Chapter 1: 2004

31 0 0
                                    

June 12, 2014

4:16 AM

Marian's POV

I stood from the bed and went to the kitchen without even wearing my slippers. Half-awake, I went back to the bedroom, turned on the lights, and found the bed empty. Hindi pa rin pala siya nakakauwi. I was like this for almost a week already. Habang papalapit ang araw na yun, lalo akong kinakabahan. Siguro lahat ng babae ganito talaga ang pinagdaraanan. Di ako mapakali, di makatulog ng maayos. I felt lonely for a while, then I looked at a group picture beside the lamp shade. This picture was taken almost 10 years ago, back when I was just a freshman in college. Magiging kumpleto kaya kami? As I came across the faces of these people, napailing nalang ako. Parang kailan lang....

End of Marian's POV

June 12, 2004

4:30 PM

Dingdong! Dingdong!

Dingdong! Ding ----

Marian: Sa wakas! (Napatingin sa nagbukas ng pinto) Hi! Ahmm--- Ako si Yanyan ---

Sinara agad ng lalaki ang pinto.

Marian: Ho.. Hoy! Hoy! Bastos ka ahh! (Kumatok ng ilang beses) Buksan mo 'to!

Binuksan ulit ng lalaki ang pinto.

Boardmate #1: CROSS

Age: 17

Height: 5'11"

Degree Program: Biology (PreMed)

Cross: Walang Yanyan dito.

Marian: Marian! Marian Torres, okay na?

Tiningnan ni Cross si Marian sa mata, pumasok ulit sa loob at iniwan na bukas ang pinto.

Marian: Tss, thank you ah! (Iritado)

Pagdating sa loob, napatingin si Marian sa laki ng boarding house.

Marian: Wow, mas malaki pa pala siya sa personal!

Tatanungin sana niya si Cross kung nasa'n ang caretaker pero mukhang pumasok na ito sa kwarto.

Aling Teresa: (Nagpunas, galing CR) Ay, naku, nandito ka na pala! Pasensya ka na ne, nag-banyo kasi ako eh, kanina ka pa ba?

Marian: Ahh, okay lang po. Kararating ko lang naman po eh.

Aling Teresa: Buti naman. Upo ka, feel at home. Ikaw si Marian, di ba?

Marian: Opo. Yung nagbukas po ng pinto ---

Aling Teresa: Ahh, si Cross? Nauna lang siyang dumating sa'yo. Isa siya sa mga makakasama mo rito sa bahay.

Marian: Ganun po ba? Yung iba po?

Aling Teresa: Darating yung 3 mamaya. Yung isa kasi baka bukas pa o sa lunes. Onga pala, okay lang bang maiwan ko muna kayo? Kailangan ko kasing umuwi saglit eh.

Marian: O-okay lang po. Pero, pa'no ko po malalaman kung boardmate ko na po yung dumating?

Aling Teresa: Wag ka mag-alala, sabihin mo lang: password. Pag sinabi nilang 6-1-2-4, sila yun.

Marian: (Na-weirduhan) P--po?

Aling Teresa: (Nagmamadaling kumilos) Saka yung kwarto mo pala, room 2. Alam mo naman sigurong may roommate ka noh?

Marian: O--opo. Pero ---

Aling Teresa: Mauna na ako ne ah? Bye! Ingat ka, mag-lock ka ng pinto.

Sinara na ni Aling Teresa ang pinto at nagmadaling umalis.

Marian: P--password?!

Napaupo si Marian sa sofa at tiningnan ulit ang bahay. First time niyang mawalay sa pamilya at tumira kasama ang mga taong di niya kilala. Malaki ang boarding house na inupahan niya. Inikot niya ang bahay. 3 floors ito. Nasa baba ang kitchen, dining, isang CR at malaking sala. May malaking tv, ref, oven, stove, at kung anu-ano pa. Pag-akyat niya, may apat na rooms. Magkatabi ang room 1 at 2 habang katapat naman nito ang room 3 & 4. Sa gitna ay may isa pang CR.

REPLAY 2004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon