6.Budhi

701 12 2
                                    

Malaking dakog sa pagkatao ni Mayor Ernesto Bagatsing ang pagkakasangkot ng anak sa isang malaking eskandalo bumaba din ang moral niya bilang mayor ng bayan ng Esperanza. Pati ang constituents niya ay isa-isa ng tumalikod sa kanya ng pumutok ang eskandalo.

May petition na nga nakarating sa kanya na bumaba na siya sa tungkulin bilang Mayor at lisanin ang munisipyo. Ngunit hindi basta-basta na lang bababa ang isang Mayor Bagatsing dahil sa eskandalong ito.

Pinaghirapan niya kung bakit siya nakarating sa ganitong estado marami na siyang isinakripisyo para makamtan lang ang ganitong buhay.

Dugo at pawis ang kanyang pinuhunan para makarating siya ngayon sa kanyang kinatatayu-an bilang isa sa pinakamakapangyarihan sa Esperanza.

"Mayor, Si Gob.Solomon tumawag kanina umaga. He will be here this afternoon ."

Saad ni Marie ang kanyang secretary. Kakaupo pa lang niya sa kanyang magarang mesa sa loob ng kanyang opisina. Dala ni Marie ang iba pang mga papeles na kailangan ng pirma ni Mayor.

Halos tatlong linggo din siya hindi masyado naasikaso ang office dahil sa magkakasunod na trahedya at problema nangyari sa kanyang bayan.

"At ano naman ang kailangan nila? They want me to step out in this office! No! Never! This is my municipality! Ako ang nagpalago sa bayan ito tapos dahil lang sa pagkakamali ng suwail kung anak basta na lang nila ako tatanggalin na parang basura.This is My Town. My Town. "
Nangagalaiting saad ni Mayor.

Totoo ang sinabi ni Mayor Ernesto na siya ang nagpalago sa bayan ng Esperanza kung hindi dahil sa kanya patuloy parin ito sa pagiging payak at maliit na bayan na hindi kilala ng karamihan.

Dahil sa mataas na ambisyon ni Ernesto ay umangat ang Esperanza. Dati ang Esperanza ay isa lamang noon mahirap na bayan wala man lang eskuylahan at ospital. Kunti lang ang mga negosyante ang pumapasok dahil sa walang maayos na daan patungo sa kanilang bayan.

Mahirap lang ang pamilya ni Ernesto noon isang magsasaka ang kanyang mga magulang sa kanilang maliit na sakahan kulang na kulang ang kita ng kanilang ama para pag-aralin silang limang magkakapatid.

Kaya tuwing anihan ng mangga sa Hacienda Villafranca ay sumasama si Mang Floro ang ama niya upang pandagdag kita nilang mag-anak. Ang kanyang ina naman ay pumapasok bilang katulong sa pinakamayaman pamilya ng Esperanza ang may-ari ng malawak na lupain ng bayan ang pamilya Villafranca.

Siya ang panganay kaya naman siya ang inaasahan na tutulong sa pamilya. Tahimik,Mabait at masipag na anak si Ernesto.

Kahit malayo ang paaralan ay matiyaga parin niyang binabaybay ang daan patungo sa pinakamalapit na eskuylahan ng Santa Catalina na mahigit isang oras nila itong nilalakad na para lang makapasok.

Wala pa kasing High School ang bayan sa panahon na iyon kaya naman sa ibang bayan pa pumapasok ang mga kabataan na gustong mag-aral at matuto.

Si Ernesto ang isa sa pinakamatalinong estudyante sa kanilang paaralan dahil sa kanyang angking talino at sipag maraming guro ang humahanga sa kanya. Para makatulong sa magulang ay sumasama siya sa kanyang ina sa malaking bahay ng Villafranca.

Dito niya nakilala ang nag-iisang anak ni Don Felix Villafranca ang kasalukuyang Mayor ng Esperanza noon. Ang maganda at spoiled brat na si Stella Villafranca na halatang may gusto sa kanya.

Ang Huling PasaheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon