Chapter 2

34 1 4
                                    

Tumingin ako sa relos ko "6:15 pm" Late na ko... Patay... Mula dito ay naririnig ko ang mga boses nilang nagtatanungan kung nasaan na ba ako.

"Late na siya." Oo late ako ng 15 minutes.

"Maybe she ditched us?" Hinde ah! Di ko lang talaga namalayan yung oras.

"Imposible yun. Di gagawin ni Viira yun." Oo nga! Konting tiwala naman kay teacher pwede?

"Eh nasaan na ba kasi si Viira?" naiinis na sinabi ni Gelo.

Nandito ako sa likod ng puno... Oo. Sa likod ng puno ako nagtatago. Natatakot akong lumabas baka dumugin nila ako. Magtetext na lang ako na parating na ako at sorry dahil nalate. Bubuksan ko na sana yung phone ko nang bigla itong nag-ring.

"Shit!" bulong ko at nabitawan ko sa bag yung phone. Tumatawag si Nella. Alam ko siya yun kase nakaset na La Campanella ang ringtone kapag si Nella ang tatawag. Naka full volume pa naman yung ringtone ko.

"Hm? Narinig mo ba yon Gelo? Ringtone ni Viira yun diba?" Narinig kong sabi ni Nella. Kailangan kong masagot yung phone... Nasaan na ba kasi yun. Dali! Natataranta kong hinalughog yung bag ko. Bakit ba kasi ang daming kalat ng bag ko?! Resibo sa national bookstore, lukot lukot sa scratch paper, perfume, ponds facial cream, wallet, nagkalat na barya... cellphone! Finally!

Sinagot ko yung tawag "H-Hello?"

"Hi Viira, late ka na ah." Sabi niya. "Ah, O-oo eh. Sorry. Ah... Malapit na ako. Don't worry." Kabado kong sagot. Kalma Viira. Mahahalata ka niyan eh.

"H-hey! Phone ko yan. Akin na!" Rinig kong sabi ni Nella. Bigla kong narinig yung boses ni Gelo. "Hoy! Ilang oras mo kami balak paghintayin ah?" Naiinis nitong tanong. Sorry talaga.

"Tsss. Diyan ka lang." Sabi niya.

"H-huh? What do you me- Hiiii!" Napasigaw ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Nabitawan ko tuloy yung phone ko. Kinuha ko ito at dahan dahang tumalikod.

"H-hi?" Pilit kong nakangiting sinabi.

"Tsk. Tago tago ka pa diyan. Kita ka naman. Tara na nga. 30 minutes late ka na." Bwisit nitong sinabi. " 15 minutes lang!" Protesta ko.

"Oh? So 15 minutes ka na pala diyan tapos pinaghintay mo kami? Bakit inis na inis itong batang to? I looked at Nella with the kind of look that's asking 'What's-his-problem?'

Lumapit ako kay Nella at bumulong siya sakin. "Alam mo kasi excited na excited si Gelo pumasok sa loob." Ah, oo nga pala. Hindi pa pala namin siya nasasama dito. So this is his first time coming here. "Ganun ba? Sana pumasok na kayo sa loob."

Ngumiti si Nella at tumingin kay Gelo na nakatalikod sa amin. "Ayaw daw niya. Gusto niya kasama ka namin pag pasok." Napangiti naman ako ng di oras sa sinabi niya. Akalain mo nga namang concerned din pala si Gelo the Pilyo sa akin. Tinignan ko si Gelo at lumapit sa likod niya. Tinapik ko ito at bumulong ng "Ang tsundere naman pala ng best friend ko. Don't worry next time di na ko malelate." Sabay pisil ko sa pisngi niya.

Namula ng husto yung mukha niya. "Ano ba Viira?! Para kang sira. Tara na nga kase sa loob. Tsk." sabi nito at padabog naglakad papasok sa coffee bar. Minsan talaga may mga taong ang weird magparamdam ng pagaalala nila sayo. Kunwari pa siyang naiinis.

Pagpasok namin sa loob ay kitang kita ko sa mata nila ang pagkamangha. "Wow! Viira! Ang ganda dito!" sabi nung isa. "Tama! Tignan mo oh. May stage pa dun sa gitna!" tinuro niya yung stage sa bandang gitna. Doon nagpeperform yung mga bandang naka-assign sa bawat araw. Kinalabit ako bigla ni Nella "Viira. Look at our cheecky brat." nakangisi niyang sabi. Tumingin naman ako kay Gelo. Abot tainga yung ngiti niya. First timer kase eh.

Wake me up at 4 amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon