tunay na pagkatao niya?

(A/N: I Hope you like my First Story. Keep Reading)

Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon