Uno

11 1 0
                                    

"Mila"

Naalimpungatan ako sa narinig.

"Mila halika"

tila kay lapit nito sa aking tenga, naramdaman kong pagpatong ng malamig na bagay sa kama.

"Mila"

Ang mahinang bulong ay lumalakas.

"Mila!"

Palakas ng palakas.

"Mila!"

Sigaw nitong muli sabay marahas na pagkapit nito sa aking pulsuhan,
Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan.

"MILA!"

Naimulat ko ang aking mga mata,
at nakita ang di inaasahan.
napaawang ang aking bibig sa pagkagulat, malaki ang pangangatawan, matulis na kuko, dalawang pares ng mapupulang mata, at matutulis na ngipin ang tumumbad sa harapan ko.

"ISANG DEMONYO! LUBAYAN MO AK-"

"Demonyo mo to! Umayos ka dyan mila kung ayaw mong mabatukan,  pinagigising ka ni mama."

Kinuha ko ang unan na ibinato sakin ng kapatid ko, ang bastos! di ako pinatapos sa aking pagsasalita, sinamaan ko ito ng tingin.

"Oh ano? Lumabas kana."

Hindi naman talaga ito demonyo, wala itong mahahabang kuko tulad ng pagdidiskubre niya, pantay din ang mga ngipin nito, alagang toothpaste ng mama nila, sadyang malaki ngalang talaga ang katawan nito naiwan kasi sa kusina ayan kinain siguro lahat ng plato, ang pula din ng mga mata dahil  sa sore eyes.

Baka nga nalagyan ng suka ang mata ni kuya, kumain siguro ng mangga.
Hindi ba't english ng maasim ay sore?
Kawawang kuya.

"Mila! Bilisan mo kung gusto mong may maghatid sayo."

Sabay labas nito sa pinto ng kwarto ko, panigurado magbibihis na iyon.

"Oo na po."

Binilisan ko na rin ang aking kilos tumayo ako't nag ayos ng sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon