Chapter 3

3.9K 63 0
                                    

Alyanna Eunice POV

"Can he come with me?" tanong ko at tinuro si Clarkson

"Are you sure?" takang tanong ni Kuya

"Do I look like kidding? Of course, im sure. Alam mo namang lagi akong may kasama kapag pumupunta akong Batangas. Hindi pwedeng wala, you know Mom" sabi ko at napasimangot

"Okay, sasama kami. Baka kung anong gawin nyan sayo eh. Sa Friday ang flight natin" sabi ni Kuya

"Okay" sabi ko at humiga ulit sa couch

Nakakatamad!

Nasan ba yung cellphone ko?

"Where is my bestfriend?"

Napakunot ang noo ko at umupo sa couch

"Ahhhh!!!! Bessy!!!"

Sinalubong ako ng yakap ng dalawang mga tae

"Oo na! Miss na miss nyo ako ah" sabi ko at kumalas sa kanila

"For sure, if Silver doesn't tell it to us hindi pa namin malalaman na nandito ka na" sabi ni Shane at sumimangot

"If I know, ayaw nya talagang ipaalam" sabi ni Jennie

Jennie Anderson and Shane Abigail Ford, childhood best friends ko. Super friends and shopping buddies ko silang dalawa

"I really miss you, girl. Hindi pa ako makalipad papuntang New York, sabi ni Dad dito muna ako then if it's all settled na lilipad na ako papuntang New York" sabi ni Shane

"Ako halos mamuti na ang buhok ko dito, ewan ko nalang kung makakasunod pa ako sa inyo. Bakit kasi ang demanding ng boss mo at sa New York ka pinagtrabaho?" asar na sabi ni Jennie

"I don't know" sabi ko at napakibit balikat nalang

"Ehem! Girls, tone down your voice" sabi ni Kuya

"Kill joy talaga tong si Silver" sabi ni Shane at inirapan si Kuya

"So, anong ganap? Virgin pa? Walang first kiss? Inosente ka parin?" sunod-sunod na tanong ni Jennie

"Virgin parin. May first kiss na at hindi na ganon kainosente" nakangising sabi ko

"Sinong first kiss mo?" tanong ni Shane

"Ex ko, malamang" sabi ko at napairap

"Wahhh! Nagkaboyfriend ang gaga!" sigaw ni Jennie at tinulak-tulak ang braso ko

"Lite, it's so noisy there. Come here, im going to discuss to you something"

Kauuwi ko lang, anak ng!

"May kakausapin lang ako, umuwi na kayo" sabi ko

"No. Hihintayin ka na namin" sabi ni Shane

"Bahala kayo, sa kwarto lang ako" sabi ko at umakyat sa taas

Tinatamad na akong umalis eh

Nilock ko ang pinto ng kwarto ko tsaka nagbukas ng laptop. Through skype kita kauusapin, tinatamad talaga ako

"Tinatamad na ako, gora disscuss" sabi ko at nagcross arms

"I'll send you a file through email. Pagaralan mo yun, bantayan mo si Clarkson. Kapag natanggap mo yung email call me"

Napataas ang isang kilay ko at napairap

"Aalis ako, pupunta akong Batangas sa Friday. I send mo agad ng maaga para mapagaralan ko" sabi ko

"Fine, bring your laptop with you. Even your cellphone"

Muli akong nakairap at pinatay ang laptop ko

Gag* ka, Justine. Tingin mo sakin nagiiwan ng gadgets kung saan! Sabagay nagawa ko na dati yun  

****

Hayst! Boring talaga dito!

Nagbihis ako ng plain white t-shirt at black pants. Nagsuot ako ng black flat shoes at pinakulot ang buhok sa ibaba

Lumabas ako ng kwarto dala ang wallet ko tsaka hinanap si Kuya

Nasan ba yun?

"Where are you going?"

Napalingon ako sa likod ko at ngumiti kay Clarkson "Somewhere na hindi boring. Where's my brother, by the way?"

"Sa Company nyo, want me to come with you?" tanong nya na mas kinangiti ko

"Sure, I want to get out in this boring house. Wala ang mga maids, wala halos ingay" sabi ko at napairap

"Shall we?" tanong nya

"Yeah let's go" sabi ko at nauna ng lumabas

Pumasok sya ng kotse nya kaya pumasok din ako dun "Drive to the near Orphanage" sabi ko at sumandal sa window ng kotse nya

"Teach me the way" sabi nya

I teach him the way and we're here!!!!!

Lumabas ako ng kotse at dumiretsyo sa loob. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nandun sa gate si Clarkson

"Come on, don't stand there para namang takot na takot ka sa bata" sabi ko at hinila sya papunta sa Mother Quarters

Kumatok ako at binuksan ang pintuan "Naku, pagkaganda naman ng bisita natin. Tuloy kayo, iha at iho" sabi ni Mother

"Mother Felisa, si Alyanna po to" sabi ko at tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya

"Naku, ang batang napakulit. Ang ganda mo na, iha"

Napangiti ako at kumalas sa kanya "Kamusta na po?"

****

Nakakapagod!

Inabot ko ang sobre na ang tagal kong pinagipunan para dito sa Orphanage "Wag na, iha. Napakadami nito, sayo yan" sabi ni Mother Felisa

"Mother, para sa inyo to. Pambawi ko po kasi ang tagal ko pong hindi nakadalaw sa inyo. Ilang taon din po akong nawala, inipon ko po to para sa inyo" pagpupumilit ko

"Wag na, iha. Ayos lang kami" sabi ni Mother

"Hindi po ako aalis hangga't hindi nyo po to tinatanggap" sabi ko

"Wag na, iha. Sige na, umuwi kana baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ni Mother

Nilapag ko yun sa table nya "Basta po, para sa inyo yan. Aalis na po ako" sabi ko at tumakbo paalis

Pumasok ako sa kotse ni Clarkson at sumandal sa kinauupuan ko "Are you okay?"

"Oo naman, napagod lang" sabi ko at tinignan sya

Tinigil nya ang kotse at lumapit sakin. Napaatras ako ng kaunti pero hinila nya ako palapit sa kanya "Ano bang pakulo mo?" tanong ko sakanya

"Look at me" seryosong utos nya

Napatingin naman ako sa mata nya at bigla nyang sinakop ang mga labi ko. Nanghina ang tuhod ko at parang nawalan ako ng lakas

Napakapit ako sa balikat nya at hinawakan ang batok ko para mas diniin ang halik. Hinalikan ko sya pabalik at pinulupot ang braso ko sa batok nya

His kisses makes me crazy, I like it

****

#HSAWKISS

His Secret Agent Wife (AGENT SERIES #1)Where stories live. Discover now