Umaasa sa WALA

1 1 0
                                    

Maraming tao ang umaasa kahit alam nilang wala talaga.
Umaasa na sana, mapansin niya ako, ang pagmamahal ko sa kanya.
Umaasa na sana maging tayo, sana mahalin mo rin ako.
Sana... ang dami nating sana.
Sana, na sa ating panaginip lang natutupad.
Mga sana, na hindi pwedeng maging totoo.
Oo, pinapakita niya sa iyo ang mga katangian na hindi niya maipakita sa iba.
PERO, hindi ibig sabihin non MAHAL KA NA NIYA!
Maaaring tinuturing ka niya BILANG KAIBIGAN, KAPATID O KAHIT KAPAMILYA.
Yan ang problema sa atin, masyado tayong naniniwala sa kasabihang "To See is To Believe."
Yan ang nakikita mo kaya yan ang pinaniniwalaan mo.
Pero, minsan kailangan din natin ng mga salita, dahil, paano kung ang ipinapahiwatig niya ay iba sa pagkakaintindi mo?
Kahit alam mong wala talaga umaasa ka pa.
Siguro pwede ka na sa KATANGAHAN AWARDS.
Ang TANGA MO dahil umasa o umaasa ka kahit alam mong wala talaga!
Walang kahit na KAUNTING KATITING NG PAG-ASA.
Umaasa na sana... mahalin mo rin ako!
SOBRANG SAKIT NA KASI.....
Na kahit ang pagkain ay di ko magawa dahil lang sa nasasaktan ako. Umaasa ako na sana, papasok ka sa bahay namin at sasabihin mo sa akin na "Mahal na Mahal Kita."
Pero dahil isa ako sa mga taong TANGA, umaasa pa rin ako kahit na WALANG-WALA AKO!
UMAASA TAYO SA WALA DAHIL LANG SA PAG-IBIG!
Siguro nga totoo ang sinasabi nilang "Love can Change Us."
Binabago tayo ng Pag-Ibig, kahit na ikaw ang PINAKAMATALINO sa klase, nagiging BOBO, nagiging TANGA KA pagdating sa Pag-Ibig.
Pag-Ibig na pinapasaya tayo sa una ngunit sa huli SASAKTAN AT SASAKTAN lang din tayo!
Kaya kung ako sa inyo, tigilan niyo na ang Pag-Asa kung alam niyo nang sinasampal na sa inyo ang katotohanan na WALA talagang PAG-ASA na maging KAYO!

BITTERSWEET THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon