Chapter 1: Mia

49 2 2
                                    

"History repeats itself," sabi nila. 

"Sunog! Sunog! Sunog!" Hiyaw ng isang babae na kinasusuklaman ko ng husto. Hindi ko ba maintindihan na kung bakit sa tuwing bibigkasin na nang prince charming na kasayaw ko ang pangalan niya ay sisigaw siya ng bonga.

Ito na naman. Bangon. Tutulala sa cieling. Papatuluin ang tubig sa gripo. Magbibihis. Tapos papasok sa school. Babalik na naman ako sa mundong ayaw ng marami - ang pag - aaral ng kasaysayan. Agad na dumampi sa balat ko ang napakalamig ng simoy ng hangin paglabas ko nang bahay. Madilim - dilim pa ang paligid pero kahit ganoon, kailangan ko talagang umalis na. Bakit kasi napaka - traffic sa Pilipinas? Kung kaya ko lang mag - teleport, matagal ko nang ginawa. 

Road traffic is our city's number one enemy. Kalaban din ito ng bansa. Sometimes , ito yung dahilan kung bakit mabagal yung investment sa isang lugar. What's worse is that it costs us too much money. Our city is not that big; but, enough to accommodate some of the noteworthy sceneries and infrastructures in the country. Medyo elevated siya, so the ambiance is so good. Malamig ang paligid, at buhay na buhay pa ang kalikasan. Well-planned ang city na'to, from the houses, parks, at mga establishments. 

Mga dalawang sakay din ng jeep ang nagagawa ko simula sa bahay papunta sa school - Spring City hanggang terminal tapos papunta sa school.Kung baga dalawang talon din ang nagagawa ko para makarating sa National University of Humanities and Social Sciences. Higit isang taon at kalahati na din ako sa paaralan na ito. Hindi naman makakailang famous na ako sa school (kailangan talaga magbuhat ng bangko minsan). 

"Bayad po!" inabot ko ang bayad sa isang estudyante sa tabi ko pagkatapos ay nagpasalamat ako. "Ang lamig talaga," sabi ko sa isip ko habang inaayos ko ang aking jacket

Tumigil ang sasakyan saglit para sa isang babae. Sumabay sa pagpasok niya ang hangin na dahilan ng pagkalat ng gamit niyang perfume. "Mabango," sabi ko sa aking isipan. Paminsan - minsan ay sumulyap ako sa kanya. Pagkatapos ay binigyan ko nang pansin ang outfit ko. "One step ahead lang siya," sabi ko ulit sa aking isipan.  

"Mia?" tumawag sa akin. Di ko namalayang nakatulog pala ako nang bahagya.

"Lucas, nakasabay kita," sabi ko. 

"Ayan kasi, puro ka research."

"Okay na. Tama na," sabi ko sa kanya sabay simangot. "Bilisan mo baka ma - late pa tayo."

Tall, dark, and handsome - description  ng isa lalake na gusti nang mga babae. Actually, tall white, and handsome si Lucas. Chinito, medyo maganda ang pangangatawan, at super talino. At class he is my mortal enemy. Kaya minsan ayoko talagang  magka - block  kami.

"May assignment  ka na sa Asian Studies?" tanong sa akin ni Lucas.

"Meron ba?" 

"Here we go again," sabi niya. May kinuha siyang folder sa bag niya. "Ito," sabi niya habang ipinapakita sa akin ang gawa niya.

"Yabang mo."

Ibinigay niya sa akin ang folder.  "Sa'yo talaga 'to."

"Ikaw ha, ito talaga," kinikilig kong sabi. "Umamin ka na! Crush mo'ko?"  bulong ko sa kanya.

"Akin na nga 'yan," binawi niya sa kamay ko yung binihay niya.

"You already gave it to me, Lucas," sabi ko sabay bawi ng  folder. "Di pa kasi aminin."

"Ikaw magbayad ng pamasahe ko," sabi niya sabay biglang tumahimik ang paligid.

"NUHSS!" sigaw ng driver. Tumigil siya sa harap nga gate.

"Teka, bayad natin," sabi ko kay Lucas.

"I forgot," sabi niya then he took his wallet from his bag and paid the driver. After that, he took a glance at his watch. "Late na tayo," he whispered.

What happened next? Of course, he ran. Tumakbo din naman ako nang mabilis para maabutan siya. Medyo malayo pa naman yung building namin from the main entrance. I wanted him to look back at me pero he was focused on getting on the building first. 

"Lucas!" I shouted to make him stop kasi hinahapo na ako. He stopped for a while. Siguro he felt that I was not running anymore. Nakita ko bumalik siya para sa akin. 

"Okay ka lang?" he worriedly asked me.

"Nakakainis ka," sagot ko.

We had so much of that moment. So, it's not new to us anymore.  Pagkatapos nang mga ganoong sandali, sabay na kaming maglalakad papuntang classroom. There were times that we were so lucky dahil late si Professor Quirante. Pero, sometimes hindi talaga kami pinagpapalang makalusot. Nakakainis talaga ang traffic. 

***




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stars Above, Stones BelowWhere stories live. Discover now