Cafe Latte [2]

1.2K 47 24
                                    

"Caramel Macchiato's Sequel"

Cafe Latte [2]

-----------------

"Kayo ang nararapat sa isa't isa at hindi kami." sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kasi naiintindihan V, hindi mo ako naiintindihan at kahit kailan ay hindi mo ako maiintindihan." yan ang pinakahuling salitang narinig ko mula sa kanya bago sya umalis at mawala sa paningin ko. Three years ago.


"One Cafe Latte for V." Just ordered my Cafe Latte for the second time this day. Parang hindi naman ako adik di ba? I really love it's taste, the fairly sweet taste and a strong bitter taste of the espresso.

Ang totoo, paborito nung taong yun yung espresso. I sipped a little of it and it tasted like heaven. Kung pwede lang laging ganto ang pakiramdam.

"Nandito ka pala, kanina ka pa naghihintay?" my dad set up this date again for me. After naming grumaduate nagstart na siyang magset-up ng date mula sa mga kilalang anak ng mga businessmen and whatsoever dito sa bansa.

And recently I had a friend Iya, she's nice and alam naming pareho na puro kalokohan lang ang mundong ito. In order to save a business, then uso ang pagpapakasal sa kapwa mayaman. Nakakaumay na.

Si Iya nga pala ang kasama ko ngayon, actually we're not lovers, we're just friends. Nagkukwentuhan lang kami sa mga random na bagay dahil alam naman naming wala ring patutunguhan itong date-date na sineset-up nila sa amin.

Sa lahat ng mga babaeng nakadate ko, siya ang pinakamatino, hindi agressive, just simple and a joker, just like me. Kaya siguro kami nagkakasundo. "Alam mo, pansin ko ah, naging tambayan mo na itong coffee shop, hindi ka ba nauumay? Lagi na lang tayo nandito. Pero infairness, gusto ko talaga ang ambiance dito, para akong laging gutom. Hahaha! Ang bango kasi ng mga coffee na sineserve nila."

"Haha! Napansin mo rin yon ah, hindi naman sa nagtitipid ako kaya lagi tayong dito pero I'm glad na nag-eenjoy ka." I replied.

"Yup. Enjoy ako rito. Alam mo namang parehas tayo ng taste."

"Utot mo!" sabi ko.

"Mabango yan, amuyin mo pa." ganyan kami mag-usap kahit pareho kaming anak ehem.. Well, rich kids. Pero wala kaming pakealam sa mundo at napakabulgar naming magsalita.

"Yuck." humigop ako ng kaunti sa tasa.

"Oh, alam mo na ba ang balita?" Iya asked me na ikinakunot ng noo ko at bigla ko namang ikina-curious.

"Ang ano?" tanong ko.

"Well, settled na raw ang lahat. I mean..." nag-aalangan nyang tono.

"You mean what?" humigop ako muli sa tasa.

"We're getting married!"

"PFFFFFFFT!" sa di inaasahang pagkakataon ay naibuga ko sa kanya ang nahigop kong latte. Oops! Sayang yung latte.

"I'm sorry. Babayaran ko na lang yang damit mo." sabi ko sa kanya habang busy naman siya sa pagkuha ng table napkin at pagpunas sa damit nyang basa.

"No need. Di mo na ito kailangang bayaran. I'm okay. Siguro nagulat ka lang." sagot nya.

"Hay nako, Wala na talagang magawa sa buhay nila ang mga mayayaman. Bigla na lang tayong ipapakasal. Tsk."

"Mahal mo pa rin siya?" napatingin ako sa bumbunan... E kasi naman nakayuko siya habang pinupunasan yung damit nya.

"Sino? Si Choco? Oo naman, matagal kong naging aso yun eh."sagot ko.

Cafe Latte (VHope Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon