Chapter 3

23 1 2
                                    

Kasalukyan akong naistatwa sa kinauupuan ko. Why? Dahil nakita ko ang alarm clock ko sa stage na kumakanta at dito pa talaga sa bar ko! Muli akong sumulyap ng tingin kay Theo. Ibang iba yung dating niya. Di kaya nagkakamali lang ako? Baka naman kambal ni Theo yun. I mean, sino ba naman kasi ang di magdududa? Eh yung lalaking nagpeperform sa stage ay napakalayo sa Theo na nakilala ko.

That guy there... He's doesn't have a messy hair. Nakaayos yung buhok niya. Pati yung bangs niya hindi na nakaharang sa mata niya. Akalain mo nung una akala ko thin body build lang siya pero ngayong nakasuot na siya fitted shirt. Aba! May muscle pala ang loko! Wala rin siyang suot na salamin. Singkit pala siya. "Who would have though that this nerd would be that handsome?" I murmured.

"May sinasabi ka ba Viira?" asked Nella.

"H-ha? Wa-wala! Sabi ko bakit ba kase nandito yung nerdy bastard na iyan." I lied. Pero ano ba kasi itong iniisip ko? Siya gwapo?! Hindi no! Iyang lalaking nanlait sa akin. Gwapo? No way!

"Viira" tawag ni Gelo. "Oh?" sagot ko naman. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. In a split second I thought I just saw a smirk on his face. Teka nga... namimilik mata ba ako?

"So... tell me. About this nerdy bastard." utas niya habang tinutusok tusok ng tinidor yung cake.

"Wag mong paglaruan yung cake."

"Don't change the topic." Tinigil niya na yung pagtusok sa cake. Eh bakit ba? Pinaghirapan i-bake yang cake tapos paglalaruan lang niya? Nasaan ang hustisya ng mga pastry chef?!

"Hmph! I guess I have to tell you huh?" I said and sighed. "Of course you have to!" sumubo siya ng cake at humalakhak. Mabulunan ka sana!

Ano pa bang magagawa ko? Nandito na eh. Before I start telling him about tha nerd I took a short glance at the nerd singing on the stage. Di ka gwapo! Che! And then I started telling him what happened with me and that guy.

.

.

.

.

A few minutes later~

"HAHAHA!" Sabi ko na nga ba eh. Ang lakas ng tawa ni Gelo. Ano ba nakakatawa sa sinabi ko? Kaasar!

"Ano ba Gelo!" hinampas ko siya sa balikat. Tumatawa pa rin siya. Di pa tumigil to sa ulo na ang susunod!

"Sorry naman! Eh kase naman. Totoo naman yung sinabi nung ner-dy bas-tard,Viira."

"Ha?"

"Sa buong buhay ko ikaw lang nakilala kong magpopropose ng isang ganung bagay. Alarm clock? What the hell are you thinking, Viira?" paliwanag nito. Kasalanan ko ba? I know it's weird and crazy but it's the only way I can think of in passing calculus and saving my career as an architect.

"Masama ba talaga yun?" mahina kong sinabi. Hinawakan ako sa kamay ni Nella. Buti pa si Nella mabait at nandiyan lagi para sa akin.

"Viira. I think Gelo's, right." Wait. Did I just hear her right?

"Nella?"

Umiling iling siya. "Hindi mo pwedeng basta bastang sabihin sa kanya na alarm clock mo siya. Hindi mo naman kilala yung tao tapos ganun na lang gagawin mo bigla diba? Mali yung ginawa mo Viira."

Nella... Natamaan naman ako sa sinabi niya. I know it's wrong... pero... siya lang ang nakagising sakin ng ganun. But... hindi ko naman nga talaga siya kilala. He's a stranger to me. Napatingin ako sa baba. Ano nang gagawin ko? Babagsak na talaga ako sa Calculus ganun ba?

Wake me up at 4 amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon