Kabanata 18

14.4K 302 1
                                    

Xyra POV: DARK

Hindi ako makapaniwala na si L ang Bestfriend ko. Simula din non siya na ang kasama ko sa pagpasok sa school at paguwi pero hindi niya pa rin alam na ako si Dark matagal ko ng gustong kalimutan ang mga nangyari sa Japan.

"Oh! talaga bumalik na yung alaala mo. at si L  ang Bestfriend mo?" tuwang tuwang tanong ni Lian. nandito nga pala ako sa Cafeteria ng Campus

"Oo. Hindi ko nga rin maimagine e" nakangiting sabi ko

"Grabe. Pero alam na ba niya na mahal mo siya?" bigla nalang nawala yung ngiti sa labi ko

"Hindi pa nge e." Nakasimangot kong sagot. 

"Ano kaba sabihin mo na habang maaga pa. sinabi na rin naman niya na mahal ka niya" napaka supportive ng Bestfriend ko

" Diko nga alam kung pano ko sasabihin na mahal ko siya. Tulungan mo naman ako Bhessy" paawa effect ko

"Oo sige tutulungan kita kay L" napangiti naman ako

"Tama ba yung narinig ko may gusto si Nerd kay Emperor"- natatandaan niyo ba si Kilay Girl. Siya yung isa sa kaibigan ni Aleeya na si Kaye Lee

" Ayy kawawa naman siya. Dahil kahit kailan hindi siya magugustuhan ni Emperor"- at ito naman si Blush on girl na kaibigan din ni Aleeya na si Sandy Choi

"Hoy! pwede bang layuan mo ang babe ko" pasigaw na sabi ni Clown girl na si Aleeya. Ano ba naman yan lahat na sila na nandito sa cafeteria nakatingin samin

"Somusobra na yang si Aleeya kapag ako hindi nakapagpigil uupakan ko na talaga yan"bulong sakin ni Lian

"Ano kaba wag mo nalang sila pansinin." Bulong ko din

"Aleeya pinagbubulungan ka nila" pagsusumbong ni Kilay Girl kay Clown girl. Wow ang galing galing naman napaka feelingera din naman talaga tong mga to.

"Anong karapatan niyong pag-usapan ako!" nakakarindi na sigaw ng sigaw tong si aleeya. Bigla naman tumayo si Lian sa kinauupuan niya

"Sigurado kabang ikaw ang pinag-uusapan namin. Nakakairita kana!" Sigaw ng Bhessy kong si Lian.

*Pak

Bigla nalang sinampal ni aleeya si Lian. 

"How dare you! Wala kang karapatang sigawan ako" nilakihan niya pa yung mata niya na akala niya naman matatakot kame. Hindi na ako nakapag pigil tumayo na rin ako.

"At wala ka ring karapatang sampalin si Lian!" sigaw ko

*Pak

Sinampal din ako ni Aleeya na kinainis ko naman. Inuubos niya talaga pasensya ko

"Ang lakas ng Loob mong sigawan ako!" sigaw naman ni Aleeya

" I told you. Don't you dare to hurt me again but you did!" may halong panganib yung boses ko

"Bakit ano ba kaya mong gawin?" galit na sabi niya

" Hindi mo ako kilala! Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin!" Sigaw ko 

"Bakit sino kaba?"- Aleeya

" I'm Xyra Sakamura" nakita kong nanlaki lahat ang mga mata nila. alam kasi nila yung pangalan ko pero hindi nila alam yung mukha ko alam nila na ako ang Headmistress ng school nato.

"Xyra? L's Bestfriend"- nanlaki pa rin yung mata nila

"Yes! Kayang kaya kitang patalsikin sa paaralan ko!" Pagbabanta ko

" OMG! siya pala si Headmistress"

"Hindi ako makapaniwala"

"Grabe bakit kaya siya ng pretend na Nerd" Bulungan nila.

"Hindi ikaw si Xyra! nasa Japan siya!"- Aleeya

"3 years akong tumira sa Japan and now i'm back" nakangiting sabi ko pero may halong pagbabanta.

" Give me a Prove!"-Aleeya

"Why would i need that" naglakad ako papalapit sakaniya at hinawaka ang name tag niya

"Do you have prove that you are Aleeya?" pero inalis niya rin yung kamay ko

" What's happening here" isang pamillar na boses ang umalingawngaw kaya napatingin kame lahat at nakita namin si L. Bigla naman tumakbo si Aleeya kay L at kumapit sa braso nito 

"Babe siya daw si Xyra! But that's not true right?" with paawa face pa. pero hindi man lang siya tinignan ni L tuloy tuloy lang siya sa paglapit sakin habang nakakapit pa rin sakanya si Aleeya

" Xyra What happen?" bigla naman napabitaw si aleeya sa braso ni L at tumingin ito sa mata ni L

" It's Nothing!" naka ngiting sabi ko nalang

"XYRA iwasan mo naman muna yung Gulo kakabalik lang nang------ Nevermind basta iwasan muna ang gulo" atsaka pa siya umakbay sakin.

"Lian let's go" sabay na sabi namin ni L kaya sumunod naman siya agad at kumapit sa braso ko. Hindi pa kame nakakalabas narinig na namin na nagsitawanan yung tao sa cafeteria

"HAHAHA Napahiya"Rinig kong sigawan nila pero tuluyan na kameng nkalabas ng cafeteria at nagpunta ng garden.

"Bhessy totoo bang ikaw ang Headmistress ng school?" nakatitig na sabi ni Lian

"Oo. Sorry bhessy ah diko nasabi sayo" at nag peace sign nalang ako

"Okay lang yun bhessy. Napahiya talaga si aleeya kanina e. Buti nga sakaniya sama sama ng ugali!"-lian

"Chill Bhessy puso mo baka malaglag!" narinig ko namang tumawa yung katabi ko na si L

"Totoo naman diba? Hoy L anong tinatawa tawa mo diya?" Nakataas kilay na tanong nito kay L

"A.E. Wala!" halata namang nagpipigil lang nangtawa mukha tuloy siya natatae na ewan 

"Ang simple lang ng tanong ko ng A.E.I.O.U kapa diyan" - lian

"Galit na Galit Bhessy?" tanong ko

"Hindi naman" sabay ngiti pa. Buong araw nag kwentuhan lang kame at nang mag gagabi na umuwi na kame.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon