Chapter 1

0 0 0
                                    

"Hoy!!! Miyuki gaano ba kalalim yang iniisip mo? Kanina ka pa namin tinatanong oh!" Sabay snap ng dalawa nyang mga daliri.

Miyuki Mitsukase 22 years old isang fourth year College Student half Japanese and i like being normal, normal sa lahat ng bagay sa pagiging isang studyante, kapatid, kaibigan at iba pang mga bagay ayoko kasi maging sikat baka pagkaguluhan ako you know mahirap lalo na sa isang katulad kong maganda hekhek.

"Sino pa nga bang iniisip nyan edi yung crush nya nanaman dika pa nasanay sa pag papantasya ni Yuki" Sabay cross arm ni Ron.

Si Ron at Janica ang best friend ko simula nung highschool pa lang kami Transferee kasi ako sa school nila kakalipat lang kasi namin sa lola ko nun dahil sa isang problema. Simula ng mamatay ang tatay ko dahil sa cancer Nag pasya kami ng Nanay ko na lumipat sa province nila para dun nalang ipag patuloy ang pag aaral namin ng isa ko pang nakababatang kapatid na sobrang kulit Jusko napag lihi yata yun ng nanay ko sa kung ano.

Sila ang nag guide sakin sa bago kong school they help me sa mga school works kapag diko naiintindihan kung ano ba yung mga pinapagawa samin sila ang tumutulong at nag eexplain sakin dahil narin sa hindi ko naiintindihan yung salita nila kaya sobrang thankful ko kasi sila ang nakilala ko what if nalang kaya kung sa mga basagulerong klase ng tao ako nakipag kaibigan ano nalang future ko nun.

"Hoyyy hindi ah sabi ko naman sainyo wala pa yan sa isip ko tska natulala lang crush na agad iniisip?" Sabay bukas ng lunch box ko

"Sabagay Diba Janica? Janica? " Tanong ni Ron

"Huh? ahhh yahhh oo hehe" sabay kamot nito  sa ulo  niya. Hay nako! kasi naman dumaan nanaman yung crush nya na kinapapatayan nya.

"Yan problema sainyong mga babae eh nag kakandarapa kayo sa taong hindi naman kayo gusto tsk! sabagay ganito talaga pag mga gwapo" Sabay batok namin ni Janica Kay Ron may pagka mahangin din kasi tong isang to ehhh

"So yuki san mo ba planong mag trabaho pag graduate natin?" oo nga pala ilang buwan nalang graduate na kami. Accountancy ang kinuha kong course kaya balak ko mangibang bansa o sa Manila nalang mag trabaho depende kung san ako magiging komportable.

"Pupunta nalang yata ako ng manila matagal tagal na din akong di nakakapunta dun simula nung lumipat kami dito eh pero kayo? ano namang balak nyo? Sabay kain ng Niluto Kong adobo.

"Nako di na daw mag ta-trabaho si Janica mag aasawa nalang daw sya sabi nya sakin" Sabay kindat nito kay Anica. Alam ko at matagal ko na narin namang napapansin tong dalawang to di lang nakaka aminan.

"Che! tumahimik ka nga dyan palibhasa wala kang plano sa buhay mo! Balak ko kayang mag tayo ng sarili kong negosyo sa sarili kong mga paa" kumikinang ang mga mata ni Anica habang nakangiti at nakatingin sa taas nang mag salita.

"Anong klaseng Negosyo naman yang itatayo mo? Sanglaan? pag papautang? hahaha kung ako sayo Anica pakasalan mo nalanh ako magiging maganda pa ang buhay mo" Pangaasar naman ni Ron. Talaga tong lalaking to Ayaw lang umamin ang dami pang sinasabi jusko ito nanaman sila nag tatalo nanaman.

"aba! ginawa mo pakong bombay tska yuck! wala ka ngang plano para sa sarili mo tas pakakasalan pa kita pano nalang ako no" Hahaha buti nalang sanay nako sakanila  di na talaga maiiwasan to at isa yan sa mga mamimiss ko.

"Tumigil na nga kayo araw araw nalang jusko ano bang balak mo Ron pag graduate natin?" bigla naman kaming natahimik at inaantay ang sagot ni Ron

"wala" Bigla namang nag pakawala si Anica ng napakalakas na tawa halos tumingin na samin lahat ng tao dito sa cafeteria sa sobrang lakas ng boses nya.

Bigla namang tumayo at nag lakad papalayo samin si Ron Pero hindi parin tumitigil sa pag halakhak si Anica. Hayyy! ewan ko ba sa mga kaibigang kong to kung hindi ko lang sila kilala napag kamalan ko na tong dalawang to.

Natapos naman na ang klase ko at dali dali akong umuwi saamin para makapag pahinga diko alam pero pagod na pagod ako.

"Im home" Dirediretso ako ng pasok sa bahay at naabutan kong nag luluto ng hapunan ang lola ko at nag lalaro naman ang nakababata kong kapatid.

"oyyy ate andyan kana pala tara laro tayo" Nag lalaro sya ng barilbarilan at plano nyang maging hostage ako.

" Aba! parang luge naman yata ako dyan"  Tinaasan ko sya ng kilay at nag cross arm.

"sige na pleaseeeeee sige na ate" Aghhhh! ito ang ayaw ko ehhhh alam nya kung pano ako makukuha.

"Sige na nga basta lilibre mokong ice cream" Sabay kuha ng kunwari kunwarian nyang posas

"wala kong pera ipang de-date ko payun kay Stephanie" Sabi nito habang inaayos yung mga laruan nya.

5 years old palang sya pero kung makapag salita to kala mo ang tanda na tska may nalalaman laman na syang date ah ako nga walang ka date sa valentines tapos sya hay!

"Shinske Miyuki tara na kakain na mamaya na yan" Hindi naman natuloy ang pag lalaro namin ni Shinske sa pag tawag ni lola.

"Lola anong oras po dadating si mama?" Tanong ng kapatid ko hindi naman na ako nag salita dahil alam kong gabi nanaman sya uuwi lagi naman eh simula ng maging mayor sya hindi na namin sya nakakasama.

"maya maya andyan na yun baka na traffic lang sige na kumain kana masamang pinag iintay ang pagkain baka lumamig pa yan" Nabalot kami ng katahimikan ng biglang mag salita ulit ang lola ko

"Miyuki hija Ano bang balak mo pagka graduate mo?"  Tanong sakin ni lola

"Ate bilihan moko ng sasakyan ah gusto ko yung malaking malaki" Sabi nito habang umaaktong nag mamaneho

"Accountacy po kinuha ko kaya balak ko pong pumunta ng manila o mangibang bansa para mas maganda at mas maging mataas ang sahod ko"

"Mabuti yan apo ipag patuloy mo lang yan sigurado ako ngayon palang proud na proud na sayo ang papa mo kaya ipag patuloy mo lang yan hanggang sa makamit mo ang hinahangad mo tska para mabilan mo rin si Shinske ng sasakyan diba Shinske?" Sabay ngiti nito sa kapatid ko

"Oo nga ate tapos dadalin ko kayo ni lola sa magandang lugar tapos kakain tayo tapos mamamasyal" mukha syang seryoso habang sinasabi nya yun Namumuo at kumikinang pa yung mga mata nya.
Kahit wala na si papa naaalala ko parin sya sa kapatid ko.

Dumiretso ako agad sa kwarto ko pag tapos namin kumain bigla namang nawala yung pagod ko dahil kay Shinske.

Habang naka higa napaisip ako sa sinabi ko kanina kay Ron "sabi ko naman sainyo wala pa yan sa isip ko tska natulala lang crush na agad iniisip?" diko alam pero bakit wala man lang nag babalak na manligaw sakin? ganun ba ko kapanget? Hindi naman ako mabaho pero bakit walang nag papangahas manligaw sakin?

"Hayyy! ano ba yan Miyuki matulog kana nga lang wag mo na yan isipin May pasok ka pa bukas"


























-------------------
ヽ(´∀`)ノ
-------------------

you know my nameWhere stories live. Discover now