Chapter 1:The Individualist

2 1 0
                                    

Author's POV

May isang babae na ang buhay niya ay walang kasing lungkot na naranasan niyo ngayon, palagi siyang mag-isa, meron siyang mga kaibigan,  ngunit lahat sila ay manggagamit, lumalapit lang sila kung mangangailangan , at kapag wala kanang silbi ipag-tabuyan ka na lang nang parang walang kwentang Tao,  para sa kanya meron siyang kapangyarihan na lahat ng Tao sa paligid niya ay invisible siya sa paningin nila pero walang ganun. Walang Alam ang kanyang mga magulang na meron siyang anxiety depression. Nag simula ang kanyang sakit noong first year pa siya,  lahat ng kanyang mga kaklase niya ay gusto siya pero ng dumating ang araw na ini-iwasan na siya at nag-laho nalang sila na parang bula at ang masakit pa dun narinig niya isa sa kanyang kaklase na ginagamit lang siya ,taga gawa ng assignment, projects at tagabili ng mga baon nila At dun nag simula ang pagkawala ng tiwala niya sa mga Tao.

Sa araw-araw ng ngiti at tawa, sa likod nito may binabalot sa kanyang nag uumapaw na galit sa kanyang puso, para siyang ulap ,kulay abo kapag nalulungkot maraming tubig ang pumapatak galing sa kanyang walang kabuhay-buhay na kayumangging Mata.

Yan ang buhay ni Jamie Fianna Corsanes Miller,  maraming nagsasabi na maswerte siya dahil anak mayaman siya binibigay sa kanya lahat kahit Hindi niya gusto at Kong anong kailangan niya ayon nandiyan na agad.

Sila ang may Ari ng Miller Inc. Isa sila sa pinakamayaman sa pilipinas.
Oo, binibigay sa kanya lahat ang masaganang buhay at masasarap na pag-kain. Pero Hindi nila mabigay ang oras at atensyon na kailangan niya, palagi nalang sila trabaho.

Umagang-umaga ay nagising si jamie sa huni ng mga ibon, maganda ang sikat ng araw ,ngunit para sa kanya walang maganda sa araw niya,(palagi naman eh).

Pumunta na siya sa banyo para maligo, ng tapos na siyang maligo kinuha niya ang towel na naka sampay sa gilid ng banyo ,tinakip niya Ito sa kanyang katawan. Binuksan niya ang pintuan at lumabas, nagbihis siya ng uniform niya at kinuha ang kanyang bag at lumabas na ng kwarto, bumaba siya sa hagdanan patungo sa kusina,  binuksan niya ang ref na kasing taas ng pintuan ng bahay nila at kumuha ng mansanas,  pagsira niya muntikan niya itong mabitawan ang prutas na hawak niya dahil merong maid na nakatayo habang hawak ang ang walis sa kanyang kamay.

"Miss, pinagbilin po kayo ni madam sa akin habang meron silang business trip sa Sweden ni sir"sabi ng babeng katulong

Tumango nalang si Jamie sa maid at lumabas na ng mansyon paglabas niya merong driver na Bumati sa kanya.

"Magandang araw po ma'am Jamie"sabi ng driver habang nakangiti kay jamie

"Morning mang amboy" malamig na tono ang binalik na pagbati ni jamie sa driver.

Hindi nalang pinansin ng driver na nag ngangalan Mang Amboy dahil sa pag serbisyo niya ng 47 taon bilang driver ng mga miller kilala na niya si jamie noong pinagbubuntis pa siya ng kanyang ina hanggang mag-dalaga na siya.

Binuksan ni mang amboy ang pintuan ng kotse at sumakay na si jamie habang nakikinig ng musika sa kanyang mp3 player. 15 min. pag dating niya sa kanyang skwelahan ang St. Marie Claire University yun ang pangalan ng kanyang pinapasokan.

"Ma'am Jamie"tinawag ni mang amboy si jamie kaso nakatingin lang sa bintana ng kotse na parang may malalim na iniisip,  binusina ni mang amboy ang kotse at napatigil si jamie sa pag tingin ng bintana sa kotse, tumingin si jamie sa driver.

"Ma'am nandito na po tayo" sabi nung driver, bumaba ng kotse si mang amboy at binuksan ang pintuan."ma'am magpapasundo po ba kayo mamaya?" Tanong nito

"No, thanks I can walk by myself "sabi ni jamie.

Umalis na si mang amboy habang si jamie naman nakatitig sa kanyang skwelahan, huminga siya ng malalim at nag lakad papasok sa gate.

Jamie's POV

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chisei AcademiaWhere stories live. Discover now