Nais Ko

3 0 0
                                    

Nais ko
Nais kong lumayo
Pumunta at bagtasin ang lawak ng kawalan
Nais kong magpakalunod sa katahimikan
Na kung saan tanging ingay lamang ng hangin at lagaslas ng dahon at mga damo sa parang ang aking nadidinig
Nais kong maging malaya
Malaya sa bakas ng kahapon
Malaya sa pait ng ngayon
Malaya sa kung anuman ang ibigay ng kinabukasan
Kalayaan nga ba ang hanap ko
O nais ko lang talagang takasan ang lahat
Dahil takot ako sa mata ng madami
Takot ako sa puna at mapanghusgang kapaligiran
Oo nais kong takasan na ang lahat
Nais kong tapusin ang lahat
Ang iwanan na ang mundong unti unti akong iginugupo
Na unti unti akong pinapatay
Dahil alam nito at hindi ko maitago dito ang kabulukan ko
Ang mga bagay na pilit kong itinatago sa ngiti at tawa
Ang maskara na nagtatago sa lumbay at pagod na mata
Sa mata na gabi gabi ang panaghoy sa buhay
Sa buhay na nais na nyang layasan
Dahil hindi na nya kaya ang pagkawala ng mahahalagang tao sa kanyang buhay
Dahil hindi na nya masabayan ang sayaw ng pagbabago
Dahil wala na ang lahat para sa kanya
Wala na ang musika
Wala na ang saya
Wala na ang mga kulay ng bahaghari
Wala na ang lahat at ang tanging naiwan na lang ay sakit,
Ang lungkot at ang walang humpay na dalamhati
Kaya ang nais ko
Ay ang mahiga sa damuhan ng walang hanggang kapatagan
Habang nakatanaw sa ulap at kawalan
Dinadama ang hangin sa paligid at ang lagaslas ng mga dahon
Payapa na ang puso ko sa simple nais kong ito

Nais KoWhere stories live. Discover now