Chapter 7

2.9K 54 0
                                    

Alyanna Eunice POV

"Im going, Alyanna" sabi ni Justine at hinalikan ako sa noo bago pumasok sa kotse nya at pinaandar yun paalis

Pumihit ako patalikod at tinaasan ng isang kilay si Clarkson

"Let me remind you 3 days from now, you'll get married. Ayoko pang may umaaligid na lalaki sayo, kapag nakita ko pa ang lalaking yun sa kasal natin. I'll kill him, I swear" pagbabanta nya

Lumapit ako sa kanya at tinignan sya "Do it, wag kang magbanta pero kapag ginawa mo yun........susunod ka sa hukay nya" sabi ko at nilampasan sya

Diretsyo akong kwarto at nilock ang pinto. Pumasok sa walk in closet ko at diretsyo sa secret room ko

Nandito pa lahat, simula sa pagkikita namin hanggang sa huli

Umupo ako sa tapat ng painting paper at nagumpisang magpaint

Memories..........yun nalang ang meron ako sayo, Kyle

-FLASHBACK-

Asar! Edi si Shane na inlove, kailan nya kaya ipapakilala yung boyfriend nya? Sana nga tama sya na ma-forever nya na yun

Binaba ko ang gamit ko sa ilalim ng puno at nilanghap ang sariwang hangin. Kung hindi lang ako aalis papuntang New York malamang dito lang ako for to rest of my life

"Excuse me......"

Napalingon ako sa likod ko at hinawi ang buhok ko na nakahara sa mukha ko "Hi, sino ka pala?" takang tanong ko

"Im a landscape artist of this place. Kyle Dominic Montero" pakilala nya at akmang ilalahad ang kamay nya ng pigilan ko sya

"Im Alyanna Eunice Kim, daugther ng may-ari ng lupa na to" pakilala ko at ngumiti sa kanya

Ngumiti sya at...........pogi si Kuya hahaha, char! Talandi ang lola mo

"Miss Kim, I didn't......"

"Nahh, Alyanna nalang. Parang si Mommy naman ako nyan" sabi ko dahilan para matawa sya ng mahina

"Sige na, uuwi na ako" sabi ko at kinuha ang gamit ko tsaka umalis dun

Wow! That guy is one of the kind and he is nice

****
-AFTER 4 MONTHS-

"I won't let you leave without me, Alyanna"

Napalingon ako sa likod ko at napangiti "Kyle" sambit ko sa pangalan nya at niyakap sya

"Namiss kita, babe" mahinang bulong ko sa tenga nya

Naging kami last month pa, sa loob ng isang buwan na pagsasama namin ay pinakilala nya na sakin ang sarili nya. Walang kahit anong naiwang detalye

He's a landscape artist by choice but painter by talent. He maybe 5 years older than me but I don't care, having relationship with him is the most loveable thing I did in my life

****
-2 Years Past-

"Im coming with you, hon" sabi nya

"No stay here, babe. Baka kung anong mangyari sayo, im an Agent. My job is dangerous" sabi ko at hinawakan ang kamay nya

"Hon, baka mapahamak ka" sabi nya

I kissed him on the lips and smiled "I'll be back, babe. Be safe, I love you" sabi ko bago tumakbo paalis

-END OF FLASHBACK-

Sana hindi nalang ako umalis, hindi ko akalain na iyon na ang huling araw na makakausap ko sya

Hindi sya pinatay, pinalayo sya sakin ng........sarili kong magulang. I hate them a bit but they are still my parents. But still Kyle became a part of me, he treat me as his Queen and respect me so much

****

Bumaba ako at diretsyo sa kusina. Bukas na.......bukas na ang punyetang kasal ko. Buti nalang wala dito ang hinayupak na Clarkson. Dalawang araw ko na syang hindi nakikita at sana wag na syang magpakita pa

"Anak, for sure excited ka na sa wedding nyo ni.........."

"Mom, force marriage is stupid. Don't expect that im excited or something, im pissed" sabi ko at napairap

"I know but we are doing this for you" sabi ni Mommy

"Para sakin? Mom, I have my own life in New York. My life is all stable, umuwi lang ako kasi namimiss ko na kayo. But I didn't expect this to happen" sabi ko

"Because of Kyle?"

Napaangat ang tingin ko kay Mommy ng banggitin nya ang pangalan ni Kyle "Don't say my boyfriend's name, Mom. Nilayo nyo sya sakin kaya wala kang karapatan" sabi ko at kumain nalang

"Kusa syang lumayo" sabi ni Mommy pero hindi ko pinansin

"Sya ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan? Hindi pala tama ang pagsama mo noon sa lapastangang lalaking yun"

Tinapon ko ang plato sa harapan nya dahilan para mabasag yun. I had enough...

"Stop it o walang bride na ikakasal bukas" sabi ko at umakyat sa kwarto

"Gagawin ko na yung mission" sabi ko at napabuntong hininga

****

#HSAWKYLEDOMINICMONTERO

His Secret Agent Wife (AGENT SERIES #1)Where stories live. Discover now