Harap-harapan o Nakatalikod?

6 1 0
                                    

Alin nga ba ang mas masakit? Yung harap-harapan kang niloloko o yung nakatalikod ka? Yung pinapakita niya sa iyo ang totoo o yung pinagmumukha ka niyang tanga?

Sa isang relasyon, hindi natin maiiwasan yung parte sa kung saan isa sa inyo ang magbabago. Maaaring nawalan na siya ng gana sa iyo o may pagkukulang ka na tinubos ng iba. Yung pagkukulang na tinubos mo pero huli ka na pala. Pero, bakit ba na kahit wala tayong pagkukulang, naghahanap pa rin sila ng iba? Siguro may mga tao talagang hindi marunong makuntento sa isa. Siguro may mga taong palaging may reserba, na kung wala ka may pamalit na agad. Ang mga taong kagaya nila ay hindi karapatdapat ang mga taong kagaya natin, mga taong loyal, mapagmahal, maalaga at marunong makuntento sa isa. Ang mga kagaya nila ay nararapat o nababagay sa mga taong kagaya din nila. Kung ikaw ay isang taong "martyr" talagang magtatanga-tan
gahan ka kahit na alam mong niloloko ka niya sa harapan mo o kahit na nakatalikod ka sa kanya. Pero SOBRANG TANGA MO na kung kakapit at aasa ka pa rin na magiging maayos kayong dalawa sa kabila ng panloloko niya sa iyo. May karapatan kang tumigil at magmove-on dahil hindi niya hawak ang buhay mo. Sana malaman niya na isa ka ring tao na may puso na nadudurog sa tuwing niloloko ka niya, at hindi isang laruan na pwede niyang sirain tapos aayusin ulit at dudurugin ulit, dahil kapag ang puso natin ang nawasak, mahirap ng buoin ulit iyan. Pwede kang magpanggap na maayos sa labas ngunit sa loob mo ay durog na durog ka na. Kung magpapaloko ka, sana sa harap mo nalang, at least alam mo na wala na talaga kaysa sa kung nakatalikod ka, hindi mo malalaman na wala na talaga, bagkus magmumukha kang tanga sa kakaisip kung nasaan na siya, pupunta ba siya at bakit niya nakalimutan na anniversary niyo ngayon. Oo, kawawa ka nga kapag sa harapan ka niya lolokohin, pero mas kawawa ka kung lolokohin ka niya ng nakatalikod ka. Ikaw, nadudurog ng mag-isa habang siya masaya sa piling ng iba.

-------

Author's note:
Okay lang po ba? Anong mas gusto niyo Harap-harapan o Nakatalikod?

BITTERSWEET THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon