2.Saksi

2.2K 58 2
                                    

  Napabalikwas ng bangon si Noel gaya ng nagdaang gabi ay halos ganito na lang palagi ang kanyang napapanaginipan.

Ang mga gasgas sa kanyang binti ang nagpapatunay na totoo ang lahat ng gabing iyon kung saan nasaksihan niya ang lahat.

Gustuhin man niya magsumbong ngunit natatakot siya na madamay. Ngunit sa bawat gabi ay bumabalik parin sa kanyang ala-ala ang lahat lalo na ang paghingi ng tulong sa kanya.

Nangingitim na ang gilid ng kanyang mata dahil sa hindi siya maayos na nakakatulog mga ilang gabi na rin siyang ganito.

Natatakot na rin siya baka sa kanyang pagising ay nariyan sila nakatunghay sa kanya at humihingi ng tulong. Babangon na sana si Noel ng matigilan siya may isang babaing nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Nakatalikod ito sa kanya.

"Marie ikaw ba yan?"

Tanong niya sa kapatid dahil ito lang naman ang paliging pumapasok sa kwarto niya.

Ngunit hindi ito kumibo sa kanya hindi man lang lumingon parang walang narinig.

"Marie Ano ba? Lumabas ka nga sa kwarto ko!'

Galit na saad niya sa kapatid. Hahawakan na sana siya sa balikat ng biglang magsalita ito na ikinapanindig ng kanyang balhibo. Malalim at parang galing sa ilalim ng lupa ang Bose's nito.

"Tulongan mo kami.Tulongan mo kaming makamtan ang hustisya parang awa mo na."

Halos panawan siya ng ulirat ng lumingon ito sa kanya. Duguan ang halos basag na mukha nito.Tumutulo din ang dugo sa mukha nito. Gusto sumigaw ni Noel sa takot pero ni isang tinig walang lumabas sa kanyang bibig.

Lalo pa siyang nasindak ng tumayo ito at paika-ikang lumapit sa kanya.

"Huwag kang lumapit. Wala akung kasalanan sa inyo. Bakit ako ang ginugulo niyo." Nanginginig na saad ni Noel na halos maihi na siya sa takot.

"Gusto lang namin ng katarungan.Tulungan mo kami."

Saad pa nito sa kanya. Na palapit na palapit sa kanya na ikapanindig ng kanyang balhibo lalo.

"Wala akong maitutulong kaya umalis kana parang awa mo na. Huwag kang lumapit."

Napasigaw siya ng malakas ng bigla na siyang hawakan ng malamig na kamay nito.

Isang malakas na sampal ang nakapagpagising sa kanya. Halos mamanhid ang kanyang mukha. Ang kanyang ina pala ang may kagagawan.

"Inay naman ang sakit noon ha! Bakit kaba nanampal diyan?"

"Aba! Kanina pa kami dito ginigising ha!. Dahil binangungot ka. Noel ilang araw ka ng ganyan. Ipapatawas kana talaga namin ng itay mo."

"Wala ho ito nay."

"Anong wala halos limang araw ka ng ganyan at tingnan mo nga iyan sarili mo sa salamin nangingitim na ang gilid ng itong mata. Baka naman gumaya kana diyan sa barkada mo nag aadik ha. Tigilan mo na ang pagsama-sama sa kanila ba ha Noel."

Gusto pa sana niyang sagutin ang ina at ipagtanggol ang mga kaibigan ngunit itinikom na lang niya ang bibig. Dahil kapag nagsalita pa siya tiyak hindi siya nito titigilan.

Papalabas na sana ang kanyang ina sa kwarto niya ng bigla itong huminto at parang may nakaligtaan sabihin. At parang malungkot ito.

"Alam mo ba Noel na hindi parin nakikita ang bangkay ng anak ni Lorena. Kaawa-awang Lorena. Sana mabigyan sila ng hustisya."

Ang Huling PasaheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon